Chop Chop and Welding Theology

 


Hindi ito advertisment.

I am sure you're familiar with welding at kung kayo ay batang 90s na kagaya ko, siguro bahagi rin ng inyong nightmares ang chop chop lady. 

Ngunit ang chop chop lady ay hindi lamang sa mga pelikula nananakot. Nakakatakot sila maging sa ating mga simbahan. 

Ang tawag ko rito ay chop chop theology at welding theology. Ang chop chop theology ay ang paghahati ng teksto at ihiwalay ito sa konteksto. Madalas akong mag-post tungkol dito. Ang kapartner nito ay welding theology. Pagkatapos alisin sa konteksto ang sitas, idudugtong ito sa ibang sitas na ibang teksto (na dapat ding chop-chop-in mula sa sarili nitong konteksto) upang makabuo ng personal na interpretasyon ng Biblia. 

Pamoso ito sa mga relihiyonistang pig-chop-chop at pig-welding ang mga verses upang palabasin sila lang ang tanging grupong maliligtas. Pamoso ito sa mga nag chop and weld para palabasing kailangan ang gawa upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Pamoso ito sa mga may hobby horse. 

At ito ay nakalulungkot. 

Inaasahan mo ito sa mga hindi nananampalatayang relihiyonista. Hindi mo ito aasahan mula sa isang Cristianong nagtuturo sa Bible church. After all, sa isang Bible church ang Bible ang supposedly the highest authority in the Church. Sa chop and weld, ang creativity ng ministro ang pinaka-highest authority. Depende kung gaano siya ka-creative, pwede siyang mag-mix-and-match ng mga sitas para palabasin ang gusto niyang doktrina. Parang outfit of the day lang. 

Bilang mga estudyante ng Biblia, obligasyon nating personal na siyasatin ang sinasabi ng mga ministro upang malaman natin kung ang kanilang tinuturo ay tama nga sa sinasabi ng Biblia. Gaya ng mga taga-Berea. Huwag tayong matakot na mag-isip para sa ating sarili. Ang mga ministro ay naglilingkod upang tayo ay matuto, hindi sila nagsasalita sa unahan para lamang magpahayag ng kanilang personal na opinyon. Kung hindi tayo sang-ayon sa kanilang turo, may karapatan tayong kwestiyonin ang mga ito. Tandaan na ang Espiritu Santo ay hindi lamang sa mga ministro nananahan. Nananahan Siya sa bawat Cristiano at ang Espiritu sa ministro ay parehong Espiritu sa "ordinaryong Cristiano."

Kapag ang turo ng ministro ay labas sa konteksto ng sitas, it is safe to say na ang espiritung kumikilos sa kaniya ay hindi Espiritu Santo kundi sarili niyang espiritu. Or worse, galing sa ibang espiritu. 

Sa chop ang weld, kahit anong doktrina maaari mong palabasin. And in some cases kapag hinaluan ito ng open revelation view o ang pananaw na ang Diyos ay naghahayag pa ng bagong rebelasyon sa pamamagitan ng mga "apostol at propeta" (questionable - the last apostle, John, died in 1st century AD), maaari siyang lumikha ng bagong "kasulatan." May karapatan din siyang mag-edit at mag-discard ng mga "obsolete" na revelation. 

This is dangerous. 

Sa mga tagapagturo ng Biblia, alalahanin ninyong malaking responsabilidad ang inyong ginagawa. Kapag nagkamali ang ordinaryong miyembro, sarili niya lang ang mapapahamak. Kapag ang ministro ang nagkamali, damay ang buong simbahan. Yes, hindi lahat ng pagkakamali ay equal; may errors na minor na walang bearing sa spiritual life. Pero may mga errors na malaki ang epekto sa Cristianong pamumuhay. Gaya ng Lordship salvation. O sinless perfection sa buhay na ito. O preterism. O arbitrary election to salvation. 

Maging maingat kayo sa eksposisyon ng Biblia. Make sure na ito ay defensible from context at hindi pulot ng pulot just because it sounds good. Because it will preach. More than how good it sounds will being preached, ang dapat na unahin ninyo ay how faithful is it to the Bible. 

Kayo ay edifier ng Katawan ni Cristo, hindi chopper ng Kasulatan. Kayo ay expositor at teacher ng Biblia, hindi welder. 

Huwag nating hayaang diktahan ng mga chopper at welder pastors ang ating kakayahang mag-isip ng doktrina. Be noble like Bereans. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?