Can a believer blaspheme?



1 Timoteo 1:19 Na ingatan mo ang pananampalataya at ang mabuting budhi; na nang ito'y itakuwil ng iba sa kanila ay nangabagbag tungkol sa pananampalataya:20 Na sa mga ito'y si Himeneo at si Alejandro; na sila'y aking ibinigay kay Satanas, upang sila'y maturuang huwag mamusong.


Can a believer blaspheme? The most straight forward answer of both the Scriptures and experience is yes, believers can blaspheme God. And they're very good at it. 

Sa 1 Timoteo 1, mayroon tayong halimbawa ng mga mananampalataya na namumusong o nag-blasphemy. 

Sa v18 pinaalalahanan ni Pablo ang kaniyang protege na si Timoteo na makibaka ng mabuting pakikibaka sa liwanag ng mga hula patungkol sa kaniya. Paano? Sa v19, tinuro kung paano. "Sa pamamagitan ng pag-iingat ng pananampalataya at mabuting budhi." Samakatuwid ang mananampalatayang hindi nag-iingat ng pananampalataya (doktrina) at may masamang budhi ay hindi nakikibaka nv mabuting pakikibaka ng pananampalataya. 

Maaari bang gawin ng isang mananampalataya ang hindi pag-iingat ng pananampalataya at pagkakaroon ng mabuting budhi? Ayon kay Pablo, oo. Sa v19 sinabi niyang maraming nangabagabag sa pananampalataya. Samakatuwid maraming mananampalataya ang "nalubog" sa kanilang pananampalataya. Maraming Cristiano ang maituturing sa isang barko na nagsimula nang mabuting paglalayag ngunit sa gitna ng pamumuhay Cristiano ay hindi nagpatuloy. Samakatuwid sila ay "nabagabag" o "lumubog" (shipwrecked) sa pananampalataya. Nang ang kanilang barko ay nakaharap ng problema, hindi nila ito kinaya at nabutas ang kanilang barko at nawasak. 

Sa v20 pinangalanan niya ang ilan sa mga ito. Dalawa sa mga ito ay si Himeneo at Alejandro. Kung ang Himeneo na ito ay pareho ng 2 Tim 2:17, at malamang ay oo, si Himeneo ay nagtuturo ng maling doktrina. Nagtuturo siya ng maling aral na naganap na ang pagkabuhay na maguli na nakabagabag sa pananampalataya ng iba. Sa 1 Tim 1:20, si Himeneo, na isang guro, at si Alejandro, na malamang ay isang guro din, ay binilang sa mga nabagabag sa pananampalataya o na-shipwrecked. Lumalabas na ang partikular na iceberg na kanilang kinalubugan ay maling aral patungkol sa eskatolohiya. 

Dahil sila ay binilang sa mga nabagabag sa pananampalataya ng v19 at sa 2 Tim 2:17 ay binanggit na nagturo ng maling doktrinang eskatolohikal, malinaw na maaaring mamusong ang mananampalataya nang sabihin sa v20 "upang sila'y maturuang huwag mamusong." Ang ideya ay namumusong sila at kaya sila ibinigay kay Satanas ay upang huwag nila itong gawin. Dahil sa ang mga hindi mananampalataya ay dati nang na kay Satanas, maibibigay lang ni Pablo kay Satanas ang hindi kaniya; samakatuwid si Himeneo at Alejandro ay mananampalataya. Hindi ito ang nag-iisang beses na binigay ni Pablo ang isang mananampalataya kay Satanas. Ginawa niya rin ito sa 1 Cor 5:5. Gaya nang sa 1 Tim 1:20, ang rason ay disiplina. Sa Corinto ang nakiapid sa asawa ng kaniyang ama ay wawasakin ang katawan pero ligtas ang espiritu. Sa 1 Tim 1:20 upang huwag silang (tumigil na sa) mamusong. 

Samakatuwid, namumusong o nagba-blaspheme ba ang mga Cristiano? Ang sagot ay oo ayon kay Pablo at pinangalanan niya pa ang dalawa sa mga ito. Ang nagtuturong hindi maaaring mamusong ang isang Cristiano ay napapamali at nalilinlang. 

Bukod kay Himeneo at Alejandro, marami pang halimbawa ng mga namusong na mananampalataya. Si Pedro, si Lot at kaniyang asawa, si Moises, si Aaron, si Miriam, asawa ni Job, si Tomas, si Pablo at ang mga disipulo sa panahon ng bagyo sa dagat ay halimbawa ng iba pang mananampalatayang namusong o nag-blasphemy sa Diyos at one point or another. 

Blasphemy is insulting God. It is not just saying bad things about God but ascribing sins to God, making God say something He doesn't (making Him a liar) or taking the divine and treat it like a profane thing. 

When we say that God loves only a few, a select few, that is blasphemy. Ginagawa natin Siyang less loving ang partial and arbitrary. At napakaraming mananampalataya, ang iba ay guro pa, na nagtuturong ang Diyos ay may pinili lang na iligtas at namatay si Cristo para lang sa mga ito. That is attacking God's character. Attacking both His love and His justice. 

Kapag sinabi nating pinangako ng Diyos na pagyayamanin ang lahat ng mananampalataya ngayon, that is blasphemy. We are making Him say something He doesn't so kapag hindi nangyari, lalabas na Siya ay sinungaling. Same thing with physical healing in the atonement views. 

Kapag in-ascribe natin sa Diyos ang isang kasalanan, that is blasphemy. Ilang preacher ang nagtuturong God micromanage everything including sin? Dahil sa paglakad sa laman, nagkagulo sa simbahan (James 4), how is it not blasphemous to say God wills it? 

Bukod diya, ang ating experience ay nagsasabing maraming believers ang blasphemers. Ilang Cristiano ang in the heat of the moment ay sinisi ang Diyos sa kanilang mga pinagdaanan? Sabihin na nating they didn't mean it, later on kinumpisal nila ang mga ito, it does not erase the fact that believers can blaspheme the moment they give in to emotions. 

Ilang Cristianong in-ascribe sa Diyos ang kasalanan ng tao? They may not mean it, pero kapag sinabi mong may plano ang Diyos kaya na-rape ang iyong anak na babae o nakapatay ang iyong anak na lalaki, that is blasphemy. The truth is we have free will so if we have to blame something, blame the human nature. 

Ang pinakamalaking blasphemer sa Christianity ay mga false teachers. By misrepresenting God and His truth, they are blaspheming. You're not ascribing to God the worth due His name at ibinababa mo Siya sa gods of your own making. 

In summary maaari bang nag-blasphemy ang mga tunay na mananampalataya? Ang sagot ay oo. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?