Pinili dahil madali?
.jpeg)
Ano ba ang basehan sa pagpili ng reading, study o preaching Bible? Narinig ko ang isang ministrong nagmungkahi na ang preperensiya niya sa isang salin ng Biblia sa pagtuturo ay dahil ito ay madaling maintindihan. Ang saling kaniyang tinutukoy ay ang Mabuting Balita Biblia, na sa aking opinyon ay mas marapat pang tawaging komentaryo kaysa salin dahil sa malaya nitong paraphrasing. Ayon na rin sa pag-amin ng MBB, ang kanilang mga editor ay malayang nagbawas, nagdagdag, nagputol, nagdugtong at nagre-arrange ng mga sitas for smoother reading. Samakatuwid, ang sinumang umaasa sa MBB bilang primary Bible is at the mercy of the editors. Hindi niya tiyak kung ang binabasa niya ay aktuwal na salin o komentaryo ng mga editor (sa hiwalay na blog tatalakayin ko ang pagkakaiba ng formal equivalence, dynamic equivalence at paraphrases). Dinepensahan niya ang paggamit nito sa pagtuturo na kapag siya naman ay nag-aaral, komukunsulta ng iba’t ibang salin gaya ng NLT, NIV at KJV. Mula sa mga sali...