The amoeba of unbelief
"Phagocytosis in an amoeba is a process where the cell engulfs and digests foreign particles, bacteria, or microorganisms. The amoeba extends its pseudopodia to surround the particle, forming a membrane-bound vesicle called a phagosome. The phagosome then fuses with lysosomes, releasing digestive enzymes that break down the particle into smaller molecules. The amoeba absorbs and utilizes these molecules, while eliminating any undigested remains. This process provides the amoeba with nutrition, defense against pathogens, and maintenance of its cellular environment."
Ang unbelief worldview ay gaya ng amoeba. Kapag ito ay nahaharap sa biblikal na impormasyon, ang tendensiya nito ay gawin itong bahagi ng kaniyang worldview. Let me explain.
Halimbawa binahagi mo sa isang hindi mananampalataya ang mabuting balita ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Dahil ang impormasyong ito ay threat sa kaniyang worldview, ang tendency ng unbelief ay idefuse and threat ng impormasyon by redefining the message and makes it acceptable to the unbeliever.
Maaaring idefine niya ang ibig sabihin ng manampalataya. Dahil ang unbelief ay laging nakabase sa works (and this is true for atheists and theists- grace is an anathema; you have to do something if you need to be saved. You HAVE to saved yourself, whatever saved Mans in their system.), kapag narinig nila ang word na manampalataya, iyan ay threat sa kanilang worldview. Ang gagawin ng unbeliever ay iredefine ang salitang ito to mean works or works added to faith. Tatanggapin nilang kailangang manampalataya upang maligtas o magkaroon ng buhay na walang hanggan pero ang kahulugan nila ng manampalataya ay iba sa ating pakahulugan. Sa Bible, ang manampalataya ay ang makumbinse sa katotohanan ng sinasampalatayahan. In unbelief, ang pananampalataya ay nangangahulugang "Kung talagang nananampalataya ka, kailangan mong magmiyembro sa tunay na simbahan, magpabautismo, gumawa ng mabuti at makatiis hanggang sa katapusan." Note na ito ay direktang kabaligtaran ng Efeso 2:8-9 o ng Tito 3:5 o ng Roma 4:1-7.
O kaya naman ay iredefine ang word na "Cristo." Sa iba ang Cristo ay ang goodness with us ("the Christ principle o Christ consciousness"). Therefore ang kaligtasan ay self-effort. This is just psychology quoted in Christian linggo. O kaya ang Cristo ay kasinkahulugan ng church. Ikaw ay na kay Cristo kung miyembro ka ng kanilang relihiyon. Kung hindi, ikaw ay infidel or at best separated brethren. Ang iba naman ay tanggap ang pananampalataya kay Cristo upang maligtas pero by that what they meant is hindi sila naniniwala kay Muhammad o Buddha o Confucius. Hindi nila ibig sabihing si Cristo lang ang makapagliligtas. What they meant is they are a follower of a religion that worships Christ. They still hold to works salvation.
Ang iba naman ay nireredefine ang eternal life. For some it means prosperity in this world. Ang langit ay ang pagyaman. Ang iba naman ay dinedefine ang eternal life bilang buhay na mawawala kapag ikaw ay nahulog sa kasalanan o tumalikod sa pananampalataya. Sa ganitong paraan maipapasok nila ang gawa upang mapanatili ang kaligtasan o upang makumpirma ang realidad na ito.
I am sure you can give more examples sa inyong experience ng mga distortion ng message of life.
Ang what is true of message of life is true of other doctrines.
Sin becomes mistakes of judgement. Hell is negative consequences of wrong decisions. Faith is positive thinking or positive affirmation. The church is a social club. Or a concert or a lecture hall. And so on and on.
That is why mahalaga ang kalinawan sa ating pagtuturo. Hindi tayo dapat mag-assume na just because someone is using the same language, we mean the same thing.
We have to teach and explain clearly. Otherwise, unbelief will just engulf our explanations and teachings and defanged it of its power.
Tapos magtataka tayo at may mga believers na dekada nang nasa simbahan pero walang katiyakan ng kaligtasan?
Be clear. Our teaching should be for clear information dissemination and not mere rhetoric.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment