Bawal kang um-absent kahit masakit ang iyong paa pero aabsent ako kasi nagtatampo ako at masama ang aking loob

 


Lukas 18:11 Ang Fariseo ay nakatayo at nanalangin sa kaniyang sarili ng ganito, Dios, pinasasalamatan kita, na hindi ako gaya ng ibang mga tao, na mga manglulupig, mga liko, mga mapangalunya, o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis na ito.12 Makalawa akong nagaayuno sa isang linggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinakamtan.


Paulit-ulit kong sinasabi na hindi ako naniniwala sa mandatory Bible studies. Naniniwala ako sa intentional Bible studies. Naniniwala ako sa pagsisimba upang makakuha ng impormasyong tutulong na lumago at maisapamuhay ang espirituwal na buhay as often as possible. 

Ang pagsisimba ay hindi dapat gawing requirement o sukatan ng kabanalan o katapatan sa Diyos. Ito ay paraan upang ang kaluluwa ay lumago sa biyaya at pagkakilala sa Panginoon. 

Hindi lalago ang kaluluwa ng Cristiano kung ang sinusuksok sa kaniyang isipan ay legalismo. Paano niya maa-appreciate ang biyaya ng Diyos kung tinatakot siyang mawawala ang kaniyang kaligtasan o pinagdududahan ang kaniyang katapatan na maglingkod sa Diyos dahil sa siya ay um-absent sa pagsisimba?

Nagpapasalamat ako sa oportunidad na binigay ng Diyos upang malayang magsimba kada Linggo. Nagpapasalamat ako sa Diyos na nakapag-aaral ako ng Biblia beyond what is taught at the local church. Nagpapasalamat ako sa mga guro ng Bibliang nagtuturo gamit ang written at audio-visual means. 

Hindi lahat ay may ganitong oportunidad. May mga Cristianong nasa isang lugar kung saan bawal ang Cristianismo. May mga nasa malaya nga sanang lugar pero kailangang magtrabaho. Gustuhin man nilang magsimba, hindi nila magawa. Ang iba ay may sakit, bedridden, ang iba ay may inaalagaang maysakit, ang iba ay uniformed personnel na nagsisigurong the rest of us can worship in peace. 

Sa halip na pagdudahan ang kanilang katapatan, why not provide a way na kahit ang nagtatrabaho pag Linggo ay makarinig ng Salita ng Diyos? Just a thought. 

Madaling mag-feeling banal kapag kinumpara natin ang sarili natin sa iba, Lukas 18:10-14.

Incidentally, ang mga taong ipokrito ay gumagamit ng ibang standards sa iba. Kapag ang iba ay hindi nagsimba, sila ay unfaithful. Kapag sila ay hindi nagsisimba, may pinagdaraanan lang. 

Mateo 7:3 At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng inyong kapatid, nguni't hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sariling mata?4 O paanong sasabihin mo sa iyong kapatid, Pabayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo; at narito, ang tahilan sa iyong sariling mata?5 Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata; at kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid.

Bawal kayong um-absent sa pagsimba kasi kayo ay unfaithful. Pero kapag ako ang um-absent, may pinagdaraanan lang. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?