Salvation of your souls
Isa sa mga sakit ng mga ministro ay kapag nakita ang salitang pananampalataya at kaligtasan ng kaluluwa, ang iniisip agad ay kaligtasan mula sa impiyerno. Sa halip na silipin ang gamit ng mga ito sa konteksto, tumatalon agad sa konklusyon.
Isang halimbawa ay ang 1 Pedro 1:9. Ilang beses ko nang narinig (ang latest ay nitong Linggo) na ang 1 Pedro 1:9 ay patungkol daw sa eternal na kaligtasan mula sa impiyerno. Sinundan pa ito ng evangelistic pitch na believe in the Lord Jesus Christ. While I appreciate the eagerness to share the message of life, I think in the long run, misinterpreting passages will be detrimental to believers. Natututo tayo ng sloppy theology plus naitatanim sa atin ang mga bad habits of presumption.
Ang 1 Pedro ay sinulat ni Apostol Pedro sa mga mananampalatayang Judio sa tinatawag ngayon Turkey. Sumulat siya upang palakasin ang loob ng mga mananampalatayang dumaraan sa pag-uusig mula sa mga Judiong tinuturing silang taksil sa bansang Israel at mula sa mga Gentil na nagtataka kung bakit hindi na sila sumasama sa mga ito sa kanilang paglalasing at layaw ng laman. Mahalagang tandaan ito dahil ang mga sinulatan ni Pedro ay mga ligtas. Mayroon silang buhay na walang hanggan. Hindi nila kailangang i-evangelize. Ang kailangan nila at encouragement sa paghanap sa pagsubok.
At encouragement ang binigay ni Pedro! Sinabi niyang magtiis sila dahil ito ay may gantimpala sa hinaharap, sa Kaharian. Ang tawag ni Pedro sa gantimpalang ito ay kaligtasan. Samakatuwid ang kaligtasan sa 1 Pedro ay eschatological. Ito ay ang paghahari sa Milenyo kasama ni Cristo sa hinaharap, hindi ang pagkaligtas sa impiyerno na taglay na nila.
Sa v1-3, pinuri ni Pedro ang Diyos at binati ang mga tatanggap ng sulat. From the very beginning, makikita natin ang future orientation ng sulat nang banggitin niya ang pag-asa. Ang pag-asa ay buhay at patungkol sa pagtanggap ng mana. Ang mana ay iniingatan na nakahanda sa hinaharap, v4-5.
Ang kaalamang may manang naghihintay sa hinaharap ang nagbibigay sa kanila ng kasiyahan kahit sa kasalukuyan ay sinusubok ang kanilang pananampalataya, v6-7. Ang pagsubok sa pananampalataya ay hindi nangangahulugang kapag wala silang gawa, hindi tunay ang kanilang pananampalataya at hindi sila pupunta sa langit. Ang pagsubok sa pananampalataya ay ang pang-araw-araw na pagsubok na dumarating sa kanilang espirituwal na buhay. Ang kanilang pananampalataya sa pang-araw-araw na pamumuhay ay sinusubok ng kanilang mga pinagdaraanan. Ang resulta ay pananampalatayang subok at tunay (walang latak).
Ang kanilang pag-iingat sa pananampalataya ay magreresulta sa pagtanggap ng kaligtasan ng kanilang kaluluwa. Since ang pananampalataya ay sinubok, ito ay may kaakibat na gawa ng pagtitiis at kagalakan at pag-ibig sa hindi nakikitang Panginoon. Samakatuwid ito ay pananampalatayang may kaakibat na gawa. Kung ang kaligtasan sa v9 ay kaligtasan mula sa impiyerno, ito ay malinaw na works salvation at sasalungat sa malinaw na turo ng Juan 3:16 at Gawa 16:31 na ang kaligtasan o buhay na walang hanggan ay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.
Ang buhay na marunong magtiis sa pagsubok dahil sa pananampalataya ay gagantimpalaan ng kaligtasan ng kaluluwa. Ang kaligtasan ng kaluluwa (o buhay) ay hindi tumutukoy sa justification kundi sa rewards sa future na may implikasyon sa pangkasalukuyang pamumuhay. Ang mga nakatiis na co-sufferer with Christ ang magiging co-heir with Christ (see a separate blog). Sa Milenyo sila ay maghaharing kasama ni Cristo.
Dahil sila ay maghahari sa Milenyo, ang mga co-heirs na ito ay handang mag-co-suffer with Christ. Anumang ibato sa kanila ng sanlibutan, tinatanggap nila ito ng may kagalakan dahil ito ay oportunidad upang patunayan ang kanilang katapatan (o pananampalataya) kay Cristo. Ang Cristianong tumalikod sa gitna ng pag-uusig ay may mababaw na pananampalataya. Oo pupunta siya sa Kaharian pero hindi siya maghahari roon.
Gusto ba nating magharing kasama ni Cristo sa darating na Kaharian? Kung oo, ngayon pa lang matuto na tayong magdusang kasama Niya. Ito ang kaligtasan mg ating buhay (o kaluluwa). Maiwala man natin ang buhay natin dahil sa pag-uusig, matutubos natin ito sa Milenyo kapag naghari na tayo at ma-realize nating hindi nasayang ang ating pagtitiis at pananampalataya.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment