Memorizing Scriptures: Lukas 2:30
Lukas 2:30 Sapagka't nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas.
Luke 2:30
[30]For my eyes have seen Your salvation.
Dahil tapos na ang series sa Pride Month, magsisimula naman ako ng bagong series. Sa pagkakataong ito, ibabahagi ko ang mga memory verses na ginagamit namin sa Dahat Prep School. Filipino (Ang Biblia) ang aming wikang ginagamit pero sa blog na ito, gagamitin natin pareho ang Ang Biblia at New American Standard Bible. Ang mga ito ang paborito kong versions ng Biblia. Kung gusto ninyong gumamit ng ibang versions, okay lang. Ang mahalaga, madagdagan ang ating mga saulong bersikulo sapagkat,
Awit 119:11 Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
Ang ating memory verse ay bahagi ng pahayag ni Simeon na nilarawan bilang
"isang lalake sa Jerusalem", "matuwid at masipag sa kabanalan, na nag-aantay ng kaaliwan ng Israel: at sumasa kaniya ang Espiritu Santo." Nangako ang Espiritu sa kaniya na hindi siya mamamatay hanggang hindi niya nakikita ang "Cristo ng Panginoon," ang "kaaliwan ng Israel." Nang makita niya si Jesus sa templo bilang pagsunod sa Kautusan, pinuri niya ang Diyos at sinabi, "nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, Na iyong inihanda sa unahan ng mukha ng lahat ng mga tao;
Isang ilaw upang ipahayag sa mga Gentil, At ang kaluwalhatian ng iyong bayang Israel." Sa mga pananalitang ito kinilala niya ang sanggol na Jesus bilang "Cristo ng Panginoon," ang "kaaliwan ng Israel." Hinula niya rin na si Jesus "ay itinalaga sa ikararapa at sa ikatitindig ng marami sa Israel; at pinakatandang tudlaan ng pagsalangsang." Ganuon din, si Jesus ay magdadala ng malaking kapighatian kay Maria. Dahil masasaksihan niya ang pagtakwil at pagpako ng bansang Israel kay Jesus. Siya ay dumating sa Kaniyang sariling bayan ngunit ang bayan ay tinakwil Siya.
Ikaw kinilala mo na ba si Jesus bilang Tagapagligtas? Nanampalataya ka na ba sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan? Kung hindi pa, huwag mo nang sayangin ang panahon, manampalataya ka sa Kaniya at ikaw ay maliligtas.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.)
Comments
Post a Comment