Righteousness first before service
Mateo 5:23 Kaya't kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at doo'y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo,24 Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain.
Do not put the cart before the horse. Bago tayo makapaglilingkod sa Diyos, kailangan muna natin ang katuwiran. Hindi matatakpan ng offering o donation (o anumang uri ng services) ang kawalan ng practical righteousness, lalo kung ito ay laban sa kapatid.
Ang Sermon on the Mount ay binigay sa mga Judio upang gumabay sa kanilang pamumuhay sa liwanag ng nalalapit na pagdating ng Kaharian. Bagama't ang kaharian ay postponed at namumuhay tayo sa liwanag ng grace teaching ng NT epistles, may mga prinsipyo sa Sermon na ito ang aplikable sa ating panahon.
Sa v23-24, may halimbawa tayo ng isang maghahandog sa Diyos. Kung palabasa kayo ng OT, alam ninyong ang offering ay hindi mumurahin. Mga hayop ang kanilang hinahandog at sa panahon natin ngayon, napakamahal ng mga ito. Ngunit kung maalala mo raw na kaalitan mo ang iyong kapatid, gaano man kamahal ng iyong handog, iwan mo iyan (sana abutan mo pa at hindi madekwat ng iba) at makipagkasundo ka muna. Tanging pagkatapos ninyong magkasundo, saka ka maghandog ng iyong hain.
Bakit?
Sapagkat ang personal practical righteousness ay mas mahalaga kaysa iyong handog. Hindi matatakpan ng offering o service ang banal at tahimik na pamumuhay.
Kung sana naiisip ito ng mga Cristiano ngayon.
Siguro mas tahimik at mapayapa ang ating mga simbahan.
May mga Cristianong may taglay na alitan, may mga tago-tagong galit na matanda pa kay Mahoma, na may tagong isyu, ang tahimik na binabaon ang isyu laban sa kapatid, sa halip na harapin ito at makipagkasundo. Ginagamit nila ang paglilingkod o pag-aabuloy bilang pantakip sa umaalingasaw na galit na ito.
Ang resulta? Mapayapa at tahimik (umano) na ibabaw habang kumukulo sa loob. Dahil hindi nasagot ang isyu, tila siya baradong kanal na kaunting buhos ng tubig agad umaapaw at kawawa ang abutan ng baha. Kaunting isyu lamang (at madalas siya lang naman ang may isyu), at sumasambulat ang galit. Operation reaction sa halip na response.
Ang dahilan kung bakit magagalitin ang mga tao ay may unresolved issue na takot harapin.
Naghahandog (nagtuturo ng Biblia, nageebanghelyo, nagpapastor, isuksok mo ang anumang paboritong church services) ngunit nalimutang makipagkasundo sa kapatid. Dahil sa unresolved ang issue sa kapatid (na maaaring wala namang issue sa kaniya), kaunting perceived offense sa kapatid ay nagreresulta sa emotional outburst. Nadadamay ang mga sibilyan.
Mahalaga ang personal righteousness bago ang public services. Kung may personal issues na dapat ayusin, ayusin muna bago ka maglingkod. Otherwise, hindi mo maibibigay ang 100% at hindi fair sa kongregasyon ang sub-100% service.
Hindi lamang ito ideal, ito rin ay pragmatic. Sa v25, isang praktikal na resulta ng practical righteousness ay maiiwasan mo ang magkaroon ng legal problems. Maraming away legal ang nagsimula sa maliit, natipon at nagtapos sa demandahan. Ini-expect natin ito sa mga unbelievers ngunit huwag nawang masumpungan sa mga believers. Sabi nga ni Paul, tayo ang hahatol sa mga anghel, hindi ba natin mahatulan ang mga bagay na kagaya nito sa loob ng simbahan. Kailangan ba talagang hiyain natin ang simbahan sa harap ng sanlibutan?
Righteousness first. Service is the outgrowth of practical righteousness.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment