Pinili dahil madali?

 

Ano ba ang basehan sa pagpili ng reading, study o preaching Bible? Narinig ko ang isang ministrong nagmungkahi na ang preperensiya niya sa isang salin ng Biblia sa pagtuturo ay dahil ito ay madaling maintindihan. Ang saling kaniyang tinutukoy ay ang Mabuting Balita Biblia, na sa aking opinyon ay mas marapat pang tawaging komentaryo kaysa salin dahil sa malaya nitong paraphrasing. Ayon na rin sa pag-amin ng MBB, ang kanilang mga editor ay malayang nagbawas, nagdagdag, nagputol, nagdugtong at nagre-arrange ng mga sitas for smoother reading. Samakatuwid, ang sinumang umaasa sa MBB bilang primary Bible is at the mercy of the editors. Hindi niya tiyak kung ang binabasa niya ay aktuwal na salin o komentaryo ng mga editor (sa hiwalay na blog tatalakayin ko ang pagkakaiba ng formal equivalence, dynamic equivalence at paraphrases).

Dinepensahan niya ang paggamit nito sa pagtuturo na kapag siya naman ay nag-aaral, komukunsulta ng iba’t ibang salin gaya ng NLT, NIV at KJV. Mula sa mga saling ito, pinipili niya raw ang pinakamagaang unawain sapagkat useless naman daw ang gumamit ng Bibliang hindi naman nauunawaan dahil sa lalim ng mga salitang ginamit. After all, parepareho lang naman daw ang mga salin.

Napapakamot ako ng ulo sa mga pahayag na ito.

Una sa lahat, ang pangunahing basehan sa pagpili ng Biblia ay hindi kung ano ang madaling unawain kundi kung ano ang accurate na salin ng Biblia. Kung ang habol mo ay madaling unawain, magkomiks ka na lang. Bagamat may mga factors na dapat i-consider sa pagpili ng Biblia gaya ng translation philosophy at textual traditions, ang madaling basahin ang pinakahuli sa mga kunsiderasyon. What is the point of reading a Bible na madaling basahin pero hindi namn reflective ng sinasabi ng Kasulatan? O ng Bible na may agenda gaya ng salin ng NWT sa Juan 1:1 na ginagawa si Jesus bilang isang lesser god? Ang gusto natin ay maunawaan kung ano ang aktuwal na sinabi ng Kasulatan sapagkat inerrancy extends to the very words of the Bible.

Ikalawa, ang pagsabing lahat ng salin ay pare-pareho lamang ay nagpapakita ng kawalan ng pagkaunawa sa mga isyung may kinalaman sa Bibliology. Ang pangunahing dahilan kung bakit may mga pagkakaiba ang mga salin natin ng Biblia ay dahil sa mga manuskritong ginamit. In general, ang mga salin natin ay either gumagamit ng Critical or Majority Texts at malaki ang kanilang pagkakaiba, although thankfully not in any major doctrine. Ikalawang dahilan ay kung gaano ka-faithful sa pagsalin (translation philosophy): word for word ba (formal equivalence, my preferred Bibles gaya ng KJV, NKJV, NASB, HCSB atbp), dynamic equivalence (thought for thought gaya ng NIG, NLT), o paraphrases (which are more like commentaries than translations. Ilalagay ko rito ang MBB). Gusto kong basahin mismo ang Salita ng Diyos, hindi ang komentaryo ng iba!

Ikatlo, kung hindi nauunawaan ang mga malalalim na salita, that is what the dictionaries are for. I find it ironic na gagamit ang isang tao ng dictionary upang unawain ang isang saling dayuhan (English halimbawa) pero hindi sa saling Filipino. Kung naalala mong gumamit ng diksiyunaryo upang unawain ang KJV, why not do the same when using Ang Biblia (usually called the Tagalog KJV which is inaccurate; it is actually a Tagalog ASV). Hindi natin dapat gamiting dahilan na mahirap unawain ang isang salin upang pumili ng Biblia. Ang dapat nating kunsiderasyon ay kung ito ba ay faithful sa source materials. Ang Ang Biblia ay isang saling gumagamit ng formal equivalence. Kumpara sa paraphrase ng MBB, mas malalit ito sa source material. Kung ayaw ninyong maniwala, basahin ninyo ang Bilang 7. Bagamat parehong CT ang text behind Ang Biblia at MBB, malaki ang pagkakaiba kung paano nila itrato ang teksto.

https://www.biblegateway.com/passage/?search=Bilang%207&version=MBBTAG

https://www.biblegateway.com/passage/?search=Bilang%207%20&version=ABTAG1978

Sa bandang huli, ang pinakamahusay na Bibliang gamitin ang ang Bibliang handa mong basahin. Pero ang mga guro ng Biblia ay walang ganitong luxury. Maaaring sapat na ito sa ordinaryong miyembro na ang habol lamang ay magkaroon ng general na pagkaunawa ng Biblia. Pero sa isang ekspositor, ang pagpili ng Biblia ay mahalaga. Kung maaari nga sana, aralan niya ang Biblia sa orihinal na lenggwahe gaya ng Griyego at Hebreo. Kung walang kasanayang ganito, the next best step is to use formal equivalent translations, lalong lalo sa mga word studies. Kapag tayo ay nagkamali, maraming Cristianong madadamay.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?