Ang Smartphone ba ay mula sa diablo?

 


To be honest hindi ko alam na may smartphone ang diablo. Now I am curious kung ano ang brand at kung anong sim ang kaniyang ginagamit. 

More seriously I think this kind of thinking just reflects the Adamic attitude during the Fall. Nang tanungin ng Diyos si Adan kung kumain ba siya sa pinagbabawal na puno, rather than answering a plain yes or a plain no, sinisi niya ang babae. Natural sinisi ng babae ang ahas. Kawawang ahas wala siyang masisisi. Ang kwento ay nasa Genesis 3 if you are interested. 

Since then, sa halip na gamitin ang volition to serve God in free will, we have been using it to escape responsibility by blaming something or someone. 

Bakit hindi nagbabasa ng Biblia ang mga Cristiano? Sisihin ang smartphone. Bakit hindi nagdadala ng Biblia? Sisihin ang smartphone. Bakit hindi nagsisimba? Sisihin ang smartphone? Bakit ganito at ganiyan? You got it, sisihin ang smartphone. 

Sinisisi natin ang smartphone sa halip na sisihin ang gumagamit ng smartphone. What is the highest in your scale of values?

In the past, sinisisi natin ang alak, ang sugal, ang pagsayaw ng chacha, ang damit, ang sigarilyo, at kung ano-ano pa. In the future marami pa tayong sisisihin. Everything and anything except ourselves. 

Ang smartphone ay gadget. A material gadget. By itself, it is amoral. It cannot decide for right or for wrong. Depende sa iyong gamit, magagamit ang smartphone for good or for evil. 

Ang key ay ikaw ang user. 

Kapag hinihiram ng misis ko ang aking phone para makinood ng reels, naiinis siya kasi puro exercises at martial arts ang kaniyang nakikita. Hindi naman nakapagtataka dahil iyon ang madalas kong panoorin at alam iyan ng algorithm ng aking phone. Kapag nakikinood naman ako sa kaniya, puro plants, pag-aalaga ng hayop at pagluluto. Guess why? 

Maaaring gamitin ang smartphone sa kasamaan. Magagamit ito para ma-access ang mga bagay na hindi dapat makita ng isang Cristiano. Magagamit ito para manloko at magnakaw at manira ng kapwa. Magagamit ito para ipakalat ang huwad na mga doktrina. Nasa iyo kung paano mo ito gagamitin. 

Ang smartphone ko ay essential sa aking pang-araw-araw na buhay. Narito ang aking mga socmed accounts na ginagamit sa trabaho. Ginagamit ko ito upang mamili online, upang malibang, magbasa ng ebooks (Do you have any idea how many books you can read for free online?), makikonek sa pamilya, atbp. Ginagamit ko ito upang gumawa at magpasa ng reports. Upang um-attend sa seminars at online trainings. Ginagamit ko ito upang mag-online games. 

Ito ang aking TV, socmed, calculator, calendar, organizer, Bible, reader, clock, timer, atbp. 

Spiritually, gamit ko ito kapag nagbabasa ng Bible at ng mga Christian books, kapag nakikipagdiskusyon sa FB doctrinal pages, sa pagsulat at pagpublish ng aking blogs, sa pagshare at pagreshare ng blogs ng iba, sa pagkomento sa mga isyung may kinalaman sa Biblia, atbp. Ginagamit ko ito upang ma-access ang mga commentaries, word studies, Greek interlinears, grammar books atbp, mga bagay na hindi ko mabibili on my own paycheck. Ginagamit ko ito upang makinig at mag download ng Christian music na ginagamit sa choir. At ng materials na ginagamit sa prep school. 

Oo magagamit ito as a distraction. Magagamit ito upang sa halip na magbasa ng Biblia ay makipagsatsatan sa FB. But frankly it speaks more about you, the user, than the phone. Kung ano ang nasa puso mo, ganuon mo gagamitin ang phone mo. 

Kahit alisin ang phone, kung walang pagbabago sa iyong puso, you will do the same with just about anything. Kahit ang trabaho ay magagamit sa kasamaan. Anything legitimate ay magagamit sa kasamaan kapag ang puso ay degenerate. And this is true for believers and unbelievers alike. 

So instead of ranting against smartphone, check your heart. The issues of life comes out of it. 

Ang masaklap sa taong laging nakapokus sa panlabas sa halip na panloob ay nire-reduce ang spiritual na buhay sa panlabas na solusyon gaya ng paggamit o hindi paggamit ng smartphones. The spiritual life is more complex than that. It is a minute by minute dependence on the mentorship of the Spirit. The smartphone is just a tool. The issue is are you a fool? 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?

Ano ang ibig sabihin ng Awit 49:7-9?