Ano ang ibig sabihin ni Job sa Kabanata 14?
Job 14:1 Taong ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw, at lipos ng kabagabagan.2 Siya'y umuusli na gaya ng bulaklak, at nalalagas: siya rin nama'y tumatakas na gaya ng anino, at hindi namamalagi.
Ang aklat ng Job ay nagkukuwento ng struggle ni Job nang siya ay nasa gitna ng spiritual warfare. Bagamat alam nating mga mambabasa na siya ay dumaraan sa pagdurusa hindi dahil sa siya ay masama (ang Diyos mismo ang nagpapatotoo na siya ay matuwid), hindi ito alam ni Job at ng kaniyang mga kasama. Una ang Job ay may layong i-refute ang strict retributive theology (ang ideya na ang makasalanan ay magdurusa at ang matuwid ay pagpapalain), dahil sa kwento ang matuwid na si Job ang nagdurusa. Totoong pinaparusahan ng Diyos ang makasalanan ngunit maling isipin na lahat ng pagdurusa ay dahil sa kasalanan. Ikalawa, ang pagdurusa ay maaaring dahil sa spiritual warfare. Si Job ay demonstrasyon ng Diyos kay Satanas na ang mananampalataya ay naglilingkod hindi lang dahil sa materyal na benepisyo kundi genuine na pag-ibig sa Diyos. Sa buong aklat, never na tinalikuran ni Job ang Diyos o sinumpa niya ang Diyos (ang numero unong goal ni Satanas sa warfare na ito), though he comes close sa kaniyang pagkwestiyon sa Diyos kung bakit siya nagdurusa. Ikatlo, tinuturo ng Job na ang ating trabaho ay magtiwala sa Diyos sa gitna ng pagsubok. Never na nasagot ang mga tanong ni Job, instead tinanong siya ng Diyos; nakuntento na si Job na marinig ang boses ng Diyos dahil nangangahulugan itong kasama niya ang Diyos kahit hindi niya alam kung bakit. Sapat na ito kay Job (hindi niya kailan man nalaman na siya ay nasa spiritual warfare), at dapat masapatan na rin tayo dito.
Mula sa Job 3 hanggang sa Job 31 nag-undergo ng 3 rounds of debate si Job at ang kaniyang tatlong kaibigan, bago nagsalita si Elihu sa 32 hanggang 37 (hindi ako pa ako sure kung dapat kong ibilang si Elihu bilang marunong o hindi) at sa 38 hanggang 42 ang Diyos naman ang nagsalita.
Sa Job 12-14 muling dinepensahan ni Job ang kaniyang mga kaibigang nagmamarunong (mamamatay ang karunungan na kasama nila, who said that sarcasm is a modern thing?), pinagtanggol niya ang kaniyang kainosentihan at humihiling siya ng panayam sa Diyos kung bakit siya nagdurusa. Ang problema kay Job at sa tatlong kaibigan ay lahat sila nanghahawak sa strict retributive theology (marami pa rin ngayon); ang isyu ay alam ni Job na siya ay inosente at matuwid (which conflicts with his theology) at ang tatlo ay hindi kumbinsido. Sa pamamagitan ng aklat ng Job magkakaroon tayong mambabasa ng mas malawak na theology of suffering. Hindi lang sin ang dahilan ng pagdurusa; maaaring ito ay bahagi ng spiritual warfare.
Sa v1-2 binanggit niya ang kaniyang sumbong:
"Taong ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw, at lipos ng kabagabagan. Siya'y umuusli na gaya ng bulaklak, at nalalagas: siya rin nama'y tumatakas na gaya ng anino, at hindi namamalagi."
Sinasabi niyang maikli at puno ng pagdurusa ang tao. Ang implikasyon ay bakit Lord?
While it is true na marami kang doktrina na makukuha sa Job dapat nating intindihin ito sa liwanag ng argumento ni Job. Otherwise we'll be guilty of chopping texts out of context. Wala na tayong pinagkaiba sa mga relihiyonista na nagpuputol-putol at nagdurugtong ng mga tekstong walang kinalaman sa bawat isa.
Ano ang mga leksiyong makukuha sa Job 14:1-10?
1. Ang buhay ay maikli at puno ng pagdurusa. "Taong ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw, at lipos ng kabagabagan. Siya'y umuusli na gaya ng bulaklak, at nalalagas: siya rin nama'y tumatakas na gaya ng anino, at hindi namamalagi."
2. Ang Diyos ang hahatol
"At iyo bang idinidilat ang iyong mga mata sa isang gaya nito, at ipinagsasama mo ako upang hatulan mo?"
3. Ang tamo ay marumi.
"Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala."
4. May hangganan ang buhay ng tao.
"Yayamang ang kaniyang mga kaarawan ay nangapasiyahan, ang bilang ng kaniyang mga buwan ay talastas mo, at iyong hinanggahan ang kaniyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan."
Dito nakikiusap si Job na bigyan ng pahinga ang nagdurusang tao (ang implikasyon ay pinahihirapan siya ng Diyos):
"Ilayo mo sa kaniya ang iyong paningin, upang siya'y makapagpahinga, hanggang sa maganap niya, na gaya ng isang magpapaupa, ang kaniyang araw."
5. Kapag ang tao namatay, hindi na siya babalik mula sa mga patay (hindi pa developed ang theology of what happens to the dead sa Job pero sa ibang bahagi ng Kasulatan alam nating ang matuwid sa LT ay nasa kaginhawaan ng sinapupunan ni Abraham at ang masama ay nasa lugar ng pagdurusa).
"Sapagka't may pagasa sa isang punong kahoy, na kung ito'y putulin, ay sisibol uli, at ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat. Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa, at ang puno niyao'y mamatay sa lupa; Gayon ma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol, at magsasanga na gaya ng pananim. Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw; Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya?"
Ano ang punto ni Job sa mga ito? Ito ba ay upang magturo ng biblical anthropology o upang mag-motivate sa mga believers na maglingkod?
Nope.
Ang punto niya ay makikita sa v7-9, mabuti pa ang puno kapag pinutol muling tutubo, samantalang ang tao kapag namatay ay hindi na mabubuhay muli (again hindi developed ang resurrection sa Job). Inulit niya ito sa v11-12 with a different metaphor. At sa v13 hanggang katapusan, nararamdaman ni Job na malapit na siyang mamatay (pakiramdam lang dahil alam nating mahaba pa siyang nabuhay pagkatapos nito- sapat upang magkaroon ng 10 bagong anak at makita ang mga kaapuhan) at sana limitahan ng Diyos ang kaniyang poot na nagreresulta sa kaniyang pagdurusa.
Samakatuwid ang sinasabi ni Job sa katorse ay Lord maikli ang buhay, naghihirap ako, malapit na akong mamatay, kailan mo ako titigilan?
Iwasan natin ang chop chop theology. Kailangan nating unawain ang sitas sa liwanag ng kaniyang argumento. Huwag nating gayahin ang mga relihiyonista na ginagamit lang ang Kasulatan bilang springboard sa kanilang unique theology at mahilig sa chop chop at welding theology (gagawa ako ng separate na blog).
Huwag nating hayaang nakawin ng mga false teachers ang kakayahan nating mag-isip ng doktrina. Read your Bible. Understand it. It is our best defense against false teachers.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment