Kasalanan ba ang maging mayaman
Hindi. In fact narito, lalo na sa Lumang Tipan, minsan ang kayamanan ay bahagi ng pisikal na pagpapala sa pagiging masunurin sa Diyos.
Si Abraham ay isang halimbawa ng isang taong nagkaroon ng kayamanan bilang pagpapala sa kanyang pagiging masunurin sa Diyos. (Genesis 13:2, 24:35) Si Jose ay isa pang halimbawa ng isang taong nagkaroon ng kayamanan bilang pagpapala sa kanyang pagiging masunurin sa Diyos. (Genesis 41:37-57, 45:1-15). Ang ikatlong halimbawa ay si Solomon (1 Hari 10:14-29, 2 Kronika 9:13-28)
Sa Biblia ang pisikal na pagpapala ay binibigay ng Diyos dahil sa
1. Pagiging masunurin sa Diyos. Deuteronomio 28:1-14.
2. Pagtitiwala sa Diyos. Mateo 6:25-34
3. Pagiging matuwid. Proverbs 10:22
Narito ang ilan pang halimbawa ng mga mayayamang matuwid sa Biblia.
1. Si Job ay isang mayayaman na tao na nagkaroon ng maraming mga pag-aari at yaman, ngunit nawala ang lahat ng ito sa kanya dahil sa pagsubok ng Diyos (Job 1:3, 42:10-17).
2. Si Zaqueo ay isang mayayaman na mamamayan ng Jerico na nagkaroon ng maraming mga pag-aari at yaman, ngunit nagbago ang kanyang buhay nang makilala niya si Hesus (Lucas 19:1-10).
Ang mga halimbawang ito ay patunay na hindi kasalanan ang maging mayaman at maraming mayaman ang may aprubal ng Diyos.
Ganuon pa man, may mga aral tayong dapat makuha sa mga halimbawang ito.
Ang yaman ay hindi garantisadong magdudulot ng kaligayahan. Ang mga halimbawa ni Job at Solomon ay nagpapakita na ang yaman ay hindi garantisadong magdudulot ng kaligayahan.
Ang yaman ay dapat gamitin para sa iba. Ang mga halimbawa ni Abraham at Jose ay nagpapakita na ang yaman ay dapat gamitin para sa iba, lalo na sa mga nangangailangan.
Ang yaman ay hindi ang pinakamahalagang bagay sa buhay. Ang mga halimbawa ni Zaqueo ay nagpapakita na ang yaman ay hindi ang pinakamahalagang bagay sa buhay, at na ang pagkakaroon ng relasyon sa Diyos ay mas mahalaga.
Narito ang ilan sa mga bagay na dapat tandaan pagdating sa kayamanan.
1. Iwasan ang kasakiman at pagmamahal sa kayamanan, 1 Timoteo 6:10, Lucas 12:15.
2. Ang mga mayayaman ay dapat gamitin ang kanilang yaman para sa kapakinabangan ng iba, lalo na sa mga nangangailangan, 1 Timoteo 6:17-19, Proverbs 19:17.
3. Ang mga mayayaman ay hindi dapat magtiwala sa kanilang yaman, kundi sa Diyos , Mateo 19:21-24, 1 Timoteo 6:17-19.
4. Ang mga mayayaman ay dapat maging mapagkumbaba at hindi magyabang sa kanilang yaman Kawikaan 16:18, 1 Pedro 5:5-6.
5. Ang mga mayaman ay dapat magpakita ng awa sa kapus-palad, Lucas 16:19-31.
Bagamat hindi kasalanan ang pagiging mayaman, malaki ang potensiyal na sila ay umasa sa kanilang kayamanan. Dahil dito, pinaalalahanan ng Biblia na ang ating pag-asa at debosyon ay sa Kaniya at hindi sa ating kayamanan. Gamitin natin ang ating mga materyal na pag-aari para sa ikasusulong ng Kaniyang mga layunin.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment