Colosas 2:16 Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath:17 Na isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't ang katawan ay kay Cristo.
Ang sinumang manampalataya kay Cristo ay may buhay na walang hanggang. Hindi lamang iyan, siya ay may taglay na kalayaan mula sa anumang uri ng man-made standards of performance-ism. Ang nakalulungkot, matapos na maligtas na hiwalay sa mga gawa, matapos palayain sa pumapatay na pamantayan ng Kautusan, maraming pastor ang binabalik ang kanilang miyembro sa Kautusan. Ang iba ay muling nilalagyan ng pamatok ang mga mananampalataya na nakabase sa personal na preperensiya sa halip na mga aral ng biyaya. We are saved by grace through faith but these pastors are trying to grow and mature their church through the law and works. No wonder, kailangang isulat ni Pablo ang epistula sa Galatia upang wakasan ang "panggagayuma" sa mga grace believers.
Matapos isaysay ang ginawa ni Cristo sa krus, dumako si Pablo sa mga praktikal na admonisyon sa liwanag ng gawain ni Cristo sa krus. Pinalaya tayo ni Cristo mula sa Kautusan at walang dahilan upang muling magpasakop dito. Tayo ay sangkap na kay Cristo at walang maidaragdag ang Kautusan sa ating kasakdalan:
Colosas 2:9 Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,10 At sa kaniya kayo'y napuspus na siyang pangulo ng lahat na pamunuan at kapangyarihan.
Ang biyaya ay isang kumpletong package. Ito ay nagliligtas at ito rin ay nagtuturo ng kabanalan. Ito rin ang nagbibigay sa atin ng pinagpalang pag-asa:
Tito 2:11 Sapagka't napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao,12 Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito;13 Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo.
Walang dahilan upang pagkatapos na palayain sa Kautusan, muli nating suutin ang pamatok nito na kahit ang mga orihinal na binigyan (si Pedro at ang kaniyang mga kapwa Judio at mga ninuno) ay hindi kaya.
Balikan natin ang Colosa 2.
16 Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath.
Ito ay isang negatibong utos ni Pablo. Huwag daw nating hayaang hatulan tayo tungkol sa pagkain, inumin, mga (Judiong) kapistahan, mga bagong buwan (Jewish lunar calendar) at sabbath.
17 Na isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't ang katawan ay kay Cristo.
Bakit? Sapagka't ang mga ito ay mga anino lamang ng mga bagay na magsisidating. Samakatuwid ang mga ito ay word pictures na ang tunay na sustansiya (substance) o katawan ay na kay Cristo. Sa madaling salita, pagdating ni Cristo, ang mga ito ay hindi na kailangan.
Apparently, hindi ito matanggap ng ilan sa mga unang mananampalatayang Judio. Dahil sila ay nasa ilalim ng Kautusan sa mahabang panahon, nang sila ay maligtas, dala nila ang ideya na kailangan ng mga mananampalatayang Gentil na magpasakop sa Kautusan. Sa kabila ng desisyon ng Konseho sa Jerusalem (Gawa 15), may mga Judaisers na hindi matanggap ang kalayaan ng mga mananampalataya mula sa Kautusan. Hinahatulan nila ang mga Cristianong hindi sumusunod sa mga aninong Kautusang ito.
Ganuon din ngayon. May mga mananampalatayang hindi nakakaunawa ng complete package of grace ang natatakot na kapag ang mananampalataya ay hindi nagpasakop sa Kautusan, ang mananampalataya ay magiging libertina at imoral. Hindi nila alam na once saved, they are freed forever from the Law. Instead sila ay nasa ilalim ng mga aral ng biyaya sa kabanalan. Sa ibang bahagi ng Kasulatan, tinatawag itong Kautusan ni Cristo upang i-distinguish ito sa Kautusan ni Moises.
Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga modernong Judaisers na ito ang ating kalayaan kay Cristo sa biyaya.
18 Sinoman ay huwag manakawan ng ganting-pala sa inyo sa pamamagitan ng kusang pagpapakababa at pagsamba sa mga anghel, na nananatili sa mga bagay na kaniyang nakita, na nagpapalalo ng walang kabuluhan sa pamamagitan ng kaniyang akalang ukol sa laman,
Ang pagsunod pala sa aninong ito ay maaaring maging dahilan upang mawalan ng gantimpala o rewards sa Bema. This is serious. Ang sinumang naligtas sa biyaya na inconsistently ay namumuhay sa Kautusan is in danger of losing his rewards.
Hindi lamang iyan. Ang sinumang naligtas sa biyaya na namumuhay sa Kautusan ay hindi namumuhay ng espirituwal na pamumuhay. Instead siya ay fleshly o carnal. Ito ay uri ng idolatriya (sa context ito ay uri ng incipient Jewish gnosticism) na sumasamba sa mga anghel.
19 At hindi nangangapit sa Ulo, na sa kaniya'y ang buong katawan, na inaalalayan at nakalakip sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid, ay lumalago ng paglagong mula sa Dios.
Ang mga nagpapasakop sa Kautusan ay hiwalay sa Ulo, samakatuwid out of fellowship. Ang ligtas sa biyaya ay ligtas magpakailan man ngunit hindi niya mararanasan ang kaligtasang iyan sa kaniyang buhay. Hindi siya lalago dahil may putol ang at bali ang kaniyang mga litid at kasukasuan (ang word picture ay dahil sa nerve and joint damage, ang tao ay may atrophy, spiritually ang nagpapasakop sa Kautusan ay may spiritual atrophy).
20 Kung kayo'y nangamatay na kalakip ni Cristo mula sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, bakit, na waring kayo'y nangabubuhay pa sa sanglibutan, kayo'y nangapasasakop sa mga palatuntunan,
21 Gaya ng: Huwag dumampot, ni huwag lumasap, ni huwag humipo;
22 (Ang lahat ng mga bagay na ito ay mangasisira sa paggamit), ayon sa mga utos at mga aral ng mga tao?
Tayo ay namatay kalakip ni Cristo, samakatuwid malaya na tayo sa Kautusan. Ang Kautusan ay para lamang sa mga buhay na mamamatay kapag hindi nakasunod dito. Wala itong kapangyarihan sa mga namatay na. Ang Cristianong namatay at nabuhay kay Cristo (retroactive positional truth) ay wala sa ilalim ng Kautusan.
Mas lalong wala tayo sa mga gawa-gawang pantaong pamantayan ng sinuman. May mga pastor na nakapokus sa panlabas na ginagawang sukatan ng kaligtasan o kabanalan ang attendance sa simbahan, pagdadala ng Biblia o paglilingkod. Ang mga ito ay valid na ekspresyon ng paglago espirituwal; hindi ang mga ito requirements para lumago. That is putting the cart before the horse.
23 Ang mga bagay na iya'y katotohanang mayroong anyo ng karunungan sa pagsambang kusa, at sa pagpapakababa, at sa pagpapakahirap sa katawan; nguni't walang anomang kabuluhan laban sa ikalalayaw ng laman.
Ang dahilan kung bakit ito ay kaakit-akit sa mga Cristiano ay may anyo ito ng karunungan, may anyo ng kapakumbabaan at may anyo ng self-denial ngunit sa katotohanan ay walang kabuluhan (Ecclesiastes reference) laban sa layaw ng laman. Sa halip na supilin ang laman, ang Kautusan ay nagpapalago nito. Ilang Cristiano ang kilala ninyong proud na laging nagsisimba, laging may dalang Biblia at laging naglilingkod at hinahatulan ang kapatid na sa kaniyang paningin ay hindi gumagawa ng mga ito. May mga pagkakataong kinukwestiyon niya pa ang kaligtasan ng mga ito dahil umano'y ang anak ng Diyos ay maghahanap ng Salita ng Diyos. Ito ay nakalulungkot.
Ang false humility ang pinakamahirap na uri ng pride na supilin dahil nagbibigay ito ng false assurance of spirituality. Sa halip na magpokus sa pag-aaral ng Salita ng Diyos, hayaan itong magbago ng kaniyang isipan, magdebelop ng panloob na bunga ng Espiritu o karakter ni Cristo, at tumupad o mag-apply mg doktrina sa eksperiyensiya, ang espirituwal na buhay ay nagiging tseklist:
Nagsimba- tsek
May dalang Biblia- tsek
Naglilingkod- tsek
Patay ang selpon sa simbahan- tsek
Score: Faithful.
This is false humility.
Sa halip na magpokus sa Kautusan, magpokus sa panloob na bunga ng Espiritu:
Galatia 5:22 Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,23 Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay WALANG KAUTUSAN.
Ang bunga na ito ay mabubuo hindi sa pamamagitan ng mga panlabas na utos at pamantayang pantao kundi sa pananahan kay Cristo at sa Kaniyang Salita:
Juan 15:4 Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo'y manatili sa akin.5 Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa....7 Kung kayo'y magsipanatili sa akin, at ang mga salita ko'y magsipanatili sa inyo, ay hingin ninyo ang anomang inyong ibigin, at gagawin sa inyo.8 Sa ganito'y lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo'y magsipagbunga ng marami; at gayon kayo'y magiging aking mga alagad.
Ang sukatan ng kabanalan ay wala sa panlabas na pananamit, pagsisimba o pagdadala ng Bibliang hindi naman binabasa. Ito ay nasa panloob na biyayang nadedebelop sa namumuhay kay Cristo.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment