"Stand! Stand!"



Kanina hinatid ko ang aking panganay sa San Jose. Nakita ko ang isang motorista na nagpapandar na nakababa ang stand. Hinabol ko siya, binusinahan at sinigawan ng napakalakas, "Ang stand! Ang stand!" Itinaas niya ang stand at bumusinang dalawa bilang response. We part ways at kaniya-kaniya kaming buhay. 


Napaisip ako, sana ang mga Cristiano ay gaya ng motoristang iyon. Isang babala lang at nag respond agad. Unfortunately, marami ang bingi-bingihan sa babala na maaari nilang ikapahamak. 


Bakit nagbibingi-bingihan? Maraming dahilan. 


Una, marami ang ma-pride chicken. Ayaw masabihan kasi ayaw kontrahin. Gusto lang laging sinasang-ayunan. Gusto ka i-reduce into a "Yes" -man. Para silang si Acab na ayaw mainig sa kanilang Micaya. Imagine kung anong mangyayari kung nagsabi yung motorista, "Alam ko ang ginagawa ko, huwag mo akong pagsabihan."


Pangalawa, ang iba ay napaka sensitibo o napakalambot. Dahil sanay na laging sinasang-ayunan, hindi sila nakadebelop ng makapal na balat sa anumang pagkontra. Sa halip na makinig sa malinaw na babala, they took issue with the voice, "Huwag mo akong sigawan!" Huh? Sa tingin ninyo anong manyayari kung sinabihan ko ang motorista sa mahina, malamyos at mabulaklak na pananalita, "Ang standdddd! Ang standdddd!" Marahil hindi niya maririnig at madidisgrasya siya. O marinig man, maybe he will be creeped out by a guy whispering "Ang standdddd! Ang standddd!" 🤣


May mga Cristianong ang kaya lamang ng sikmura ay mainit na gatas. Ang matigas na karne at kanin ay hindi nila kaya. Pagtatakpan nila ito ng tough exterior while all along ay kapok sa loob. Naalala ko tuloy ang isang pintuang sinipa ko. Akala ko matibay at makapal, pero isang sipa ko lang, nawasak agad. Muntik na akong makatapon on the other side. 


If you're wondering anong nangyari sa paghatid ko sa aking anak, well as usual, we're late 🤣.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?