Posts

Showing posts from February, 2025

Ye have overcome them

Image
  1 Juan 4:4 Kayo'y sa Dios, mumunti kong mga anak, at inyong dinaig sila: sapagka't lalong dakila siyang nasa inyo kay sa nasa sanglibutan. Sa 1 Juan 4, binanggit niya ang anticristo na laban sa mga aral ni Cristo. Hindi lahat ng mangangaral na inyong maririnig sa radyo, napapanood sa TV o nababasa sa aklat ay tama. Dahil dito kailangang suriin kung ito ay tama o mali, 4:1.  Paano mo makikilala kung ang aral ay mula sa mga anticristo (na foreshadowing ng darating na endtime Antichrist)? Tingnan ninyo ang kaniyang Cristolohiya (4:2-3). Kapag mali ang Cristong kanilang pinapangaral (gaya ng laganap na aral nang panahon ng mga apostol na iba ang Jesus sa Cristo at ang Cristo ay hindi maaaring maging tao, atbp), alam mong ito ay galing sa anticristo. Ibang Cristo ang kaniyang dala. Nangangahulugan ito ng ibang kaligtasan. Nangangahulugan ito ng ibang espiritu (hindi Espiritu Santo). Paano natin maiiwasan ang mga aral na ito? May Espiritu Santo na nananahan sa atin na mas dakila a...

Ayaw makinig dahil may preconception

Image
  Kawikaan 1:24 Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig. Isa sa mga hadlang sa matagumpay na pagkaunawa ng Kasulatan ay ang ating mga preconception. Marahil dala ng ating religious tradition, religious training or experiences and upbringing, nagdadala tayo ng mga preconceived notions sa Kasulatan. The truth is LAHAT tayo ay may preconception. Hindi iyon maiiwasan. Bago tayo lumapit sa teksto, mayroon na tayong ideya kung ano ang ibig nitong sabihin dahil sa narinig natin sa sermon, tinuro sa seminaryo o resulta ng ating experiences.  Ang isyu ay kung hahayaan natin ang ating mga preconception maging hadlang upang maunawaan ang sinasabi ng Kasulatan.  Madalas itong makita sa mga lumaki sa works salvationists religions. Mahirap sa hindi mananampalataya ang mabasa ang Juan 3:16 o Gawa 16:31 nang walang pagtutol dahil buong buhay niya tinuruan siyang kung gusto mong makakuha ng ginhawa, kailangan mo itong pagtrabahuhan. Sa...

"Stand! Stand!"

Image
Kanina hinatid ko ang aking panganay sa San Jose. Nakita ko ang isang motorista na nagpapandar na nakababa ang stand. Hinabol ko siya, binusinahan at sinigawan ng napakalakas, "Ang stand! Ang stand!" Itinaas niya ang stand at bumusinang dalawa bilang response. We part ways at kaniya-kaniya kaming buhay.  Napaisip ako, sana ang mga Cristiano ay gaya ng motoristang iyon. Isang babala lang at nag respond agad. Unfortunately, marami ang bingi-bingihan sa babala na maaari nilang ikapahamak.  Bakit nagbibingi-bingihan? Maraming dahilan.  Una, marami ang ma-pride chicken. Ayaw masabihan kasi ayaw kontrahin. Gusto lang laging sinasang-ayunan. Gusto ka i-reduce into a "Yes" -man. Para silang si Acab na ayaw mainig sa kanilang Micaya. Imagine kung anong mangyayari kung nagsabi yung motorista, "Alam ko ang ginagawa ko, huwag mo akong pagsabihan." Pangalawa, ang iba ay napaka sensitibo o napakalambot. Dahil sanay na laging sinasang-ayunan, hindi sila nakadebelop ng ma...

Ang mensahe ng Isaias 40

Image
Ang Isaias ay madalas tawaging Ikalimang Evangelio. Tinatawag din itong mini-Bible. Usually hinahati ito sa dalawang bahagi- ang unang 39 na sitas sa pangkalahatan ay patungkol sa paghuhukom sa Israel at sa mga nakapalibot na bansa; ang ikalawang bahagi ay 40 hanggang sa 66 na may taglay na mga pangako ng restorasyon. Dahil dito may nag-iisip na may dalawang manunulat ng Isaias at ang iba ay nakasumpong pa ng ikatlong Isaias. Mas maiging isiping pagkatapos ng mensahe ng paghuhukom, nagbigay din siya ng mensahe ng pag-asa ay restorasyon. Ayon sa iba ang Isaias 1-39 ay katumbas ng LT, puno ng kautusan at paghuhukom at ang Isaias 40-66 ay tila BT, puno ng pag-asa at biyaya.  Ang Isaias 40 ay pangako sa mga Israelita na makalalaya rin sila sa kamay ng Babilonia, babalik sa lupain at magkakaroon muli ng kaharian, na ang ultimate na katuparan ay kapag ang Mesiyas ay naghari na mula sa Jerusalem.  Sa v1-2, nagbigay ang Diyos ng kaaliwan sa Israel. Natapos na ang kaniyang pagdurusa at...

Inner Happiness, Outside Trials

Image
Santiago 1:12 Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso; sapagka't pagkasubok sa kaniya, siya'y tatanggap ng putong ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya. Nitong nakaraang Linggo, dalawang maikling mensahe ang binigay ni Brod Meo sa first service. Nasumpungan ko ang kaniyang mga mensahe na lubos ang kapakinabangan kaya na-inspired ako na sumulat. Sumulat na ako patungkol sa Awit 90:12. Ngayon naman susulat ako sa Santiago 1:12.   Ang Aklat ni Santiago ay aklat ng karunungan sa gitna ng mga pagsubok sa buhay. Ang epistula ay sinulat sa mga mananampalatayang Judio na nasa Diaspora. Ang aklat ay hindi soteriolohiya sa kabila ng attempts ng ilan na gamitin ang epistula bilang suporta sa works salvation.  Sa kabanata 1 binanggit ni Santiago ang kapalaran ng mga mananampalatayang dumaraan sa pagsubok. Sa halip na magpadala sa pressure ng buhay, dapat yakapin ng mga mananampalataya ang mga pagsubok nang bukas ang mga kamay sapagkat ang mga ito ang magtutur...

Salvation of your souls

Image
  Isa sa mga sakit ng mga ministro ay kapag nakita ang salitang pananampalataya at kaligtasan ng kaluluwa, ang iniisip agad ay kaligtasan mula sa impiyerno. Sa halip na silipin ang gamit ng mga ito sa konteksto, tumatalon agad sa konklusyon. Isang halimbawa ay ang 1 Pedro 1:9. Ilang beses ko nang narinig (ang latest ay nitong Linggo) na ang 1 Pedro 1:9 ay patungkol daw sa eternal na kaligtasan mula sa impiyerno. Sinundan pa ito ng evangelistic pitch na believe in the Lord Jesus Christ. While I appreciate the eagerness to share the message of life, I think in the long run, misinterpreting passages will be detrimental to believers. Natututo tayo ng sloppy theology plus naitatanim sa atin ang mga bad habits of presumption.  Ang 1 Pedro ay sinulat ni Apostol Pedro sa mga mananampalatayang Judio sa tinatawag ngayon Turkey. Sumulat siya upang palakasin ang loob ng mga mananampalatayang dumaraan sa pag-uusig mula sa mga Judiong tinuturing silang taksil sa bansang Israel at mula sa mg...

Teach us to number our days

Image
  Awit 90:12 Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan, upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan. Nitong nakaraang Linggo, nagturo si Brod Meo ng dalawang maikling mensahe tungkol sa Awit 90:12 at Santiago 1:12. I find them very helpful at nainspired ako na sumulat ng blogs tungkol sa mga ito. Sa blog na ito, susulat ako sa Awit 90:12 at bukas naman sa Santiago 1:12.  Sa kaniyang lesson, binigyang diin ni Brod. Meo ang kahalagahan ng pagbibigay ng priority sa mga bagay na pang-Diyos. Ang marunong na tao ay alam na ang Diyos ang kaniyang priority. Sunod dito ang pamilya, isang oft-neglected na katotohanan.  Ang Awit 90 is ascribed to Moises. This makes it the oldest psalm in the collection. Sa awit na ito binanggit ni Moises ang kaiklian ng buhay at pangangailangan ng maayos na paggamit nito.  Sa v1-6, inawit ni Moises ang eternidad ng Diyos at ang kaiklian ng buhay ng tao. Kumpara sa Diyos, ang buhay ng tao ay isang singaw sa lupa (ku...

Makababalik ba ang mga patay (bago ang rapture)?

Image
  Noong nakaraang Sunday, pagkatapos ng Bible study, kinausap ako ng isang kapatid sa kaniyang karanasan the night before (kinwento ko na ito sa naunang blog). Sa blog na iyon, nagpokus ko sa katotohanang kailangan ang pananampalataya lamang kay Cristo lamang para sa buhay na walang hanggan. After all, sabihin nating totoong bumalik ang mga patay (hindi ito mangyayari, hypothetical lang) upang patayin siya, kung siya ay mananampalataya kay Cristo, tutungo siya sa kaluwalhatian. Hindi ba iyan ang mas mahalaga.  Itutuloy ko ang nangyari sa blog na ito.  Tinuro ko sa kaniya na kung siya ay manampalataya, siya ay may buhay na walang hanggan ngayon mismo at ang buhay na ito ay hindi maiwawala. Once saved, always saved. Tinuro ko ring sa sandaling siya ay manampalataya, ang Espiritu ay mananahan sa kaniya at sabi sa 1 Juan 4:4, ang nasa mananampalataya ay mas makapangyarihan kaysa sa nasa sanlibutan. Mas makapangyarihan din ito sa kahit sinong demonyo na magtatangkang linlangin...

Chop Chop and Welding Theology

Image
  Hindi ito advertisment. I am sure you're familiar with welding at kung kayo ay batang 90s na kagaya ko, siguro bahagi rin ng inyong nightmares ang chop chop lady.  Ngunit ang chop chop lady ay hindi lamang sa mga pelikula nananakot. Nakakatakot sila maging sa ating mga simbahan.  Ang tawag ko rito ay chop chop theology at welding theology. Ang chop chop theology ay ang paghahati ng teksto at ihiwalay ito sa konteksto. Madalas akong mag-post tungkol dito. Ang kapartner nito ay welding theology. Pagkatapos alisin sa konteksto ang sitas, idudugtong ito sa ibang sitas na ibang teksto (na dapat ding chop-chop-in mula sa sarili nitong konteksto) upang makabuo ng personal na interpretasyon ng Biblia.  Pamoso ito sa mga relihiyonistang pig-chop-chop at pig-welding ang mga verses upang palabasin sila lang ang tanging grupong maliligtas. Pamoso ito sa mga nag chop and weld para palabasing kailangan ang gawa upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Pamoso ito sa mga may ho...

Ano Ba Ang Ibig Sabihin ng Manampalataya kay Cristo Para sa Buhay na Walang Hanggan?

Image
  Kahapon kinausap ako ng isang kapatid patungkol sa nangyari sa kaniya ng isang gabi. Umano'y dalawang patay ang kumatok sa kaniyang pintuan at pinagbantaan ang kaniyang buhay. Insistent siya na hindi ito panaginip at sinabi ko na lang na kung hindi ito panaginip, ito ay tukso mula kay Satanas upang guluhin ang kaniyang isipan (in a separate post). Instead ang pokusan niya ay masigurong siya ay may buhay na walang hanggan.  Pinaliwanag ko sa kaniya na ang tanging kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya kay Cristo. Ang pangako ni Cristo mismo ay ang nanampalataya ay hindi mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ito ay present possession, meaning, kapag nanampalataya ka ngayon, ngayon mismo taglay mo na ang buhay na walang hanggan.  Pinaliwanag ko sa kaniya na ang pananampalataya kay Cristo ay hindi pagsisimba, pagba-Bible study, pag-aabuloy o paggawa ng mabuti. Hindi ito pagtalikod sa kasalanan o makatiis sa paglilingkod...

Ano ang ibig sabihin ni Job sa Kabanata 14?

Image
  Job 14:1 Taong ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw, at lipos ng kabagabagan.2 Siya'y umuusli na gaya ng bulaklak, at nalalagas: siya rin nama'y tumatakas na gaya ng anino, at hindi namamalagi. Ang aklat ng Job ay nagkukuwento ng struggle ni Job nang siya ay nasa gitna ng spiritual warfare. Bagamat alam nating mga mambabasa na siya ay dumaraan sa pagdurusa hindi dahil sa siya ay masama (ang Diyos mismo ang nagpapatotoo na siya ay matuwid), hindi ito alam ni Job at ng kaniyang mga kasama. Una ang Job ay may layong i-refute ang strict retributive theology (ang ideya na ang makasalanan ay magdurusa at ang matuwid ay pagpapalain), dahil sa kwento ang matuwid na si Job ang nagdurusa. Totoong pinaparusahan ng Diyos ang makasalanan ngunit maling isipin na lahat ng pagdurusa ay dahil sa kasalanan. Ikalawa, ang pagdurusa ay maaaring dahil sa spiritual warfare. Si Job ay demonstrasyon ng Diyos kay Satanas na ang mananampalataya ay naglilingkod hindi lang dahil sa materyal na benepi...

Lahat ba ng Cristiano ay co-heirs with Christ?

Image
Romans 8:16-17 [16]The Spirit Himself testifies with our spirit that we are children of God,[17]and if children, heirs also, heirs of God and fellow heirs with Christ, if indeed we suffer with Him so that we may also be glorified with Him. Narinig ko sa isang sermon na lahat daw ng Cristiano ay tagapagmana ng Diyos (no question about it) at tagapagmanang kasama ni Cristo? Pero totoo bang ang lahat ng Cristiano ay co-heirs with Christ? Ang ginamit na teksto ay Roma 8:17. Walang duda na lahat ng Cristiano ay heirs of God. Sabi iyan sa teksto: "The Spirit Himself testifies with our spirit that we are children of God, and if children, heirs also, heirs of God." Ayon kay Pablo ang Espiritu Santo mismo ang nagpapatotoo sa ating espiritu na tayo ay mga anak ng Diyos at kung ganuon ay mga tagapagmana ng Diyos. Ano ang ating mamanahin? Lahat ng espirituwal na pagpapala kay Cristo, Efeso 1:3.  Ngunit totoo bang tayo ay co-heirs o sa NASB, fellow heirs with Christ? Tingnan natin ang kar...

Ano ba ang ibig sabihin ni Job sa 10:10-12?

Image
  Job 10:10 Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas, at binuo mo akong parang keso?11 Ako'y binihisan mo ng balat at laman, at sinugpong mo ako ng mga buto at mga litid.12 Ako'y pinagkalooban mo ng buhay at kagandahang-loob, at pinamalagi ang aking diwa ng iyong pagdalaw. Narinig ko na ang Diyos ang lumalang sa atin (I agree) at dahil dito kailangan natin Siyang paglingkuran at ang ginamit na springboard ay Job 10:10-12. So ang tanong ay ano nga ba ang ibig sabihin ni Job sa 10:10-12? Gaya nang nalalaman ng lahat ng mambabasa ng Job, inatake ni Satanas si Job sa layong sirain ang kaniyang debosyon sa Diyos, at siya ay paulit-ulit na nabigo. Sa tindi ng hirap na dinaanan ni Job, bumisita ang kaniyang tatlong kaibigan. Ngunit nang magsalita si Job ng kaniyang hinaing, sa halip na makinig at magbigay aliw, salitang inakusahan ng tatlo si Job na kaya siya ay nagdurusa ay dahil siya ay nagkasala (sa kabila ng katotohanang ang unang dalawang kabanata ay espisipikong tinawag si Job n...

Theological springboards

Image
  Isa sa mga madalas kong ipaksa sa aking mga blogs ay ang pagkadismaya na sa halip na hayaan ang Kasulatan na ipaliwanag ang kaniyang sarili, madalas ito ay ginagamit ng mga ministro bilang springboards sa kanilang paboritong paksa. Dahil dito, sa halip na magkaroon malalim na pagkaunawa sa Kasulatan, ang mga miyembro ay nagiging biktima ng indoctrination ng ministro na may agenda.  Gaya nang sa gymnastics kung saan ang gymnast ay umaapak upang i-launch siya sa ere, ang mga sitas ng Biblia ay ginagamit lamang na pasikaran ng sermon na walang kunsiderasyon sa konteksto ng sitas.  Narito ang halimbawa: Mateo 16:25-26 at ang kaligtasan ng kaluluwa. Mateo 16:25 Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon.26 Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa...

Kasalanan ba ang maging mayaman

Image
Hindi. In fact narito, lalo na sa Lumang Tipan, minsan ang kayamanan ay bahagi ng pisikal na pagpapala sa pagiging masunurin sa Diyos. Si Abraham ay isang halimbawa ng isang taong nagkaroon ng kayamanan bilang pagpapala sa kanyang pagiging masunurin sa Diyos. (Genesis 13:2, 24:35) Si Jose ay isa pang halimbawa ng isang taong nagkaroon ng kayamanan bilang pagpapala sa kanyang pagiging masunurin sa Diyos. (Genesis 41:37-57, 45:1-15). Ang ikatlong halimbawa ay si Solomon (1 Hari 10:14-29, 2 Kronika 9:13-28) Sa Biblia ang pisikal na pagpapala ay binibigay ng Diyos dahil sa  1. Pagiging masunurin sa Diyos. Deuteronomio 28:1-14.  2. Pagtitiwala sa Diyos. Mateo 6:25-34 3. Pagiging matuwid. Proverbs 10:22 Narito ang ilan pang halimbawa ng mga mayayamang matuwid sa Biblia.  1. Si Job ay isang mayayaman na tao na nagkaroon ng maraming mga pag-aari at yaman, ngunit nawala ang lahat ng ito sa kanya dahil sa pagsubok ng Diyos (Job 1:3, 42:10-17). 2. Si Zaqueo ay isang mayayaman na mam...