Nasaan ang rapture sa 1 Tesalonika 4:17?



Paano na-associate ang rapture sa 1 Tesalonika 4:17?

Sa saling Latin na Vulgate ang 1 Tesalonika 4:17 ay mababasa:

“Deinde nos qui vivimus, qui relinquimur, simul rapiemur cum illis in nubibus obviam Christo in aera, et sic semper cum Domino erimus.”

Ang salitang RAPIEMUR ay salin ng Griyegong HARPAZO na nangangahulugang “we shall be caught up” or “we shall be snatched away”. Ang RAPIEMUR ay pandiwa na nanggaling sa salitang Lating RAPIO. Ang salitang RAPTURO (na kilala sa Ingles bilang RAPTURE) ay ang pangngalang anyo (noun form) ng parehong RAPIO. Samakatuwid ang RAPTURO ay lehitimong deribasyon mula sa 1 Tesalonika 4:17.

Ang argumentong walang RAPTURE sa Kasulatan ay hindi valid na argumento. Wala rin ang mga salitang Trinity at Hypostatic Union sa Kasulatan, pero marami ang nanghahawak sa mga terminong ito sapagkat ang doktrina ay makukuha sa Kasulatan.

Kung ang basehan ay ang actual appearance ng salita sa Biblia, wala rin sa Kasulatan ang Diyos, ang Jesus at Cristo sapagkat ang mga ito ay salitang Filipino at ang Kasulatan ay nasulat sa Hebreo, Griyego at Aramaiko. Ang Diyos, Jesus at Cristo ay mga salutang Filipino na may katumbas na Griyego at Hebreong salita (tulad ng THEOS, ELOHIM, CHRISTOS, at IEOSUS). Ganuon din naman ang salitang RAPTURE ay pangngalan na Ingles na katumbas ng salitang HARPAZO. Ang higit na mahalaga ay kung ito ba ay tinuturo ng Kasulatan (sa hiwalay na blog).

Ano ba ang gamit ng HARPAZO? Sa KJV, 13 ulit na ginamit ang salitang HARPAZO. Mateo 11:12; 13:9; Juan 6:15; 10:12, 28, 29; Gawa 8:39; 23:10; 2 Corinto 12:2, 4; 1 Tesalonika 4:17; Judas 23 at Pahayag 12:5. Sa lahat ng gamit nito narito ang ideya ng pagkuha mula sa isang lugar patungo sa isang lugar. In particular, ang Gawa 8:39 ay pertinent sa doktrina sapagkat si Felipe ay kinuha ng Espiritu mula sa daan sa ilang patungo sa Azoto. Ang ideya ay may physical departure.

In the future, gaya ng paglalarawan sa 1 Tesalonika 4:17, ang mga mananampalataya kay Cristo ay kukunin ni Cristo. Si Cristo ay babalik sa mundo, bagama’t hindi Siya aapak sa lupa, nasa alapaap lamang upang kunin ang Simbahan, ang mga mananampalataya sa dispensasyong ito (in a separate blog). Ito ay literal na physical departure that will happen in a second. Ang dahilan ay upang kung nasaan si Cristo naroon din ang mananampalataya.

Salungat sa sinasabi ng iba, ang Rapture is not an escapist mentality. Hindi tayo nanghahawak sa Rapture upang takasan ang pang-uusig ng mundong ito. Ang pang-uusig ay bahagi ng buhay mananampalataya, naniniwala man sa Rapture in hindi. Naniniwala tayo rito dahil ito ang pangako ng Kasulatan. Kailangang hablutin ang Simbahan upang muling gumulong ang programa ng Diyos para sa Israel.

Sa mga susunod na blogs, aking idedebelop ang blessed hope na ito ng mga Cristiano.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?