Sabado nga lang ba dapat magtipon ang mga Cristiano?

 


Colossians 2:16-17 [16]Therefore no one is to act as your judge in regard to food or drink or in respect to a festival or a new moon or a Sabbath day-[17]things which are a mere shadow of what is to come; but the substance belongs to Christ.


Romans 14:5-6 [5]One person regards one day above another, another regards every day alike. Each person must be fully convinced in his own mind.[6]He who observes the day, observes it for the Lord, and he who eats, does so for the Lord, for he gives thanks to God; and he who eats not, for the Lord he does not eat, and gives thanks to God.

Pinag-uutos nga ba ng Biblia na Sabado dapat magtipon ang mga Cristiano? 

Short answer: Hindi. 

Long answer: Read on. 

Walang pag-uutos sa Biblia na dapat magsimba ang mga Cristiano kapag Sabado. Gaya ng sipi sa itaas, ang mga Cristiano ay may kalayaan sa araw ng pangingilin dahil ito ay ginagawa niya para sa Panginoon. Makumbinse ang bawat isa sa araw na sasambahij niya ang Diyos at huwag maghatulan sa bawat isa. 

Kung ganuon, saan nagmula ang ideya na Sabado lang dapat sumamba ang mga Cristiano? Ito ay resulta ng maling pagkaunawa ng Biblia. 

Ang pangunahing kamalian ng mga nag-iinsist na Sabado (mula ngayon tatawagin ko silang Sabadista, anuman ang kanilang affiliation- SDA, Reformed SDA, Armstrongite o Hebrew Roots) lang dapat sumamba ang mga Cristiano ay ang hindi pagkaunawa ng dispensasyon. Prior sa Exodo 20, ang sabbath ay hindi enforced sa mga tao. Walang basis ang ideya na ang sabbath ay araw na binigay ng Diyos upang sumamba ang mga tao. Sa Exodo 20, ang sabbath ay bahagi ng Kautusan para sa mga Judio. Walang patunay na ang mga Gentil ay nasasakop nito. Nang mamatay si Cristo sa krus, pinakonh kasama Niya (Colosas 2) ang mga pagbabawal ng Kautusan. Napunit ang tabing na naghihiwalay sa Most Holy Place at Holy Place na nagpapakitang bukas na ang daan sa Diyos sa Persona ni Cristo. Hindi na kailangan ang Kautusan o ang mga pari para sumamba sa Diyos. Nangangahulugan itong anumang araw ng pagsamba ay katanggap-tanggap sa Diyos kung ito ay kay Cristo, sa Espiritu at sa Katotohanan. Pag ang Simbahan ay na-Rapture, papasok ang mundo sa Tribulasyon sa ilalim ng OT economy, meaning ang mga Judiong mananampalataya ay nasa ilalim ulit ng sabbath (Mateo 24) at ang mga Gentil ay wala. Sa Kaharian ang sabbath ay i-oobserve, larawan ng millennial and eternal sabbath. Ang sinumang nag-iinsist na Sabado lang ang araw na dapat sumamba ay hindi nauunawaan ang dispensational aspect ng Kasulatan. May karapatan siyang sumamba ng Sabado kung gusto niya pero hindi niya dapat hatulan ang iba na sumasamba sa ibang araw. 

Ang iba ay mali ang pagkaunawa sa progressive revelation. Kahit sa Israel mismo na nasasakop ng Kautusan at sabbath, pinalaya ang mananampalataya sa obligasyon dito kay Cristo, Roma 10. Ang utos na dating nakakasakopnsa kaniya bilang Jewish unbeliever ay wala ng kapangyarihan nang siya ay maging Jewish believers for Christ is the end of the Law to those who believe. It takes one second of faith to make obsolete a divine revelation.

Isa pang pagkakamali ay ang failure to distinguish between descriptive and prescriptive teaching. Just because Jesus observed sabbath in the Gospels does not mean we have to. Jesus is a Jew under the dispensation of the Law. Even then His observance is less strict than the Pharisees for He observed the spirit of the Law while the Jews just observe the letter. Just because the Book of Acts show the Apostles teaching during the sabbath does not mean it is prescriptive today. It simply describes how the apostles reach the Jews. They are likelier to reach the Jews in the synagogues during sabbath. 

The truth of the matter is there is zero command for the church to observe the sabbath. There is a command to Israel but Israel IS NOT the Church. That is another mistake made by some. Sila ay dalawang magkaibang people of God na may magkaibang way of life at magkaibang destinies.

Ang katotohanan ay may zero command din na magsimba kapag Sunday. Nagtitipon ang unang simbahan kapag unang araw ng linggo. But then it is descriptive, not prescriptive. 

Sa halip ang turo ng Biblia ay makuntento ang bawat isa na sumamba sa araw na sa kaniyang konsensiya ay nakaluluwalhati sa Diyos. Ang unang simbahan ay nahati sa mga kampo dahil may mga Judaiser na nais alisin ang kalayaan ng mga Gentil na mananampalatayang sumamba nang hiwalay sa Kautusan. 

Then and now, ang kwento ay pareho. May nga modernong Judaiser na nag-iinsist na dapat sumamba sa Sabado lamang. Ang sumasamba sa ibang araw ay may tatak ng Anticristo. Ginagalang natin ang kanilang karapatang sumamba kapag Sabado. Pero huwag natin payagang hatulan nila nag ating karapatang sumamba sa ibang araw. 

Marami sa atin ang sumasamba kapag Linggo dahil sa ating kultura, ito ang araw na madalas ay walang pasok sa trabaho at sa eskwelahan dahil karamihan sa mga Pinoy ay sumasamba kapag Linggo. Sa ibang lugar malamang sasamba tayo kapag Biyernes o Sabado. 

Pokus lang sa biyaya. Huwag ninyo hayaan ang mga legalistang hatulan ang inyong kalayaan. Ang pagsamba sa Diyos ay hindi dapat ma-restrict sa isang partikular na araw. May kalayaan tayong sumamba and let's use it wisely. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?

Ano ang ibig sabihin ng Awit 49:7-9?