Pain is good

 


Yeah I know we don't like pain. Lahat gagawin natin maiwasan lang o ma-minimize ang pain. Umiinom tayo ng pain killers, nagpapahid ng ointment, nag-hot and/or cold press at kung anu-ano pa. Tinuturing natin ang pain as a distraction, qs undesirable. 

But pain has its uses. 

This week two days akong nakaranas ng matinding knee pain. Hirap akong i-bend ang tuhod kapag straight at mahirap i-straight kapag naka-bend. Masakit ding i-move without support. For two days gumamit ako ng tungkod just to be able to walk. 

I think I overtrained. I overuse my knees, my synovial fluids dry and that inflamed my knee joints as they grind against each other. Namaga ang aking tuhod because my body is warning me with something - stop and rake a rest. Upang mapigilan akong i-overuse ang aking tuhod, napuno ng fluids ang aking tuhod at hindi ko maigalaw nang maayos. Needless to say two days akong hirap maglakad. Dalawang araw din akong hindi mag-workout. 

Anong mangyayari kung hindi namaga ang aking tuhod? I would have continue training and would deprive my body of its needed rest. Pain makes me realize I am not resting enough and force me to rest and recover. 

While pain is annoying, thousands with leprosy pray for the ability to experience pain. Ayon sa isang librong aking nabasa, lepers damaged their nerves to the point that a leper cannot experience pain. Dahil dito napupunit ang kaniyang balat at laman, naimpeksiyon at namamaga nang hindi niya namamalayan. Dahil dito hindi ito naaasikaso. Without the ability to experience pain, hindi niya maingatan ang kaniyang sarili. 

Pain is a survival mechanism. It tells you something is wrong with your body and you have to take action. 

The same thing with our spiritual life. 

Ang pain ay nagsasabi sa ating something is wrong with our spiritual life. And we need to take action. 

Maaaring ang pain ay dahil sa nahihiwalay na pala tayo sa Panginoon. The pain of divine discipline reminds us to correct our spiritual course. 

O maaaring ang pain ay paalala na tayo ay nakagawa ng wrong decisions. These decisions may not be sin by themselves but they are unwise. The negative consequences of our wrong decisions help us be mindful and more careful with our decision making. 

Pain also expose our weaknesses. Maybe we are in a bad relationship. Or in a bad company. Maybe we're unforgiving and we're suffering for it. Because of pain, we're able to terminate or adjust our relationships, separate from bad company and be more forgiving. We'll never know our weaknesses if we don't experience pain. 

Pain is not always bad. Sometimes pain is a gift. 

If you're a lifter, you know you won't grow muscles or become stronger without pain. Growing stronger and growing in size are only made possible by repeatedly destroying muscles and rebuilding them through rest. You literally destroy muscles to make them denser and stronger. This is a painful but necessary experience. Gaya ng kasabihan, no pain, no gain. 

Sometimes we question why we undergo painful experiences. Maybe God wanted us to grow. Maybe He wanted us to be stronger. 

Pain exposes our need for Him. Strength is made perfect in weakness. 

It is when we're weak and helpless that grace shines the brightest. Naa-appreciate natin ang kapangyarihan ng Diyos when we're at the end of our ropes. Aminin man natin o hindi. Minsan kailangan nating matumba bago tayo titingin sa itaas. 

Ang sakit ang nagtutulak sa atin upang tumawag sa Ama. Mahirap Siyang maalala kapag ang lahat sa ating buhay ay laging ayon sa ating comfort. Pain reminds us we need Him. 

So turn your pain into gains. Always walk near Him. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?