Mangdarayang mga labi



Kawikaan 17:7 Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang: lalo na ang magdarayang mga labi, sa isang pangulo.

May dahilan kung bakit sumusunod tayo sa isang tao. May kakayahan siyang ipahayag ang ating saloobin at pangunahan tayo sa pagtupad ng mga ito. Kaya malaking disappointment kapag ang lider na ating sinunod ay sinungaling at walang disposisyun. 

Ayon sa Marunong, ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang. Sapagkat maaari niyang maikalat ang kaniyang kamangmangan sa mas maraming tao. Ang dapat sa kaniya ay manahimik. Nakakaawa ang mga taong nadala ng matamis na pananalita ng isang mangmang. 

Ilang tao ang kilala ninyong nadala ng pananalita ng isang iskamer? Ang laking kalugihan sa parte ng nauto hindi ba? Imagine ninyo ang mas malaking kalugihan ng mga nadala ng huwad na guro o mangmang na pinuno. May kilala ba kayong nadala ng mga pinunong mangmang pero magaling sa retorika? Hindi ba't hindi maganda ang katapusan ng mga ito?

Sa isang banda, hindi rin maganda ang magdarayang labi sa isang pinuno. Bilang taong may malawak na impluwensiya sa iba (remember leadership equals influence, the ability to make others obey), ang pagkakaroon ng magdarayang bibig ay isang disappointment. On the most basic level, kung ang pinuno ay nagsinungaling sa isang bagay, how sure are you na hindi siya nagsinungaling sa ibang bagay? Or worse how sure are you na hindi niya ito uulitin? Alin ang totoo at alin ang kasinungalingan?

On another level, kapag ang pinuno ay nagtuturo ng pandaraya (lies), whether alam niya o hindi (maaaring nalinlang din siya ng ibang lider na kaniya ring ginagalang), ang mga tagasunod niya ay mamumuhay din sa kasinungalingan. Maraming miyembro ng kulto ang nalinlang ng mga sinserong lider na nalinlang din ng iba. Ang namumuhay sa pandaraya ay hindi makapamumuhay sa katuwiran. 

May dahilan kung bakit may requirement sa isang elder. Kaya siya tinawag na matanda dahil may assumption na siya ang pinaka- mature sa grupo at ang mga miyembro ay makikinabang. Ang ordinaryong miyembro pag nagkamali ay ipapahamak lamang ang kaniyang sarili, o marahil isa o dalawang kaibigan. Ngunit kapag ang pinuno ang nagkamali, isang buong grupo ang kaniyang dala. Remember with great power comes great responsibility. Ang mga lider ay nangangailangan ng mas malaking kontrol sa bibig kaysa ordinaryong miyembro. 

May mga bagay na nararapat at ang pagiging sinungaling ay hindi nararapat sa isang lider. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?