Makababalik ba ang mga patay (bago ang rapture)?

 


Noong nakaraang Sunday, pagkatapos ng Bible study, kinausap ako ng isang kapatid sa kaniyang karanasan the night before (kinwento ko na ito sa naunang blog). Sa blog na iyon, nagpokus ko sa katotohanang kailangan ang pananampalataya lamang kay Cristo lamang para sa buhay na walang hanggan. After all, sabihin nating totoong bumalik ang mga patay (hindi ito mangyayari, hypothetical lang) upang patayin siya, kung siya ay mananampalataya kay Cristo, tutungo siya sa kaluwalhatian. Hindi ba iyan ang mas mahalaga. 

Itutuloy ko ang nangyari sa blog na ito. 

Tinuro ko sa kaniya na kung siya ay manampalataya, siya ay may buhay na walang hanggan ngayon mismo at ang buhay na ito ay hindi maiwawala. Once saved, always saved. Tinuro ko ring sa sandaling siya ay manampalataya, ang Espiritu ay mananahan sa kaniya at sabi sa 1 Juan 4:4, ang nasa mananampalataya ay mas makapangyarihan kaysa sa nasa sanlibutan. Mas makapangyarihan din ito sa kahit sinong demonyo na magtatangkang linlangin at takutin siya sa pamamagitan ng pagkopya sa personalidad ng dalawang patay na kaniyang nakita (at ayon sa kaniya, naamoy). 

Sinabi ko ring ayon kay Pablo sa sulat niya sa mga taga-Corinto, ang mga mananampalataya ang hahatol (in the Biblical sense of ruling in behalf of God just like in Judges, rather than the modern notion of judiciary). Sabi ko sa kaniya kapag tinapon na ang mga demonyo sa lawa ng apoy, maaari niyang hilingin sa Ama na siya ang personal na magtapon sa demonyong ito sa apoy. Sinabi ko ito para palakasin ang kaniyang loob. 

Sa susunod na balikan siya ng mga demonyong nagpapanggap na mga patay, dapat siyang manindigan sa kaniyang posisyun bilang mananampalataya kay Cristo. Resist the devil and he will flee from you by submitting to God. Kung ang devil ay tatakbo, imagine ang mga low level rank and file demons. 

By this time, napaghihinuha ninyo na na hindi ako naniniwalang babalik ang mga patay. Ang pinakauna at pinakamaagang pagbalik ng mga patay ay sa Rapture kapag ang mga patay kay Cristo ay nabuhay muli at ang mga buhay ay magkasamang aagawin paputa sa alapaap kapag bumalik si Cristo para sa Iglesia. Walang pagkabuhay na mauuna sa pagkabuhay na ito. 

This is not to say na walang patay na bumalik sa Biblia. Sa LT may binuhay si Elias at si Eliseo at minsan nang may ililibing na dumikit sa libingan ni Eliseo, pati ito ay bumangon din (at marahil tumakbo palayo dahil may sumusugod na kaaway!). May mga binuhay rin si Cristo sa BT. May binuhay din si Pedro (si Dorcas) at si Pablo (si Eutikeo). Pansining lahat ng mga pagbuhay na ito ay sa direktang kapangyarihan ng Diyos na ginamit ng mga propeta, ni Cristo at ng mga apostol. 

Nang mamatay si Cristo may ilang bumangon mula sa mga patay na nirekord si Mateo. Since walang makapapasok sa Langit hanggang hindi bumabangon si Cristo mula sa mga patay, it is doubtful na dumiretso ito sa langit. Ayon kay Mateo nagpakita sila sa lunsod at marahil namatay uli. Demonstrasyon ito na ang namatay ay hindi ordinaryong lalaki kundi ang Anak ng Diyos, maging ang kamatayan ay walang nagawa nang mabuhay ang mga ito. 

Ang dalawang saksi sa Tribulasyon ay mabubuhay din at kahit ang Anticristo ay mabubuhay mula sa fatal wound (may nagsasabing hindi ito tunay na resurrection kundi staged and scripted). Pansining ang pagkabuhay sa panahon ni Cristo at sa panahon ng Tribulasyon ay parehong sakop ng panahon ng Israel, kung saan ang signs and wonders ay akompaniya sa Gospel of the Kingdom. Wala silang kinalaman sa gospel of grace ngayon. 

Ang tanging kaso ng pagbalik mula sa mga patay na aking nalalaman ay nang konsultahin ni Saul si Samuel sa 1 Samuel 28. Kahit dito malinaw na walang nag-e-expect na may mangyayari. Kahit ang medium ay natakot dahil sanay siya sa panloloko ng demonyong kumokontrol sa kaniya. Kahit sa kasong ito, matapos balaan si Saul ng kaniyang nalalapit na kamatayan (the very next day), bumalik si Samuel sa Sheol. After all, ginalitan niya si Saul sa pag-istorbo sa kaniyang pamamahinga (ayaw na niya ng stress ng buhay!). 

Samakatuwid, maliban sa mga rekord ng Biblia kung saan direktang binuhay ng Diyos ang mga patay, wala nang nabuhay na mag-uli. Si Kamatayan ay isang selosong kamatayan. Kapag pumasok sa kaniyang teritoryo, hindi niya palalabasin. Unless God Himself intervene (and He will in the Rapture). 

Ang depinitibong patunay na walang patay na babangon ay sa Lukas 16:19-31. Isang malinaw na leksiyon ang makikita rito- permanente ang hantungan ng mga patay. Ang namatay na hindi mananampalataya sa LT ay nasa lugar ng parusa sa Hades at ang mananampalataya ay sa sinapupunan ni Abraham. Fixed ang kanilang hantungan. Hindi sila makalilipat ng lugar. Tanging si Cristo ang nagbukas ng Hades on His own power at nilipat ang mga mananampalataya ng sinapupunan ni Abraham patungo sa Langit. Tanging mga unbelievers na lang ang nakapiit sa Hades ngayon. 

Paano pala ang mga patay na nabuhay muli at nagbalik? Since walang patay na babangon muli (bago ang Rapture), malinaw na ang mga ito ay pandaraya ni Satanas at ng mga demonyo. Bakit nila ito ginagawa? Upang linlangin at takutin ang mga tao at manghawak sa relihiyon sa halip na kay Cristo at sa Kasulatan. 

Maging mapanuri. Magpokus sa Kasulatan at sa biyaya at hindi ka malilinlang ng mga demonyong ito. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?