Being a Berean
Gawa 17:11 Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica, sapagka't tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito.
Let's be honest. Most Christians don't care what is being taught in the pulpit. Para sa marami, ang pagpunta sa simbahan kada Linggo ay isang kahon na dapat tsek-an sa religious checklist. Kaunting kanta, kaunting panalangin, ilang minutong sermon, benediksiyon, tapos na ang obligasyon at balik sa susunod na Linggo upang ulitin ang siklo. Marami ang ni hindi magtataas ng kilay kapag ang sermon ngayong Linggo ay kabaligtaran ng sermon noong nakaraang Linggo. That is a serious accusation, but I believe it is true.
"Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica." Earlier, tinaboy ng mga naninibughong Judio si Pablo paalis ng Tesalonika. Tinakwil nila si Cristo at ang mga Cristiano ay nakikita bilang taksil sa Judaismo. Tumakas si Pablo sa Berea at dito nakasumpong ng mga taong bukas sa Salita ng Diyos.
"Sapagka't tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap." Bakit mas marangal ang mga taga-Berea kaysa Tesalonika? Dahil tinanggap nila ang Salita. At hindi lang basta tinanggap, tinanggap nang may pagsisikap. Hindi napilitan. O nang may katamaran kundi nang may pagsisikap. Samakatuwid, eager silang matuto. Sana ganito ang mga believers, may sense of urgency at excitement na matutunan ang Salita ng Diyos.
"At sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito." Hindi lamang sila excited na matuto, they take the extra step of verifying if it is true. Hindi sa wala silang tiwala kay Pablo, kundi even the best of us ay prone to mistake and error kaya sinisiyasat nila kung totoo o hindi ang turo ni Pablo. This means that they take the initiative to verify if Biblical ang turo ni Pablo. Since nasa proseso pa lang ng pagsulat ang mga NT epistles, this means the Bereans checked the OT. This means effort. And they do it daily. Contrast this with believers na nagagawang magsimba nang hindi man lang nagbukas kahit minsan ng Biblia. They just take as true kung ano ang ituro sa pulpito and that is why they are easy to be deceived by wrong teaching. If only gayahin ng mga modern Christians ang mga taga-Berea.
There is reason to believe that the Bereans are unbelievers at this point and only after checking the truthfulness of the message did they believe. If the unbelievers can do this, why not believers? Maraming unbelievers ang nagsisiyasat ng iba't ibang relihiyon, trying to find the truth. Nakalulungkot na ang mga believers na alam ang katotohanan does not have this nobility. For some reason, they park their brains when they believed. This is a tragedy.
Maging mapanuri. Search and verify. That is the only way to guard against false teaching.
Comments
Post a Comment