Ano Ba Ang Ibig Sabihin ng Manampalataya kay Cristo Para sa Buhay na Walang Hanggan?

 


Kahapon kinausap ako ng isang kapatid patungkol sa nangyari sa kaniya ng isang gabi. Umano'y dalawang patay ang kumatok sa kaniyang pintuan at pinagbantaan ang kaniyang buhay. Insistent siya na hindi ito panaginip at sinabi ko na lang na kung hindi ito panaginip, ito ay tukso mula kay Satanas upang guluhin ang kaniyang isipan (in a separate post). Instead ang pokusan niya ay masigurong siya ay may buhay na walang hanggan. 

Pinaliwanag ko sa kaniya na ang tanging kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya kay Cristo. Ang pangako ni Cristo mismo ay ang nanampalataya ay hindi mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ito ay present possession, meaning, kapag nanampalataya ka ngayon, ngayon mismo taglay mo na ang buhay na walang hanggan. 

Pinaliwanag ko sa kaniya na ang pananampalataya kay Cristo ay hindi pagsisimba, pagba-Bible study, pag-aabuloy o paggawa ng mabuti. Hindi ito pagtalikod sa kasalanan o makatiis sa paglilingkod hanggang kamatayan. Ang mga ito ay gawa, hindi pananampalataya. Lahat ng ito ay mabuti ngunit hindi ito ang pangako ng buhay. 

Ang pangako ng buhay ay ang nanampalataya kay Cristo lamang (hindi gawa o pananampalataya plus gawa). Kung umaasa ka sa mga gawa upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, hindi ka mananampalataya kay Cristo. 

Maraming tao na nag-aakalang ang pananampalataya kay Cristo ay nangangahulugang magmiyembro sa simbahan, magpabautismo, maging alagad o maging tapat buong buhay nang buong puso (whatever that means). Ang pananampalataya kay Cristo ay ang pagkakumbinse na Siya lang ang magliligtas, ang magbibigay ng buhay na walang hanggan; hindi ang tao, hindi ang relihiyon at hindi ang ating kabaitan o mabubuting gawa. 

Bakit si Cristo lang? Siya ang namatay upang bayaran ang ating mga kasalanan, nalibing at nabuhay muli at umakyat sa Langit. Hindi ito ginawa ng relihiyon. Maraming tao ang pumapatay para sa relihiyon pero walang relihiyon na nagbigay ng kaniyang buhay bilang pampalubag-loob sa ating mga kasalanan. In fact maraming relihiyon ang gumagamit ng kasalanan (gaya ng pagpatay ng katunggaling relihiyon o extortion sa miyembro) para magparami. Ngunit si Cristo lang ang pampalubag-loob sa ating mga kasalanan. 

Knowing this should lead us to believe in Christ alone. Siya lang ang worthy na maging object of faith. Not Christ and religion. Not Christ and works. Not Christ and faithfulness. Not Christ and baptism. Not Christ and perseverance. 

Lahat ng ito (religion, works, faithfulness, baptism, perseverance) ay maganda at bahagi ng buhay alagad MATAPOS maligtas pero hindi ang mga ito ang basehan ng kaligtasan o kailangan upang manatili ang kaligtasan. Ang kaligtasan is by faith alone in Christ alone and once saved always saved. After all eternal life is eternal. Otherwise it is not eternal life. 

Sana naliwanagan ang kapatid. Kung mayroong nagbabasa ng blog na may kaparehong tanong, sana magkaroon kayo ng assurance kay Cristo. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?