Come let us talk
Come let us reason together – Yahweh
Isaiah 1:18
[18]”Come now, and let us reason together,” Says the Lord, “Though your sins are as scarlet, They will be as white as snow; Though they are red like crimson, They will be like wool.
Ang susi sa isang matatag na samahan ay komunikasyon. Anumang relasyon kung saan ang mga partido sa relasyong iyan ay nag-uusap, ay magtatagal. Sa ating pasahe, nananawagan si Yahweh sa bansang Israel na makipagpulong, makipagkatuwiran sa Kaniya. Gaano man kalayo ang bansang Israel sa kanilang relasyon sa Diyos, maaayos ang relasyong iyan kapag ang linya ng komunikasyon ay bukas.
Sa sandaling ang linya ng komunikasyon ay naputol o kaya ay naging one-sided, ang relasyong iyan ay nasa daan ng kamatayan. Hindi magtatagal ang relasyong iyan at kung manatili man, ito ay maraming lamat na tutulo sa unang patak ng pagsubok.
Ang makahulugang relasyon ay makukuha lamang kapag nag-uusap ang mga partido sa relasyon. Hindi ito mapapalitan ng pagbili ng pakwan o ng t-shirt. Ang relasyong nabuo sa suhol ay hindi titindig. Makatarungan sa isang taong magduda sa sinumang binibili ang kaniyang atensiyon at apeksiyon sa pamamagitan ng mga regalo. To my knowledge ang tanging gumagawa nito ay masasamang tao- mga iskamer, rapists at pulitiko (sorry I can’t resist).
Ang isa sa pinakamalaking blessing ay maupo katabi ng kaibigan at magkwentuhan. Magbahagian ng karanasan, kuro-kuro at pangarap. Kung paanong ang bakal ay pinatatalas ng kapwa bakal, maraming plano at balak ang pinabuti ng masinsinang usapan, pagpapalitan ng suhestiyon at kontra-suhestiyon at pagbibigay ng konstruktibong kristisismo. Ang usapang one-sided, kung saan ang isang partido ay walang balak makinig kundi magbigay lang ng kaniyang gusto, at nag-aalburuto kapag hindi nasunod, ay hindi malusog na komunikasyon. Siya ay nagpapaalingawngaw lang sa kaniyang silid.
Huwag kang umasa na magkakaroon ng loyalty at ng relasyon kung ang konsepto mo ng pakikipaglapit ay magbigay ng materyal na bagay sa halip na makipag-usap.
Sa masining na komunikasyon, binubuksan ng tao ang kaniyang sarili sa iba. Ibinabahagi niya ang kaniyanh kaluluwa sapagkat ang kaluluwa o puso ay makikita sa lumalabas sa bibig. Dahil sa ang komunikasyon ay nag-iiwan sa isang tao na vulnerable, kailangang makuha muna ang tiwala ng kausap bago magbukas ng kaniyang sarili. Hindi mabubuksan ng pakwan o t-shirt ang puso ng isang tao.
So paano magsimula ng komunikasyon? Maupo at makinig na may layong makaunawa at hindi tumugon. Maraming komunikasyon ang walang pinagkaiba sa pakikipag-usap sa loro; nakikipag-usap lang sa mga taong uulitin ang nais niyang marinig. Walang tapatang pakikipagtalastasan, tanging palitan ng tunog na hindi nagmumula sa puso. Ang awtentikong pakikipag-usap ay nangangahulugan ng posibilidad ng pagtakwil sa pinakaiingatang ideya; ang marunong na tao ay sisiyasatin kung bakit. Sa ganitong paraan mapagtitibay ang ideya at higit sa lahat mapagtitibay ang relasyon.
Ang mga bata ay nasusuhulan ng kendi at laruan. Ang mga nag-iisip a matanda ay hindi. Nakukuha ang loob ng mga matatanda sa pamamagitan ng pagtatag ng poste ng komunikasyon. Huwag nating insultuhin ang karunungan ng matatanda sa pagtrato sa kanila bilang mga bata.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment