Inner Happiness, Outside Trials
Santiago 1:12 Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso; sapagka't pagkasubok sa kaniya, siya'y tatanggap ng putong ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya.
Ang Aklat ni Santiago ay aklat ng karunungan sa gitna ng mga pagsubok sa buhay. Ang epistula ay sinulat sa mga mananampalatayang Judio na nasa Diaspora. Ang aklat ay hindi soteriolohiya sa kabila ng attempts ng ilan na gamitin ang epistula bilang suporta sa works salvation.
Sa kabanata 1 binanggit ni Santiago ang kapalaran ng mga mananampalatayang dumaraan sa pagsubok. Sa halip na magpadala sa pressure ng buhay, dapat yakapin ng mga mananampalataya ang mga pagsubok nang bukas ang mga kamay sapagkat ang mga ito ang magtuturo ng pagtitiis (v3ff). Samakatuwid character -building ang mga pagsubok.
Bukod diyan sa v12 may babanggitin pa siyang dalawang dahilan. Una ang pagsubok ay pagkakataon upang magkaroon ng inner peace at ikalawa, ito ay pagkakataon upang magkaroon ng korona o putong ng buhay sa Bema.
"Mapalad." Ang salitang mapalad ay nangangahulugang inner peace. Ang Cristianong nakatiis sa pagsubok ay may panloob na kasiyahan. Hindi siya nagpa-panic. Alam niyang ang Diyos ay nakaupo sa trono at hinayaan ang pagsubok for the purpose of developing character sa mananampalataya.
Take note na sa v13ff ang salitang ginamit sa tukso ay the same word na ginamit sa pagsubok sa v3ff. Nabanggit ko ito upang i-point out na dapat tayong magalak kapag nahaharap sa pagsubok ng v3 ngunit dapat nating layuan ang tukso ng v13. Ang karunungan ng Salita ng Diyos ang magtuturo sa atin ng pagkakaiba ngunit ito ang hinit: ang tukso ng v13 ay mula sa masamang pita ng laman, nagreresulta sa kasalanan at sa kamatayan at hindi magbibigay ng inner peace.
Ang inner peace ay birth right ng mga Cristiano. Ngunit marami ang hindi ito taglay dahil sa halip na i-actualize ito sa kanilang buhay sa pamamagitan ng pakikinig at pagtupad ng Salita ng Diyos, inuuna nila ang kanilang sariling pita.
"Ang taong nagtitiis ng tukso." Hindi lahat ay magagawa ito pero ang Cristianong nakatiis sa pagsubok, hindi bumigay, hindi tumalikod kundi kumapit nang mahigpit sa Diyos at Kaniyang pangako, ang mga ito ay may inner peace. Marami ang walang inner peace dahil sa halip na kumapit sa Diyos, ang unang nilalapitan ay tao at sabi ni Jeremias sumpain ang nagtitiwala sa tao. Malungkot mang sabihin, maraming lumalapit sa Diyos bilang last resort. Kapag wala ng malapitan, saka lalapit sa Diyos. This is wrong thinking.
"Sapagka't pagkasubok sa kaniya." Nagpapakita ito na ang pagsubok ay may katapusan. It is not forever. The moment the end product (character maturity) ay naabot, the trials will stop. Bilang guro, nagbibigay kami ng pagsubok sa mga estudyante upang malaman kung natutunan nila ang leksiyon o hindi at upang madebelop sa kanila ang desirable characteristics. Walang tests o quizzes na nagpapatuloy forever.
Ang estudyanteng sumuko sa gitna ng tests o quizzes ay siguradong babagsak. Ganuon din, ang Cristianong bumigay sa gitna ng pagsubok sa buhay ay hindi makakamit ang inner peace at crown of life na pangako sa sitas na ito.
"Siya'y tatanggap ng putong ng buhay." Ang putong ng buhay ay iba sa buhay na walang hanggan. Ang buhay na walang hanggan ay isang kaloob na tatanggapin ng sinumang manampalataya kay Cristo. Hindi ito pinagtatrabahuhan ngunit kaloob sa mananampalataya at point of faith. Ang korona o putong ng buhay ay may kaakibat na gawa. Ito ay matatamo sa hinaharap (sa Bema) kapag ang Cristiano ay nakatiis sa pagsubok ng buhay. It is based on merits at hindi lahat ay mayroon nito. Ang hindi makatiis ay walang putong ng buhay.
"Na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya." Sino ang tatanggap ng putong ng buhay? Ang mga umiibig sa Kaniya. Paano mo maipapakita ang pag-ibig? Sa pagtitiis. Alam kong ang iba sa inyo ay naranasan ng umibig. Gaya ni Jacob na ang pitong taong paglilingkod para kay Raquel ay tila linggo lamang, naranasan ninyong magtiis manligaw, bumisita gabi-gabi at manuyo kahit mahabang panahon. Ang pagtitiis ay demonstrasyon ng pag-ibig. Ganuon din sa espirituwal na buhay. Ang Cristianong nakatiis sa gitna ng pagsubok ay nagpapakita ng pag-ibig sa Panginoo at gagantimpalaan ng putong ng buhay. Ang Cristianong tumalikod dahil sa pag-uusig ay nagpapakita hindi niya mahal ang Panginoon, anupaman ang kaniyang sabihin. Hindi siya tatanggap ng putong ng buhay.
Bilang mga Cristiano, haharap tayo sa maraming pagsubok. Pagkakataon natin ito upang ipakita sa nagmamasid na unbelievers ang ating pag-ibig sa Diyos. Pagkakataon natin itong madebelop ang ating karakter, in partikular ay pagtitiis. Pagkakataon natin itong magkaroon ng inner peace. Pagkakataon natin itong magkaroon ng putong ng buhay.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment