Teach us to number our days
Awit 90:12 Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan, upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan.
Nitong nakaraang Linggo, nagturo si Brod Meo ng dalawang maikling mensahe tungkol sa Awit 90:12 at Santiago 1:12. I find them very helpful at nainspired ako na sumulat ng blogs tungkol sa mga ito. Sa blog na ito, susulat ako sa Awit 90:12 at bukas naman sa Santiago 1:12.
Sa kaniyang lesson, binigyang diin ni Brod. Meo ang kahalagahan ng pagbibigay ng priority sa mga bagay na pang-Diyos. Ang marunong na tao ay alam na ang Diyos ang kaniyang priority. Sunod dito ang pamilya, isang oft-neglected na katotohanan.
Ang Awit 90 is ascribed to Moises. This makes it the oldest psalm in the collection. Sa awit na ito binanggit ni Moises ang kaiklian ng buhay at pangangailangan ng maayos na paggamit nito.
Sa v1-6, inawit ni Moises ang eternidad ng Diyos at ang kaiklian ng buhay ng tao. Kumpara sa Diyos, ang buhay ng tao ay isang singaw sa lupa (kung gagamitin ang metapora ni Santiago). Ang buhay ng tao ay maikukumpara sa isang damong nainitan, natuyo at namatay. Maikli at mabilis ang kaniyang pisikal na buhay.
Sa v7-12, inawit ni Moises ang katotohanang ang tao ay makasalanan. Maikli na nga ang kaniyang buhay, majority nito ay nauubos pa sa disiplina ng Diyos. Nang sinabi ni Moises na ang tao ay may pitumpo o walong taon, hindi niya sinasabing ito ang takda ng buhay ng tao, dahil maraming tao sa Biblia man o sa ating panahon (marahil may kilala kayo na sentenaryan) ang lumalagpas pa sa isandaan. Ginamit niya ang mga edad na ito upang suportahan ang kaniyang sinabi na maikli ang buhay. Kahit ang 70 o 80 na taon ay maikli kumpara sa eternidad ng Diyos, at anong saklap kung ang 70 o 80 na ito ay naubos lang sa poot ng Diyos dahil sa kasalanan. Hindi sinasabi ni Moises na ito lang ang absolutong limitasyon ng haba ng buhay ng tao. Dapat maingat tayo sa pagtrato ng poetic writings. Hindi sila dapat na itulad sa prose o sa discourse.
Kaya sa v12, humingi si Moises sa Diyos na turuan siyang bilangin ang kanilang kaarawan. Since limitado lang ang buhay ng tao, sinasabi ni Moises na kailangan nilang ma-account ang tamang paggamit nito, walang sayang. Sa halip na mamuhay para sa sarili, nais ni Moises ng karunungan na maisapamuhay ang buhay sa ikaluluwalhati ng Diyos. Ayaw niyang masayang ang maikling buhay na pinagkaloob sa kaniya.
Sa v13-17 nanalangin si Moises ng biyaya at awa. Humiling siyang ang maikli nilang buhay na puno ng kasalanan at therefore disiplina ay mapuno ng kagalakan. Since ang kagalakan ay related sa pagkakaroon ng puso ng karunungan, ito ay kahilingan na turuan silang bilangin ang kanilang kaarawan. Ito ay request na tulungan silang mamuhay sa paraang makaluluwalhati sa Diyos. Humihiling siyang huwag masayang ang kaniyang mga araw.
Practically that means having a scale of values that consistently prioritize a life of intimacy and holiness with God. Sa halip na mamuhay sa sarili at pita ng laman, priority ang mga bagay na "nasa itaas at hindi sa ibaba" gaya ng pagkasabi ni Pablo sa Colosas 3.
Ang tanong, ganito rin ba ang iyong panalangin?
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment