Theological springboards

 

Isa sa mga madalas kong ipaksa sa aking mga blogs ay ang pagkadismaya na sa halip na hayaan ang Kasulatan na ipaliwanag ang kaniyang sarili, madalas ito ay ginagamit ng mga ministro bilang springboards sa kanilang paboritong paksa. Dahil dito, sa halip na magkaroon malalim na pagkaunawa sa Kasulatan, ang mga miyembro ay nagiging biktima ng indoctrination ng ministro na may agenda. 

Gaya nang sa gymnastics kung saan ang gymnast ay umaapak upang i-launch siya sa ere, ang mga sitas ng Biblia ay ginagamit lamang na pasikaran ng sermon na walang kunsiderasyon sa konteksto ng sitas. 

Narito ang halimbawa: Mateo 16:25-26 at ang kaligtasan ng kaluluwa.

Mateo 16:25 Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon.26 Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?

Dahil sa preconception na ang kaligtasan ng kaluluwa ay laging patungkol sa kaligtasan mula sa impiyerno, ang tekstong ito ay madalas na gamiting springboard sa pagtuturo ng kaligtasan. Nagpapasalamat tayo na ang kaligtasan mula sa impiyerno ay naipapangaral sa lahat ngunit nakalulungkot na ito ay ituro sa tekstong ito. Una, nawawala ang konteksto, na sa halip ba leksiyon sa mga disipulo, ito ay nagiging leksiyon sa hindi ligtas. Ikalawa kung ikumpara sa v24 ang kundisyon ng kaligtasan ay nagiging malabo- nagdaragdag ang pangangailangan ng pagpasan ng krus, pagtakwil sa sarili at pagsunod kay Cristo bilang kundisyon ng kaligtasan. Ito ang ereheng doktrina ng Lordship salvation. Ikatlo, nagtuturo ito ng maling praktis sa mga Cristiano, na okey lang ang mag-take ng verse out of context as long as ang doktrina ay tama (paano naging tama ang out of context). 

Ang Mateo 16:25-26 ay leksiyon para sa mga alagad. Kung gusto nilang lumago sa kanilang relasyon kay Cristo, kailangan nilang pasanin ang kanilang krus, itakwil ang sarili at sumunod sa yapak ni Cristo. Walang unbelievers ang dapat gumawa nito dahil iyan ay works salvation at worst and lordship salvation at the least. Ang disipulong sumunod dito ay maghahari sa Kaharian. 

Ang Mateo 16:25-26 ay panawagan sa mga dati ng ligtas na magsikap at magpatuloy sa pananampalataya at paglilingkod. Hindi ito mensahe ng kaligtasan. Kung titingnan ang konteksto, ang kausap ni Jesus ay mga ligtas na, hindi mga unbelievers. Ang ituro ito bilang kaligtasan is to do the Scriptures injustice. 

Ang sinasabi ni Jesus ay ang mananampalatayang ginugol ang buhay para sa Kaniya ay magtatamo ng tunay na buhay (abundant life) at rewards in the future (ruling with Christ). Ang ayaw maglingkod dahil mas pinili niya ang comfort at kaligtasan ng kaniyang pisikal na buhay ay mawawalan nito. Ilang Cristianong ayaw maglingkod ang na-sin unto death dahil sa disiplina? 

Irespeto natin ang Kasulatan. Huwag natin itong gawing springboards para sa ating personal na interpretasyon ng Biblia. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?