Bagamat popular sa Christianese, wala kahit isang sitas na nagtuturong kailangan nating sumuko sa Panginoon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Instead, ang tinuturo ng Biblia ay ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya sa Panginoong Jesus. May mahigit isandaang pasahe ng nagtuturo nito.
Ibig bang sabihing hindi kailangang isuko ang sarili sa Panginoon?
Hindi mo kailangang isuko ang iyong sarili sa Panginoon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang kailangan lamang ay mananampalataya kay Jesus:
Juan 3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Juan 5:24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.
Juan 6:29 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Ito ang gawa ng Dios, na inyong sampalatayanan yaong kaniyang sinugo.
Juan 6:40 Sapagka't ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa't nakakakita sa Anak, at sa kaniya'y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw.
Juan 6:47 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sumasampalataya ay may buhay na walang hanggan.
Iyan ay sample lamang sa mga pasaheng nagtururo na ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Hindi sinabing kailangan mong isuko ang iyong sarili sa Diyos.
Subalit kung gusto mong maranasan ang fullness ng buhay na nais ng Diyos na iyong maranasan, kailangan mong mapuspos ng Espiritu, mag-aral ng Salita ng Diyos at ipasakop ang iyong isipan sa Kaniyang isipan.
Efeso 5:17 Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
18 At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu;
Roma 12:1 Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.
2 At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.
2 Corinto 10:4 (Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta);
5 Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo.
Ang buhay na walang hanggan ay isang sandali lamang ng pananampalataya. Ang buhay na nakalulugod sa Diyos ay nananawagan ng habambuhay, minuminuto, segu-segundong pagpapasakop sa kalooban ng Diyos.
Ang nanampalataya kay Cristo ay may buhay na walang hanggan ngayon mismo. Ang namuhay nang ayon sa Kaniyang kalooban ay makararanas ng fullness of life (Juan 10:10) at rewards sa Bema (1 Cor 15:58).
Kailangan nating panatilihin ang pagkakaiba ng dalawang ito upang maiwasan ang maling doktrina ng pagsuko sa sarili sa Diyos upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Oo, kailangan nating sumuko sa Diyos, hindi upang magtamo ng buhay, kundi upang ma-enjoy ang buhay na iyan to the fullest sa buhay na ito, at sa eternity ay eternal rewards.
Be diligent. Be clear. Pay attention to the excellent things, the things that differ or make a difference.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment