Posts

Showing posts from January, 2025

Para sa inyong kaalaman, hindi madali

Image
  Kung ikaw ay tipikal na miyembro ng isang simbahan, pagdating mo sa simbahan, wala kang gagawin kundi maupo, makinig ng sermon o Bible studies, at umuwi. If you're lucky, baka may special number at makakarinig ka ng kanta. If you're very lucky, baka may meryenda pa dahil may kapatid na nagbertdey at naghanda sa simbahan.  Ang hindi mo nakita ay ang hours of preparation before ka dumating. Ang mga behind the scenes na paghahanda upang masigurong may sermon sa Linggo, may special number kung mayroon at kung may iba pang ganap. Hindi mo inabot ang pag-aayos ng mga upuan, ang paglilinis ng kapilya, pagseset-up ng audio kung mayroon, ang pagpraktis ng choir, ang pag-prepare ng materials sa Prep school atbp. And since most typical members ay late dumating pero maagang umuwi, hindi mo rin nakita ang pagliligpit ng mga gamit, pagwawalis ng mga kalat, pagtatanggal at paglaba ng kurtina atbp.  Lahat ito ay works of love upang pagdating mo, uupo ka na lang. Ang masaklap, many time...

Do I need to surrender all para magkaroon ng buhay na walang hanggan?

Image
  What do you mean by surrender? The Bible never used the word surrender to refer to eternal life. In fact, ang word na surrender ay once lang ginamit sa NT sa NASB (I did not check in other translations) and it is not a flattering one, 1 Cor 13:3.  Usually ang nagsasabi nito ay mga taong in one way or another ay nagtuturo ng works salvation. By this they mean na kailangan mong isuko ang iyong mga kasalanan at ibigay ang iyong sarili sa Diyos. This is commendable kung ang pinag-uusapan ay spiritual life. Pero kung ang free grace salvation, it nullifies grace, Gal 2:21; Rom 11:6.  Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya kay Cristo, Juan 3:16-18,36; 5:24: 6:47; 11:25-27; Gawa 16:31. Sa krus ng Kalbaryo sinurender ni Cristo ang Kaniyang sarili ("not My will but Thine") sa kalooban ng Diyos hanggang sa kamatayan. Sa krus binayaran Niya ang ating mga kasalanan upang ang mga ito ay hindi makahadlang sa taong nagnanais na lumapit ...

Liwanag sa daanan

Image
Madalas ilarawan ang espirituwal na pamumuhay sa pigura ng paglalakad. Sa ating pamumuhay o paglalakad, kailangan natin ng gabay na magtuturo sa atin kung paano mamuhay. Ayon sa Mang-aawit, ang gabay ay hindi ang ating emosyon, hindi ang ating pansariling karunungan, hindi ang ating kultura, kundi ang Salita ng Diyos. Sa dilim, ang una nating hinahanap kung ayaw nating madapa o madulas o mahulog sa butas o bangin ay ilaw. Ang ilaw ay nagbibigay sa atin ng liwanag upang maihakbang ang ating mga paa nang hindi natatakot na mahulog sa butas.  Ngunit maraming Cristianong namumuhay na hindi natatanglawan ng liwanag ng Salita. Marami ang walang sistematikong eksposyur sa Salita. Bihirang makipagtipon upang makinabang sa sistematikong eksposisyon ng Salita ng Diyos. Dahil dito, kapag dumating ang kapahamakan, wala silang resources na paghuhugutan ng tapang at lakas. Wala silang sagot sa mga pagsubok ng buhay.  Mayroon ding nag-aaral ng Salita ngunit hindi niya ito hinahayaang baguhin...

Kailangan ko bang parawarin ang aking kapwa upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?

Image
  Sa dami ng taong nagkasala sa akin, at sigurado akong mas marami ang bilang kung saan ako ay nagkasala sa kanila, good luck kung magawa kong patawarin silang lahat at kung kaya nilang lahat na patawarin ako. Kung ang pagkakaroon ng buhay na walang hanggan ay nakasalalay sa pagpapatawad sa ating kapwa, walang sinuman ang magkakaroon ng buhay na walang hanggan.  I don't want to be cynical but hindi parte ng human nature ang mag-forgive. Our natural inclination is to get even, even if only in our heads. I am sure marami ang makaka-relate how they right every injustice in their own imaginations, especially since it is not possible in the real world.  Kung ang pagpapatawad sa kapwa ang kailangan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, I am positive na wala kahit isang magkakamit nito. Even if someone is inclined to forgive anyone who injure him, it takes omniscience to know them all. Even if we forgive some of those who injure us, there will be others that will miss our ...

Isip Bata

Image
  Efeso 4:14 Upang tayo'y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian... 1 Corinto 13:11 Nang ako'y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata. Hebreo 5:13 Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol. Mahilig ako sa mga cute at malilinis na bata. Ang sarap at bango nilang kargahin at lamutakin. Hindi nakakasawang isayaw at buhatin sila.  Pero imagine-in mo if thirty years later ang batang iyong kinakarga ay nag-be-baby talk pa rin. Hindi naglalakad. Hindi makatayo mag-isa. At huwag namang mangyari, hindi marunong magkontrol ng pag-ihi at pagdumi.  Maintindihan mo siguro kung siya ay may karamdaman o ...

Kailangan ba ang sinless perfection para magkaroon ng buhay na walang hanggan?

Image
  Una sa lahat good luck in advance kung inaakala mong maaari mong abutin ang sinless perfection sa buhay na ito. Ikalawa, condolences, dahil kung iniisip mong ito ang paraan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, you will never have it.  Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang pananampalataya kay Cristo, Juan 3:16-18,36: 5:24; 6:47; Gawa 16:31. Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang pananampalataya kay Cristo, hindi ang sinless perfection. In the first place, deluded ang taong nag-aakalang maaabot niya ang sinless perfection sa kaniyang buhay. Ikalawa, deceived siya kung iniisip niyang ito ang kailangan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.  May mga banggit sa Biblia na nagsasabing ang mga Cristiano ay perfected forever gaya ng Hebreo 10:14 pero hindi sinless perfection ang issue dito. Ang issue ay ang nanampalataya kay Cristo ay ligtas kailan pa man kaya hindi niya kailangan ang Kautusan u...

Kailangan ko bang kamuhian ang aking pamilya upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?

Image
  Kailangan ko bang kamuhian ang aking pamilya upang maligtas?  May mga relihiyong nagtuturo nito kaya iniiwan nila ang kanilang pamilya, umakyat sa bundok, upang mahanap ang inaasam na kaligtasan.  May ilang tinuturo ang Lukas 14:26 bilang patunay na ikaw ay nangangailangang isuko ang mga relasyon sa laman upang magkaroon ng relasyon sa Diyos.  Tama ba ito? Short answer: mali.  Una sa lahat, ang turo ay sinabi sa mga taong nanampalataya na sa Kaniya. Tinuturo Niya sa kanila kung paano maging alagad, kung paano lumakad sa liwanag ng kanilang pinaniniwalaan. Hindi ito ibinigay sa mga hindi pa nanampalataya. Hindi ito ibinigay upang turuan ang mga hindi mananampalataya kung paano magkaroon ng buhay na walang hanggan.  Ikalawa, ang punto rito ay priority. For sure, tinuturo ng Biblia ang pagmamahal sa pamilya. Ang sinasabi lang dito ay ang pagmamahal natin sa Diyos ay dapat priority kaysa pagmamahal natin sa pamilya, to the point na nagmumukha na itong pagkamu...

It's all in the head

Image
  Napakaraming problema ang ating hinaharap sa buhay. Huwag na nating komplikaduhin sa pagdaragdag ng problema sa isipan.  Maraming mga problema na nasa ating isipan lamang at walang basis sa realidad ang unnecessarily na ating dinadala.  Why? Overthinking.  Nakakita lang tayo ng nagtatawanan at nagkukwentuhan, iisipin mong ikaw na ang pinag-uusapan at pinagtatawanan. Naka-overdrive na ang iyong isipan kung bakit at bakit ikaw. Hindi ka lang nabati. Overdrive na ang isipan. Bakit hindi ka pinansin? May nagawa ka bang mali? Anong ginawa mo para tratuhin kang ganito? Hindi ka lang naimbitahan sa isang ganap. Marahil dahil wala ka naman talagang kinalaman doon at na-misunderstood mo na iniitsa-pwera ka. After all kung hindi ka guro, bakit ka isasama? Dahil dito napapaisip ka kung bakit hindi ka na belong.  Kung minsan may nakikita tayong pangyayari na nagdadala ng takot. Sa halip na isuko ang takot na ito sa Panginoon, nauuna ka nang nag-i-imagine ng mga katakutan ...

Kailangan ko bang maging loyal sa isang lider upang makarating sa Langit?

Image
  Ang tanging Tao na tamang layon ng pananampalataya upang makarating sa Langit ay si Cristo. Anyone else is sheer idolatry.  And let's clarify, kung ang pinag-uusapan ay pagkakaroon ng buhay na walang hanggan at pagpasok sa Langit, ang kundisyon ay hindi loyalty (gaano man ito ka-desirable) but faith in Christ. Faith in Christ is the sole condition for eternal life. Loyalty is a condition for a God-glorifying discipleship. Ang tanging kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay pananampalataya kay Cristo, Juan 3:16-18, 36; 5:24; 6:47; 11:25-27; Gawa 16:31; Ef 2:8-9. Loyalty to Christ is important in discipleship,  and sana lahat ay mayroon  nito, but is not required in eternal life. May mga taong nanampalataya na hindi nag-develop ng loyalty. Ask Lot.  And for either eternal life and spiritual life, loyalty to a religious leader is not required. Our loyalty should be in Christ, and our loyalty to a minister begins and ends with his own loyalty to Ch...

Hindi masumpungan ang Diyos

Image
Kawikaan 1:28 Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan:29 Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon. Marahil napapatanong ka: "Cristiano ako, bakit ako dumaraan sa ganitong mga pagsubok? Asan ka Diyos?" Sa Kawikaan 1 makikita natin ang napakagandang introduksiyon sa buong aklat. Dito nilarawan ang karunungan ng Diyos bilang isang babaeng nanawagan sa lahat ng tao sa lahat ng dako. Tawagin natin siyang Lady Wisdom. Ang masaklap, may mga taong anumang tawag niya ay hindi sumasagot.  Dahil dito sinabi niyang ang mga ito ay aabutin ng kapahamakan. Mahaharap sila sa mga problema ng buhay. Hahanap sila sa mga sama ng loob.  At sa araw na iyon, tumawag man ang tumakwil sa karunungan, walang sasagot. Hindi niya masumpungan ang Diyos at Kaniyang karunungan.  It makes sense hindi ba? Ayaw mo makinig sa Salita ng Diyos. Nasa simbahan ka ng...

Ako Ay Isang Bantay

Image
  Ezekiel 33:6 Nguni't kung makita ng bantay na dumarating ang tabak, at hindi humihip ng pakakak, at ang bayan ay hindi napagbigyang alam, at ang tabak ay dumating, at maghiwalay ng sinoman mula sa gitna nila; siya'y nahiwalay sa kaniyang kasamaan, nguni't ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa kamay ng bantay. Ako ay isang bantay. Trabaho ko ang magbigay ng babala sa kongregasyon upang maiwasan nila ang kamatayang dala ng kasalanan, San 1:15. Tungkulin kong ituro sa kanila ang buong panukala ng Diyos upang kanila itong matupad at hindi dalhin ng kasalanan sa kamatayan.  Ako ay isang bantay. Nakasalalay sa agarang pagbabalita ang kaligtasan ng aking binabantayan. Kung sila ay makikinig sa babala, matatamo nila ang kapunuan ng buhay.  Ako ay isangg bantay. Ang aking trabaho ay magbabala. Ang obligasyong makinig ay nasa mga tao. Gustuhin ko mang pilitin silang makinig, wala akong magagawa kung ayaw nila.  Ako ay isang bantay. Alam kong hindi popyular ang aking posisyu...

Kailangan ko bang maglingkod sa simbahan para umakyat sa Langit

Image
  Dapat tayong maglingkod sa Diyos. Pero hindi para sa kaligtasan.  Linawin muna nating ang kaligtasan ay biyaya mula sa Diyos na ating tinanggap sa pamamagitan ng pananampalataya, hiwalay sa mga gawa, Ef 2:8-9; Rom 3:24-25; Tito 3:5. Ang tanging kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan, Juan 3:16-18, 36; 5:24; 6:47; Gawa 16:31. Kung ang tao ay manampalataya kay Jesus ngayon, ngayon mismo ay mayroon siyang buhay na walang hanggan, maglingkod man siya o hindi.  Kung hindi naman kailangan ang paglilingkod upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, bakit kailangan pang maglingkod?  Una sa lahat, tayo ay mga bagong nilalang sa layuning lumakad sa mabubuting gawa, Ef 2:10. Kung hindi tayo maglilingkod sa Diyos, hindi natin matutupad ang ating layunin. Para tayong isang gamit na nasa isang tabi at hindi nagagamit.  Tayo ay tinawag upang maglingkod, hindi upang maligtas kundi bilang bunga ng ating ...

Kailangan ko ba ng works para magkaroon ng buhay na walang hanggan?

Image
  Ito ang sinasabi ng Kasulatan: Efeso 2:8 Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;9 HINDI SA PAMAMAGITAN NG MGA GAWA, upang ang sinoman ay huwag magmapuri. Roma 3:27 Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito'y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya.28 Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya na HIWALAY SA MGA GAWA ng kautusan. Galatia 2:16 Bagama't naaalaman na ang tao ay hindi inaaring-ganap sa mga gawang ayon sa kautusan, maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at HINDI DAHIL SA MGA GAWANG ayon sa kautusan: sapagka't sa mga GAWANG ayon sa kautusan ay HINDI aariing-ganap ang sinomang laman. Tito 3:5 Na HINDI DAHIL ...

Kambing ang mga Cristiano

Image
  "Ang mga Cristiano ay kambing," sabi ng diakono namin sa Amoguis.  "Bakit," biro ko, "may anghit?"  Tumawa siya, "Kapag umuulan, ayaw magsimba. Ayaw mabasa ng tubig." I wish joke lang ito. Actual na conversation ito.  These Christians are the same Christians na kahit maulan ay hindi mapipigilang pumasok sa eskwelahan, hindi mapipigil pumasok sa trabaho, hindi mapipigil na mag-deliver ng kalakal, makiinuman o maki-transaction ng project.  Bakit kaya?  Bakit mas priority ang school, ang work, ang business, ang bisyo? Siguro dahil hindi priority ang simbahan. Priority ang school, ang work, ang business at ang bisyo. Pero hindi ang simbahan. Obserbasyon ko lang na kapag priority ng isang tao ang isang bagay, gagawa at gagawa siya ng paraan at maglalaan ng oras para rito.  Siguro dahil walang takot sa Panginoon. Walang healthy na takot sa Diyos. Ang malusog na takot sa Diyos ang magtutulak sa isang tao na ipaglingkod ang kaniyang buhay. Takot sa tea...

Kailangan ko bang makatiis hanggang katapusan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?

Image
  Likas sa tao ang gumawa. Iyan ang ating basic nature. We get what we work for. At naiinis tayo sa mga taong hanggang simula lang pero hindi nakakatapos. And this is good kung ang pag-uusapan ay ang buhay na ito. Definitely ayaw nating mag-create ng dependency and co-dependency.  Pero napapamali tayo kapag dinala natin ang attitude na ito sa espirituwal na kaligtasan. Napapamali tayo kung iniisip nating kailangan natin ang perseverance till the end upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.  Ang Biblia ay malinaw na ang buhay na walang hanggan ay nakakundisyon sa pananampalataya lamang kay Cristo lamang, Juan 3:16-18, 36; 5:25; 6:47; Gawa 13:39; 16:31; Ef 2:8-9; Tito 3:5 at marami pang iba. Ang sinumang nanampalataya ay mayroong buhay na walang hanggan, makatiis man siya sa katapusan o hindi.  Tanungin ninyo si Samson o Jefte na napabilang pa sa bulwagan ng pananampalataya sa Hebreo 11. O si Lot. Walang nagbabasa ng Genesis ang iisiping matuwid si Lot. Pero sabi ni...

Divine Algebra

Image
2 Pedro 1:5 Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang kaalama... 11 Sapagka't sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo. Isa sa pinakamagandang blog na nabasa ko ay sinulat ni Kenneth Yates. Tungkol ito sa gantimpalang matatamo ng mananampalatayang hinayaang lumago ang kaniyang pananampalataya. Sa halip na maging kagaya ng ilan na balewala lang ang pananampalataya, dito ang mananampalataya ay sinabihan ni Pedro na magdagdag ng kagalingan, kaalaman, atbp. Sa parte ng Diyos, Siya ay magdaragdag ng masaganang pagpasok sa kaharian, samakatuwid hindi lamang papasok ang mananampalataya sa kaharian kundi siya ay magtatamo ng gantimpala, kasama na ang paghahari dito. Matatagpuan ang blog dito: https://faithalone.org/blog/a-mathematical-equation/ Nagpaalala sa akin ito ng Mateo 19. Marah...

Hubarin mo na- hinubad ko na noon pa

Image
  Strictly speaking sa Ephesians 4:22-24, hindi inutos ni Pablo na hubarin ng mga taga-Efeso ang kanilang lumang pagkatao at isuot ang kanilang bagong pagkatao. Instead sinabi niyang hinubad na nila ang lumang pagkatao at naisuot na ang bagong pagkatao noon pa- nang sila ay manampalataya kay Cristo.  Ang Efeso ay roughly mahahati sa dalawang bahagi- doctrinal portions sa Efeso 1-3 at practical portions sa Efeso 4-6. Sa liwanag ng ating posisyun kay Cristo (Efeso 1-3), nanawagan si Pablo na lumakad sa liwanag nito.  Sa kabanata 4, nanawagan siyang panatilihin nila ang pagkakaisa ng Espiritu at magagawa ito sa tulong ng paglagong s-in-upply ng mga pastor-guro.  Sa v17-19, nagbigay siya ng negatibong halimbawa ng pamumuhay. Una kong napag-aralan ang mga verses na ito sa paksang reversionism.  Sa v20 sinabi na hindi nila natutunan si Cristo sa ganitong paraan- kadiliman. Sa v21-24 sinabi niya kung paano nila natutunan si Cristo.  Sa v22, tinuruan sila na nang m...

Kailangan ko bang mabautismuhan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?

Image
  Kailangan ba ng isang taong mabautismuhan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?  Ang maikli at diretsang sagot ay hindi. Hindi mo kailangang mabautismuhan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang tanging kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo, Juan 3:16-18, 36; 5:24; 6:47; Gawa 16:31. Ang sinumang nanampalataya kay Cristo ay may buhay na walang hanggan, mabautismuhan man siya o hindi. Ang tulisan na pinakong kasama ni Cristo sa krus ay pinangakuang ngayon din ay kasama siya sa Paraiso kahit hindi siya nabautismuhan.  Nangangahulugan ba itong hindi mahalaga ang bautismo? Mahalaga ang bautismo bilang hakbang mg pagsunod bilang alagad, hindi upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sa Bagong Tipan ang mga nanampalataya kay Cristo ay binautismuhan. Makikita natin ang halimbawa ni Cornelio na binautismuhan MATAPOS niyang manampalataya at maligtas, ni Lydia at ng kaniyang sambahayan, ng Philippian jailer at kaniyang sa...