Dukhang May Damit na Hamak

 

Santiago 2:1 Mga kapatid ko, yayamang mayroon kayong pananampalataya ng ating Panginoong Jesucristo, na Panginoon ng kaluwalhatian ay huwag magtatangi sa mga tao.2 Sapagka't kung may pumapasok sa inyong sinagoga ang isang tao na may singsing na ginto, at may magandang kasuotan, at may pumapasok namang isang dukha na may damit na hamak;3 At inyong itangi ang may suot na damit na maganda, at inyong sabihin, Maupo ka rito sa dakong mabuti; at sa dukha ay inyong sabihin, Tumayo ka riyan, o maupo ka sa ibaba ng aking tungtungan;4 Hindi baga kayo'y nagtatangi sa inyong sarili, at nagiging mga hukom na may masasamang pagiisip?

Tinuligsa ni Santiago ang mga kapatid na nagtatangi dahil sa damit. Binibigyan nila ng mauupuang "dakong mabuti" ang kapatid na mayaman; samantalang ang kapatid na dukhang may damit na hamak" ay pinatatayo sa gilid o pinauupo sa ibaba ng patungan ng paa. This is terrible and inconsistent with the faith of Jesus Christ. 

But you know what, in some ways they are better than modern teachers. Dahil may modern teachers na ni hindi sila papapasukin because they are not dressed right. 

At least ang mga believers na sinulatan ni Santiago ay pinapasok sila sa katipunan. May mga guro ngayon na babawalan silang pumasok.

Mahirap paniwalaan na ang dahilan kung bakit pinagbabawal ng mga lider Cristiano ang pagsimba ng mga Cristianong hamak ang kasuotan ay upang makuha ang pakikipagkaibigan ng sanlibutan, isang bagay na pinagbabawal ni Santiago (Santiago 4:1ss). 

The reasoning goes like this: ang mga teacher at sundalo ay ginagalang ng sanlibutan dahil sa kanilang uniporme. Nakikilala sila ng lahat dahil sa kakaiba nilang kasuotan. Ang kasuotan ay tanda ng kanilang posisyun. Therefore, kung ang mga Cristiano ay nakasuot din ng magagarang damit, igagalang din sila ng sanlibutan. Mas pakikinggan sila at irerrespeto. Makikilala ng sanlibutan ang kanilang pagka-Cristiano dahil sila ay may kakaibang Kasuotan. 

Hindi ko alam kung ako ay maiiyak o matatawa sa reasoning na ito. 

Una sa lahat, hindi natin obligasyon na kuni ang paggalang o pakikipagkaibigan ng sanlibutan. In fact, if the world accepts you as one of its own, I have reason to believe you are a compromiser. Malinaw na hinula ni Cristo na kung ang Panginoon ay tinakwil ng sanlibutan, paano pa kaya ang Kaniyang mga utusan? So don't worry kung hindi ka pakinggan ng sanlibutan. 

Ikalawa, may binigay ng tanda si Jesus kung paano makikilala ang mga Cristiano. Hindi ito sa pamamagitan ng pagsuot ng partikular na damit o ng brooch o kung ano pa mang visible na tanda kundi ang hindi nakikitang pag-ibig, Juan 13:34-35. Malalaman ng sanlibutan na tayo ay alagad ni Jesus kung makita ang pag-iibigan sa ating magkakapatid. Kung matatanggap ng naka-barong at sapatos na itim ang kapatid na naka-shorts at sando lang, ang sanlibutan ay magsasabing iyan ang tunay na Cristiano. 

Huwag nating gawing tanga ang sanlibutan. Minamasdan nila tayo hindi sa ating mga damit kundi sa ating mga gawi. Hindi nila makita ang ating pananampalataya kaya hinahatulan nila tayo sa ating mga gawa at sa ating mga ugali. Kahit pa naka-barong ka kung ang ugali mo ay hindi maka-Diyos, kung ikaw ay mapanghusga sa halip na mabiyaya, I don't think makukumbinse mo ang sanlibutan sa katotohanan ng iyong mensahe. Walang barong na papalit sa testimonyo ng spiritual life. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?