Light of the World

 


Mateo 5:14 Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago.15 Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay.

Ano ba ang ibig sabihin ng Mateo 5:14-15? Paano ba ang mananampalataya magiging ilawan ng sanlibutan? 

May narinig akong sermon na sinasabing ang pagiging ilaw ng sanlibutan ay ang paggawa ng mabuti upang makita ng mga unbelievers at sila ay maniwala rin kay Cristo. I am all for any sermon na nananawagan ng kabanalan. Pero bilang isang estudyante ng Biblia, interesado ako sa ibig sabihin ng Biblia kaysa personal na opinyon ng tao. 

Tipikal sa mga taong tumitingin lang sa panlabas, nagturo ang pastor na nangangahulugan itong magsimba lagi, magdala ng Biblia sa simbahan at huwag magsawang maglingkod. 

Pinuna pa ang hindi nakasimba dahil sa masakit ang paa (conveniently nalimutan niya ang hindi nagsimba dahil nagmaktol at nagtampo), ang gumagamit ng smartphone Bible app (personally mas gusto ko ang Bible app na literal and formal translation kaysa sa paper na Magandang Balita Biblia, ewww), at ang mga Cristianong hindi naglilingkod. 

Don't get me wrong. Dapat tayong magsimba, as often as we can (I don't believe in mandatory Bible attendance, sa mga kulto lang iyan na kapag hindi ka nakasimba o naka-fill up ng DTR ay unfaithful na), magdala ng Biblia (dapat itong basahing verse by verse at hindi tila tipaklong na talon ng talon sa mga sitas cited without context) at maglingkod (because service is a product of growth not vice versa). Pero hindi ito ang tinutukoy ni Jesus. Ang pokus ni Jesus ay hindi panlabas kundi panloob na magbibigay liwanag sa mga nasa labas. 

Paano tayo magliliwanang bilang mga ilawan sa sanlibutan? Ang susi ay nasa previous 13 verses. 

Ang Mateo 5 ay bahagi ng Sermon on the Mount. Ito ay mula sa Mateo 5-7. Tinuturo rito kung paano mamuhay ang mga alagad (mga nanampalataya na) habang naghihintay ng pagdating ng Kaharian (unfortunately nireject ito ng mga Judio at postponed until after the Tribulation period). Maling i-quote ang v14-15 without considering the previous 13 verses. 

So paano maging ilawan ng sanlibutan? Sa pagsisimba ba, pagdadala ng Biblia o paglilingkod? Well according to Jesus,

A. Mapagkumbabang-loob
3 Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.

B. Nangahahapis dahil sa Kaharian 
4 Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.

C. Maaamo (a horse under control)
5 Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa.

D. Nangagugutom at nangauuhaw sa praktikal na  katuwiran 
6 Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin.

E. Mahabagin
7 Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.

F. Malilinis na puso
8 Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.

G. Mapagpayapa
9 Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.

H. Mga pinag-uusig dahil sa praktikal na katuwiran 
10 Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
11 Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.

Then sa v12-13, pinaalala niyang hindi sila nag-iisa. Ganito rin ang pinagdaanan ng mga propeta.

Samakatuwid ang pagiging ilawan ng sanlibutan ay nakapokus sa panloob, sa pagdebelop ng karakter, hindi sa panlabas na empasis ng ilang pastor. 

Bakit mas emphasized ang panlabas? Dahil ito ay nakikita, napupuri at napapansin. Mas gusto ng pastor ng punong simbahan, malaking offering at maraming bisita kaysa mature Christians na nag-iisip para sa kanilang sarili gamit ang doktrina. 

Bilang Thieme student, madalas akong makritika na puro lang daw doctrine, walang gawa. Dapat daw empasis ay nasa soul winning, pagtulong sa kapwa at paggawa ng mabuti. Pero ang empasis ng Kasulatan ay buuin muna ang kaluluwa (edification complex of the soul), at ito ang motivation para sa functional virtue of serving others. 

Na ang empasis sa Mateo 5:14-15 ay nasa panloob na karakter at hindi sa panlabas na gawa ay makikita sa Mateo 5:16. 

Mateo 5:16 Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.

Pansining ang maliwanag na ilaw ng mga mananampalataya ay hindi mga gawa. Sa halip ito ang ilaw na magpapakita ng mabubuting gawa. Samakatuwid kahit anong gawa ang iyong gawin, kung wala ang maliwanag na ilaw ng karakter, hindi makikita ang mabubuting gawa at hindi luluwalhatiin ng mga unbelievers ang Ama na nasa langit. 

Ilang unbelievers ang nag-obserba sa mga believers at pagkakita ng kanilang mga "gawa," sa halip na ma-impressed at luwalhatiin ang Ama na nasa langit ay nagsabing, "Ipokrito!" Kilala nila ang ating karakter at hindi sila impressed ng ating mga gawa. Sa halip na magdala ng papuri sa Diyos, nalapastangan pa tuloy ang Kaniyang pangalan. "Akala mo kung sinong banal. Pero pag nasa bahay isang sanggano."

Sa mga gustong palabasin na ito ay panlabas na anyo, narito ang praktikal na sukatan kung maliwanag ang inyong ilawan. Tanungin mo ang iyong mga kapitbahay kung kaya ba nilang luwalhatiin ang Diyos dahil sa nakikita sa iyong buhay. Kung hindi mo kayang gawin iyan, ibig sabihin niyan madilim ang iyong ilawan. 

Madaling magmukhang banal kapag nasa simbahan at ang nakatingin ay mga kapatid na once a week ka lang nakikita. Naka-long sleeve, naka-pantalon, naka-sapatos na itim, may Biblia at nagsasalita sa unahan. Pero iba ang opinyon ng mga kapitbahay na nag-oobserba sa atin seven days a week. Ang kanilang opinion ay mas accurate na measure kung sino tayo. 

Instead of focusing on the outside. Develop your inner life. Susunod ang panlabas. Ito ang paraan upang maiwasan ang accusations of hypocrisy. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?

Ano ang ibig sabihin ng Awit 49:7-9?