The Last Days

 


Basta may kalamidad, giyera o economic meltdown, lagi na lang bukambibig ay last days na kasi. Kapag naoobserbahan ang moral degeneration ng ating mundo, ang laging sabi ay last days na kasi. Pero kailan nga ba ang last days?

Hebrews 1:1-2

[1]God, after He spoke long ago to the fathers in the prophets in many portions and in many ways,[2]in these last days has spoken to us in His Son, whom He appointed heir of all things, through whom also He made the world.

Maraming last days ang Bible. May last days ang Israel sa kanilang sariling dispensation. May last days sa Tribulation period. Pero ang last days na interested tayo ay ang last days na nasa Hebreo 1:1-2. 

Malinaw na ang last days ay ongoing na sa panahon ng awtor ng Hebreo. In fact nagsimula na ito sa kapanganakan ni Jesus. In the former days, ang Diyos ay nagsalita sa pamamagitan ng mga propeta sa iba't ibang metodo at panahon. Maaaring sa pamamagitan ng dreams, visions o prophetic utterances. Pero ngayon, face tonface and personally nakipag-usap ang Diyos sa tao sa Persona ni Cristo. 

Ito ang pinakamahang last days na umabot na ng lagpas sa dalawang libong taon. 

Bakit last days na? Dahil wala ng days na aasahan after our own dispensation bago ang fulfilment ng mga OT prophecies. Dahil sa rejection ng Israel sa Kaharian, ang dispensasyon ng Kaharian at katuparan ng mga propesiya ay pansamantalang naisantabi. Isinuksok ang Church Age. Kung tinanggap ng Israel ang Kaharian, wala sanang Church Age at magpapatuloy ang katuparan ng propesiya. Dahil sa ang Church Age ay sinuksok upang tumawag ng bayan mula sa mga Gentil upang tawagin sa Kaniyang Pangalan (Gawa 15), tumagal ang last days. Ang ating panahon ang nagpahaba sa last days. 

Kaya pag binasa natin ang 1 Timoteo 3, hindi tayo dapat magtaka sa kasamaang ating nararanasan. Madalas lagi nating kinikritika ang kasamaan ng ating panahon dahil mas masama pa raw ito sa mga nauna pero I wonder ilan ang gustong magtrade places sa mga namuhay sa ilalim ng Romans' war with the barbarians? O sa World War I or II? Kapag nag-kick in ang Golden Age Syndrome, lagi nating iniisip na mas mabuti ang kanilang panahon at mas masama ang ngayon, not realizing na ito rin ang sinasabi ng kanilang magulang at ng kanilang mga lolo. Wala kahit isa sa mga ito ang gustong mabuhay sa panahon ng mga Kastila. 

Dahil ang last days ay nagsimula kay Cristo, ang sinasabi ng 1 Timoteo 3 ay ang ating present evil age ay laging characterized by these. Hindi natin dapat gamitin ang mga ito upang mag-date-setting. Theoretically speaking, it is possible for our present dispensation to last for another two thousand years. And that entire two thousand years will always be marked by the behavior of 1 Timothy 3. 

Ito ang mas dapat nating pokusan: Are you prepared? If unsure, believe on the Lord Jesus for eternal life. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?

Ano ang ibig sabihin ng Awit 49:7-9?