Ang mensahe ng Isaias 40


Ang Isaias ay madalas tawaging Ikalimang Evangelio. Tinatawag din itong mini-Bible. Usually hinahati ito sa dalawang bahagi- ang unang 39 na sitas sa pangkalahatan ay patungkol sa paghuhukom sa Israel at sa mga nakapalibot na bansa; ang ikalawang bahagi ay 40 hanggang sa 66 na may taglay na mga pangako ng restorasyon. Dahil dito may nag-iisip na may dalawang manunulat ng Isaias at ang iba ay nakasumpong pa ng ikatlong Isaias. Mas maiging isiping pagkatapos ng mensahe ng paghuhukom, nagbigay din siya ng mensahe ng pag-asa ay restorasyon. Ayon sa iba ang Isaias 1-39 ay katumbas ng LT, puno ng kautusan at paghuhukom at ang Isaias 40-66 ay tila BT, puno ng pag-asa at biyaya. 

Ang Isaias 40 ay pangako sa mga Israelita na makalalaya rin sila sa kamay ng Babilonia, babalik sa lupain at magkakaroon muli ng kaharian, na ang ultimate na katuparan ay kapag ang Mesiyas ay naghari na mula sa Jerusalem. 

Sa v1-2, nagbigay ang Diyos ng kaaliwan sa Israel. Natapos na ang kaniyang pagdurusa at babalik na siya sa lupain. 

Sa v3-5 gagawa ang Diyos ng daan sa ilang upang makabalik ang Israel mula sa Babilonia. However unforgiving ang sitwasyon, gagawa ang Diyos ng paraan upang makabalik ang Israel. Sa BT, masusumpungan ang ultimate na katuparan nito sa katauhan ni Isaias na naging boses sa ilang na naghahanda ng daan ni Yahweh sa anyong tao, si Jesus. 

Sa v6-11, si Isaias ay sinabihang magpahayag ng evangelio. Anong evangelio ang kaniyang ipapahayag? Sa v9 ang evangelio ay narito ang kaniyang Diyos na may dalang kalayaan mula sa mga kaaway. Natupad ito sa paglaya ng Israel mula sa Babilonia at may ultimate na katuparan kapag bumalik si Jesus sa katapusan ng Tribulasyon upang ibalik ang Israel sa Lupain. Ang mensaheng ito ay mangyayari sapagkat ito ay eternal in nature. Hindi ito gaya ng buhay ng tao na narito ngayon at bukas wala na. Ilang taon man ang lumipas, ilang henerasyon man ng tao ang dumaan, mangyayari at mangyayari ito. Sa BT sinipi ang mga sitas na ito (sa 1 Pedro halimbawa) upang ilarawan ang Salitang nagpanganak sa atin. Mangyayari at mangyayari ito dahil ito ay eternal. 

Ang evangelio ng v6-11 ay hindi ang mabuting balita na ang sinumang manampalataya kay Cristo ay may buhay na walang hanggan. Ito ay mabuting balita ng restorasyon sa Lupain kung tanggapin nila ang Yahweh ng v3-5. History shows us na tinakwil nila si Yahweh nang si Yahweh ay nagkatawang tao sa katauhan ni Cristo. 

Sa v12-30 nilarawan at tinaas ang Diyos na nagbigay ng Salita. Mangyayari ang Salita dahil ang Diyos na nagsalita ay Makapangyarihan at mapangyayari. Sa serye ng metapora at kapahayagan, nilarawan ang kadakilaan ng Diyos. 

Finally sa v31, one of the most quoted verse in the Bible ay ang pangako sa mga nakatiis, nanghawak sa pangako ng Diyos no matter what. Pagod man sila ngayong lumakad, in the future sila ay tatakbo. Sila ay lilipad na gaya ng agila na nagpapakita ng kaginhawaan at pananagumpay sa buhay. 

Ang v31 ay isang pangako na maaari nating pagbasehan ng pag-asa. Kung gaya ng mga Israelita, tayo ay maghintay sa Panginoon, makasusumpong tayo ng lakas upang tumakbo sa karera ng buhay, anumang hadlang ang itapon ng buhay sa ating daan. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)








Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?