The Power of The Ordinary Member



1 Samuel 12:23 Saka sa ganang akin, malayo nawang sa akin na ako'y magkasala laban sa Panginoon sa paglilikat ng pananalangin dahil sa inyo: kundi ituturo ko sa inyo ang mabuti at matuwid na daan.

Bagama't pinasa ni Samuel ang sibil na kapangyarihan kay Saul, nangako siyang hindi siya magkukulang sa pananalangin sa mga Israelita. Ayon sa kaniya, ang makalimutang ipanalangin ang Israel ay isang pagkakasala laban kay Yahweh. 

Mga kapatid, bumaba ako sa pagtuturo at pamumuno upang mapag-isa ang ating simbahan, patayin ang balitang gusto kong agawin ang Dahat at in general upang masilensiyo ang aking mga kritiko. Hindi ito nangangahulugang titigil ako sa aking paglilingkod. Ang pagkakaiba lang ay sa halip na nasa likod ng pulpito, ang aking paglilingkod ay sa harapan nito, kasama ng mga nakaupo sa pew. Pinauso ko sa Dahat ang #thepoweroftheordinarymember at oras na para isapamuhay ito. Ako ay isang ganap na ordinaryong member na mauupo at makikinig sa sermon upang i-apply ito in daily life. 

Gaya ni Samuel, hindi ako titigil sa paglilingkod sa simbahan. Mananatili akong miyembro ng PCBC (until palayasin ako ng simbahan, lol). Ako at ang aking pamilya ay mananatiling members of good standing. 

Lagi kong tinuturo ang kahalagahan ng pamumuhay espirituwal sa gitna ng komunidad ng pananampalataya. Hindi ko ito babaguhin just because hindi ako lider. Buo ang paniniwala ko rito at kahit ordinary member, isasapamuhay ko ito. Hindi ko palulubugin ang barko just because I am not the captain. 

Ang 2025 ay exciting. Tingnan natin kung saan ito tutungo. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?