Birds of the same feather flock together

 


Lagi silang napapanood sa mga pelikula. Stereotyped much na nga e. Mga palasimbang ale na sa halip na makinig sa sermon ay inuuna ang paninira at pagtsitsismis sa iba. Pinagtatawanan natin sila sapagkat sila ay nagdaragdag ng karakter at awtentesidad sa pelikula. Pero sa tunay na buhay, they are a danger. Kung hindi tayo mag-ingat, maaari tayong mahawaan. If we keep company with self-righteous people, we're in danger of become self-righteous ourselves. 

Narinig ninyo na ang kasabihan. Bad company corrupts good habits. Birds of the same feather flock together. Tell me who your friends are and I will tell you who you are. At iba't ibang bersiyon of the same. 

Usually ginagamit natin ito upang ilarawan ang degenerating influence ng sin and evil sa tao. Kung ang kasama mo ay laging involved sa krimen at kasalanan, sooner or later mahuhulog ka rin sa krimen at kasalanan. At the very least as accessory to the crime. 

But this also applies sa mga "kapuri-puri at kagalang-galang" na moral degeneracy. Kung ang mga kasama mo ay legalistang malinis ang tingin sa sarili at palahatol sa iba, sooner or later ganuon ka na rin. Magsisimula kang sukatin ang mga tao bass sa approved na listahan ng mga kabutihan. Nagdadasal ba? Laging nagsisimba? Laging may dala ng Biblia? At the very least ikaw ay enabler and yes accessory sa kanilang self -righteousness. 

And many times the league of self -righteousness is more dangerous than the league of sinners. 

Why?

Because most of us know enough to avoid sinful activities. The danger they pose to our lives are obvious. You don't even need to be Bible believers to understand that immoralities and crimes bring heartaches and pains to the people involved. 

But we're not as discerning when it comes to do-gooders who are judgmental and legalistic. They are even put in a pedestal as models that should be emulated. 

Funny, but when Christ walk this planet, it is the religious folks that give Him the most grief. It was the sinners who rush under His banner. The religious do-gooders crucified Him. 

Napapatanong ako kung kailan nagbago ang naratibo? Ang mga makasalanan na siyang hanap-hanap ni Cristo upang iligtas ang ating itinatakwil, na may nakataas na kilay at condescending attitude, samantalang ang mga do-gooders na hindi alam ang kapangyarihan ng biyaya ang ating sought after? 

Maging maingat tayo sa ating associations. Baka masumpungan natin ang ating mga sarili sa mga lamesang patataubin ni Cristo. Without knowing it, baka nagtitipon na tayo ng mga batong pinupukol sa mga kapwa nating makasalanan. 

Ideas have consequences. False doctrines coupled with do-goodism wreck much havoc to people needing grace. Don't believe me? Ilang tao ang nadisappoint sa mga simbahang ang mga miyembro ay mapanghusga sa halip na mabiyaya? Ilan ang nasunog sa mga simbahang walang simpatya sa mga may paang luwad? Ilan ang may negatibong persepsiyon sa mga simbahan bilang pugad ng mga mapag-imbabaw na sa labas ay pinturado ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at kamatayan? 

Madalas mangyari ito sa mga taong ang sukatan ng kabanalan ay ang nakikita ng mata sa halip na panloob na transpormasyon ng biyaya. The pressure is strong to perform and to fake for the sake of appearance. Modern Pharisees. Modern Ananiah and Sapphira. 

Bago tayo malunod ng panlabas na gawa, mag-imbestiga muna tayo. Kita ba ang biyaya sa ating buhay? O ang ating pansariling katuwiran? Mag-ingat tayo sa hapag na ating sasaluhan. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



 


Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?