Orden sa Pagsasagawa ng Banal na Hapunan
ORDEN SA PAGSASAGAWA NG BANAL NA HAPUNAN (Presbyterian)
HALAW KAY ARCHIBALD ALEXANDER HODGE (Salamat Monergism FB page).
PAKINGGAN ninyo ang mga salita ng pagtatag ng banal na Hapunan ng ating Panginoon, na ibinigay sa isang kapahayagan sa Kaniyang apostol na si Pablo, at nasulat sa ikalabing-isang kapitulo ng Unang Corinto:
23 Sapagka't tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay; 24 At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin. 25 At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.
26 Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.
Aking timtimang tungkulin na balaan ang lapastangan (kasama na ang makamundo), ang mangmang (ang mga taong dahil kulang sa aral o karunungan ay hindi nauunawaan ang plano ng kaligtasan), ang mga eskandaloso at ang mga nagpapakasasa sa kasalanan, na huwag lumapit sa banal na hapunan.
Sa kabilang banda, isang malaking pribilehiyo para sa akin na imbitahan, sa ngalan ng Panginoong Jesus, sa banal na hapunan ang lahat ng, kinikilala ang kanilang kasalanan at nanampalataya sa Panginoon para sa kaligasan; ang lahat ng naaralan sa doktrina ni Cristo at kumikilala sa katawan ni Cristo; at ang lahat ng ikinumpisal ang kanilang mga kasalanan upang mamuhay sa kabanalan.
Ang lahat ng naghayag ng pananampalataya sa Panginoong Jesus, mga miyembro na may matuwid na tindig sa mga simbahang evangeliko, hindi mam kayo miyembro ng kalipunang ito, kayo ay aming malugod na iniimbitahan sa hapag ng Panginoon. 17 Bagaman tayo'y marami, ay iisa lamang tinapay, iisang katawan: sapagka't tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay.1 Cor. 10:17.
[Aawitin ng kongregasyon ang Nothing But the Blood of Jesus.]
[ Manalangin tayo. Panimulang Panalangin, kabilang na ang pagbabanal ng tinapay at ng kopa (“setting the elements apart”), Pagkumpisal at Paghiling sa Pakikiisa ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.]
Pamamahagi ng Tinapay
Matapos dasalan ang tinapay, kukuha ang ministro ng isang tinapay at pipirasuhin at sasabihin: ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay; 24 At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ako na naglilingkod sa inyo sa ngalan ng Panginoon ay ibinibigay sa inyo ang tinapay na ito [sa puntong ito, ibabahagi na ang tinapay,] at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.
[Habang binabahagi ang tinapay, gusto kong pagnilayan ninyo ang mga salitang ito:]
Ang tinapay na ating pinagpuputolputol, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng katawan ni Cristo? (1 Cor. 10:16.) Ito ang tinapay na bumabang galing sa langit: hindi gaya ng mga magulang na nagsikain, at nangamatay; ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailan man. Juan 6:58.
1 Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? John 12:38; Rom 10:16; 2 Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya. 3 Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya. Ps 22:6-7; Isa 49:7; Isa 52:14; Mark 9:12; 4 Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. Matt 8:17; 5 Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo. Rom 4:25; 1Cor 15:3; 1Pet 2:24; 6 Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat. 7 Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig. Matt 26:63; Matt 27:12; Matt 27:14; Mark 14:61; Mark 15:5; Acts 8:32; 8 Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya. 9 At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig. 1Pet 2:22; 1John 3:5; 10 Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, makikita niya ang kaniyang lahi, pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay. 11 Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan. 12 Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at namagitan sa mga mananalangsang. Mark 15:28; Luke 22:37; Luke 23:34;
Isa. 53.
28 Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin. Matt 11:28.
Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Juan 3:16.
Sapagka't ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala. Luke 19:10
Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin. Isa. 45:22.
Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw. John 6:54.
Kainin natin ang tinapay.
Pamamahagi ng Alak
Sasabihin ng ministro: Ganuon din naman ang ating Panginoon ay dinampot ang isang saro; at at tayo ay nagpasalamat sa Kaniyang pangalan, at ibinigay sa kanila [sa puntong ito ibahagi na ang saro], na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan; 28 Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Inumin ninyo ito.
[Habang binabahagi ang saro, pagnilayan ninyo ang mga salitang ito:]
Ang saro ng pagpapala na ating pinagpapala, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng dugo ni Cristo? 1 Cor. 10:16.
3 Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko.
4 Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin: upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka, at maging malinis pag humahatol ka. Rom 3:4;
5 Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,
6 Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap; at sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan.
7 Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve. Lev 14:4; Lev 14:6; Num 19:6; Num 19:18;
8 Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan; upang ang mga buto na iyong binali ay mangagalak.
9 Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, at pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan.
10 Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.
11 Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.
12 Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: at alalayan ako ng kusang espiritu. Awit. 51:3–12.
Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.1 Juan 1:7–9.
Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa. Juan 15:5.
Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili. John 6:53.
Inumin natin ang saro.
[Matapos ng komunyon sasabihin ng ministro:]
Mga minamahal yamang pinakain tayo ng Panginoon sa Kaniyang hapag, ating pasalamatan Siya na sinasabi sa ating mga puso:
Pagpalain ang Panginoon, o aking kaluluwa, at lahat sa aking kalooban ay pagpalain ang Kaniyang pangalan; pagpalain ang Panginoon o aking kaluluwa, at huwag kalimutan ang Kaniyang kabutihan.
Na pinatawad ang lahat mong mga kasalanan; na nagbigay ng kagalingan ng mga karamdaman; na tumubos ng aking kaluluwa sa kapahamakan; na nagputong sa akin ng pag-ibig at ng awa.
Ang Panginoon ay maawain at puno ng biyaya, mabagal magalit ngunit puno ng kahabagan. Hindi Niya tayo trinato nang ayon sa ating mga kasalanan ni ginantimpalaan ayon sa ating kasamaan.
Kung gaano kataas ang langit sa lupa, gayon din ang Kaniyang habag sa mga may takot sa Kaniya. Kung gaano kalayo ang Silangan sa Kanluran, ganuon kalayo Niya nilayo ang ating mga kasalanan sa atin. Kung paanong ang isang ama ay may habag sa kaniyang mga anak, ganuon din may habag ang Diyos sa lahat ng may takot sa Kaniya.
Siya na hindi ipinagkait ang Kaniyang Anak para sa atin, bakit Niya ipagkakait ang lahat ng mga bagay sa ating kabanalan? Itinagubilin ng Diyos ang Kaniyang pag-ibig sa atin na nang tayo ay makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin. Lalo ngayong tayo ay inaring- matuwid dahil sa Kaniyang dugo, tayo ay ililigtas Niya sa poot ng Diyos. Sapagkat nang tayo ay mga kaaway pa, tayo ay pinagkaisa sa Diyos sa pamamagitan ng Kaniyang kamatayan, lalo tayong makikipagkaisa sa Diyos sa Kaniyang buhay. Samakatuwid lahat ng kamay at bibig at puso ay ihayag ang kaluwalhatian ng Diyos, ngayon at magpakailan man. AMEN.*
[Ang ministro ay mananalangin sa pagtatapos at pagpapasalamat
[Ang kongregasyon ay await ng Are You Washed in the Blood?]
BENEDICTION:
Ngayon, ang Diyos ng kapayapaan na nagbangon sa ating Panginoong Jesus mula sa mga patay, ang Dakilang Pastol ng mga tupa, sa pamamagitan ng dugo ng bagong tipan, ay sakdalin kayo sa paggawa ng lahat ng mabubuting gawa ayon sa Kaniyang kalooban; na gumagawa sa inyo ng nakalulugod sa Kaniyang paningin, sa pamamagitan ni Jesucristo, luwalhatiin nawa Siya ngayon at magpakailan man. AMEN
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.)
Comments
Post a Comment