Lahat ba ng Cristiano ay co-heirs with Christ?
Romans 8:16-17
[16]The Spirit Himself testifies with our spirit that we are children of God,[17]and if children, heirs also, heirs of God and fellow heirs with Christ, if indeed we suffer with Him so that we may also be glorified with Him.
Narinig ko sa isang sermon na lahat daw ng Cristiano ay tagapagmana ng Diyos (no question about it) at tagapagmanang kasama ni Cristo? Pero totoo bang ang lahat ng Cristiano ay co-heirs with Christ?
Ang ginamit na teksto ay Roma 8:17.
Walang duda na lahat ng Cristiano ay heirs of God. Sabi iyan sa teksto:
"The Spirit Himself testifies with our spirit that we are children of God, and if children, heirs also, heirs of God."
Ayon kay Pablo ang Espiritu Santo mismo ang nagpapatotoo sa ating espiritu na tayo ay mga anak ng Diyos at kung ganuon ay mga tagapagmana ng Diyos. Ano ang ating mamanahin? Lahat ng espirituwal na pagpapala kay Cristo, Efeso 1:3.
Ngunit totoo bang tayo ay co-heirs o sa NASB, fellow heirs with Christ? Tingnan natin ang karugtong (with the reminder na ang verses at punctuations ay later addition).
"And fellow heirs with Christ, IF indeed we suffer with Him so that we may also be glorified with Him."
Ayon sa 17b, ang kundisyon upang maging co-heirs with Christ ay ang pagbatang kasama Niya. Ang pagiging co-heirs ay bahagi ng being "glorified with Him."
So ang tanong, paano kung ang Cristiano ay hindi nagbatang kasama ni Cristo? Paano kung sa harap ng pag-uusig, pinagkaila at tinakwil niya si Cristi?
Co-heirs pa rin ba siya?
Ang malinaw na implikasyon ng Roma 8:17 ay HINDI!
Ang Cristianong nabahag ang buntot at pinagkaila si Cristo dahil ayaw niyang magdusang kasama ni Cristo ay hindi co-heirs with Christ.
Samantalang ang being heirs of God ay para sa lahat ng children of God at birthright ng lahat ng nanampalataya kay Cristo, ang pagiging co-heirs with Christ ay nakakundisyon sa co-suffering with Christ. Hindi rin ito para sa mga TEKNA kundi para sa mga HUIOS (mature sons of God).
Ano ang pagkakaiba ng dalawa? Ang TEKNA ay lahat ng nanampalataya kay Cristo. Tayo ay anak ng Diyos. Ang mga HUION ay ang mga anak na tagapagmana. Positionally, lahat ng TEKNA sa panahong ito ay HUION din, pero practically ang mga HUION ay ang mga nakaabot sa maturity at sinubok ng co-suffering with Christ.
Makikita ang distinction na ito sa Galatians 3:18-4:9. Ang Galatians ay tinuturing na mini-Romans. Ang mga TEKNA ay walang pinagkaiba sa mga alipin pero ang HUION ay tagapagmana ng lahat.
Samakatuwid hindi lahat ng TEKNA ay marerealize ang benefits ng pagiging HUION. Kung ang Cristiano ay hindi handang magsuffer with Christ, hindi siya co-heirs with Him.
Ito rin ang turo ni Pablo kay Timoteo:
2 Timothy 2:12
[12]If we endure, we will also reign with Him; If we deny Him, He also will deny us.
Kailangan nating mag-endure with Christ upang magharing kasama Niya. Paano kung tinakwil mo si Cristo sa gitna ng trials and persecution? Itatakwil ka rin Niya, hindi sa kaligtasan (see v13) kundi from the right to reign with Him which is only for those who endure with Him.
Ito rin ang turo ni Cristo:
Matthew 10:32-33
[32]"Therefore everyone who confesses Me before men, I will also confess him before My Father who is in heaven.[33]But whoever denies Me before men, I will also deny him before My Father who is in heaven.
If we confess the Son in the midst of opposition to discipleship, He'll confess us to the Father. He'll tell the Father that we earn the right to rule with Christ. If we deny Him before men dahil mas mahalaga ang ating personal comfort against persecution, He'll deny us the right of rulership with Him. We're not co-heirs with Him.
So ang diretsang sagot sa tanong natin ay HINDI LAHAT NG CRISTIANO AY CO-HEIRS WITH CHRIST. Tanging ang nag-endure ng co-suffering with Christ ang co-heirs with Christ. Sila rin ang matiyagang hinahantay ng sansinukob upang magpalaya sa kaniya sa sumpa. Sa millennium kapag naghari na ang mga co-heirs, makakalaya na ang creation sa sumpa. Finally, in accordance with the original dominion mandate of Genesis 1:27ff, ang buong mundo ay nasa kamay na muli ng tao (Christ and His co-heirs) sa halip na sa kamay ni Satanas. So cheer up, endure and we'll reign with Him.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat (Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment