Panalangin sa Kapatiran

 


Isa sa pinakamalaking bagay na maaari mong gawin sa isang tao ay ang ipanalangin siya. Ang panalangin sa mga kapatid ay ekspresyon ng pag-ibig. Sa pamamagitan nito, nakikibahagi tayo sa kanilang mga buhay at nakikibuhat sa kanilang mga pasanin. 

1. Tinuturo ng Biblia ang pangangailangang ipanalangin ang mga kapatid, San 5:16; Ef 6:18

2. Mahalaga ang panalangin dahil a) nagdadala ito ng lakas at pagkakaisa sa simbahan; b) nagdudulot ito ng kagalingan at restorasyon sa mga namimighati, 2 Cor 1:11; Col 2:2

3. Paano natin sila ipapanalangin? Para sa espirituwal na paglago at relasyon sa Diyos. Para sa kanilang pisikal at emosyonal na pangangailangan, Col 1:9-12. Sikapin nating maging tugon sa ating sariling panalangin, 1 Juan 3:16-18. 

4. Ang kapangyarihan ng panalangin. Ang Espiritu Santo ay namamagitan para sa atin at nagbibigay kapangyarihan sa ating mga panalangin. Ito ay nagreresulta sa paglagong espirituwal at himalang pamamagitan ng Diyos, Roma 8:26-27.

5. Bakit kailangan nating ipanalangin ang mga kapatid? Sila ay pagpapala sa atin at sa simbahan. Bilang magkakapatid, bahagi tayo ng iisang katawan, 1 Tes 1:2-3; Fil 1:3-5.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.)




Comments

Popular posts from this blog

Ang Diyos ang Nagtatag ng Pamilya

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama