Ano ba ang ibig sabihin ni Job sa 10:10-12?

 


Job 10:10 Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas, at binuo mo akong parang keso?11 Ako'y binihisan mo ng balat at laman, at sinugpong mo ako ng mga buto at mga litid.12 Ako'y pinagkalooban mo ng buhay at kagandahang-loob, at pinamalagi ang aking diwa ng iyong pagdalaw.

Narinig ko na ang Diyos ang lumalang sa atin (I agree) at dahil dito kailangan natin Siyang paglingkuran at ang ginamit na springboard ay Job 10:10-12. So ang tanong ay ano nga ba ang ibig sabihin ni Job sa 10:10-12?

Gaya nang nalalaman ng lahat ng mambabasa ng Job, inatake ni Satanas si Job sa layong sirain ang kaniyang debosyon sa Diyos, at siya ay paulit-ulit na nabigo. Sa tindi ng hirap na dinaanan ni Job, bumisita ang kaniyang tatlong kaibigan. Ngunit nang magsalita si Job ng kaniyang hinaing, sa halip na makinig at magbigay aliw, salitang inakusahan ng tatlo si Job na kaya siya ay nagdurusa ay dahil siya ay nagkasala (sa kabila ng katotohanang ang unang dalawang kabanata ay espisipikong tinawag si Job na matuwid at sa kabanata 42, ang Diyos mismo ang nag-acquit sa kaniya). Sa halip sa huli, ang tatlo ang sinabi ng Diyos na nagkasala at nangangailangan ng intercession ni Job. 

Ang kabanata 10 ay bahagi ng depensa ni Job sa akusasyon ng kasalanan at sa proseso ay inakusahan niya ang Diyos na pinahihirapan siya kahit siya ay inosente (apparently siya ay graduate rin ng seminaryong pinanggalingan ng tatlo- tanging ang nagkasala lang ang nagdurusa- at marami ang may kaparehong kaisipan ngayon). Kita ito sa panimula pa lang ng kabanata 10 (na karugtong ng hinaing ni Job sa kabanata 9):

"Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay; aking palalayain ang aking daing; ako'y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa. Sasabihin ko sa Dios: Huwag mo akong hatulan; ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin."

Sa v1-7, direktang inakusahan ni Job ang Diyos na nasa likod ng kaniyang paghihirap at ginawa ito ng Diyos sa paraang hindi makatarungan, v7. 

Sa v8-12 sinabi niyang ang Diyos ang Maylikha sa kaniya. Kinikilala niyang ang Diyos ang nagbigay sa kaniya ng buhay at kabutihang pag-ibig o kagandahang-loob. 

Ngunit ang hindi niya maintindihan (v13) ay kung bakit pinahihirapan siya ng Diyos samantalang siya ay gawa ng Diyos, v14-17. Kung ganito rin lang naman, alam ng Diyos na wala siyang kasalanan at siya ay gawa ng Diyos pero nagdurusa na gaya ng masama, mabuti pa raw na hindi na siya pinanganak, v18-22. Ganito rin ang hinaing ng modernong tao. Curiously, sa kabanata 42 hindi na ganito ang kaniyang kaisipan. 

Samakatuwid ano ang punto ni Job sa 10:10-12? Ito ba ay upang hikayatin ang mga tao na maglingkod sa Naglalang sa kaniya? Nope! On the contrary, binanggit niya ang 10:10-12 upang isumbat sa Diyos ang unfairness ng kaniyang pinagdaraanan. (Hindi niya alam na siya ay nasa gitna ng spiritual warfare). 

Kapag pinutol ang isang teksto upang gawing springboard at dinugtong sa ibang sitas (I will do a separate blog), kahit ano ay pwedeng palabasin sa Kasulatan, kahit pa ang kabaligtaran ng punto ng sitas. 

Sa halip na pinupuri ni Job ang paglalang sa kaniya ng Diyos, sinusumbatan niya ang Diyos sa kabanata 10- bakit pa siya nilalang at pinanganak kung magdurusa lang siya na tila makasalanan samantalang alam ng Diyos na siya ay inosente. 

Dito makikita ang kahalagahan ng systematic verse by verse exposition at hindi ang cherry picking ng gustong bersikulo. Tinawag tayo upang unawain at tuparin ang sinasabi ng Kasulatan; hindi ang gayahin ang ibang relihiyon na pinagpuputol-putol at pinagdudugtong (na tila surheyon) ang mga tekstong walang kinalaman sa bawat isa, upang palabasin na sila lamang ang maliligtas. Ironically sa sermon na aking narinig ay pig-kritika ang relihiyong ito; in reality walang pinagkaiba ang kanilang ginawa. Parehong metodo sa magkaibang paksa. Ang resulta ay pareho- sa halip na maunawaan ang sinasabi ng Kasulatan, ito ay natatago. Ang lumalabas ay ang agenda ng nagtuturo, gaano man ito kaganda (I mean it is hard to criticize a sermon that calls for serving God, no?). 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?