Tularan ang pamumuhay ng pinuno
Hebreo 13:7 Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios; at sa pagdidilidili ng wakas ng kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya.
Dahil sa ang ministro ang pinakamaimpluwensiyang miyembro ng simbahan, mahalagang siya ay magbigay ng mabuting halimbawa. Ang mga miyembro ay inaasahang titingin sa kaniya bilang modelong dapat tularan.
"Alalahanin ninyo." Ang salitang alalahanin ay tumutukoy hindi lamang sa kognitibong gawain ng pag-alala ng impormasyon kundi ang pag-alala mg impormasyon na may pagnanais na gamitin ang impormasyong ito. Inuutusan silang alalahanin ang kanilang mga pinuno sa isang dahilan- ang tularan ang kanilang pamumuhay.
"Ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo." Inutusan ng may-akda ng Hebreo ang kaniyang mga kapatid sa pananampalatayang alalahanin ang mga pinuno ng simbahan. Ang mga ito ang katiwala sa kaluluwa ng mananampalataya. Nakalulungkot na ito ay isang thankless job. Ang pag-alala sa mga ministro ay magbibigay sa kanila ng encouragement.
"Na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios." Sino ang nagpupuno sa mga Cristiano? Paano niya pamumunuan ang mga Cristiano? Sa pamamagitan nh pagtuturo ng Salita ng Diyos. Ang pinuno ay pinuno hindi dahil sa siya ay karismatiko o may estadong sosyal o pinansiyal kundi dahil siya ay nagtuturo ng Salita ng Diyos. Hindi niya trabaho ang pakialaman ang personal na buhay ng mga Cristiano kundi ang magturo ng Salita ng Diyos upang ang mga Cristiano ay makapamuhay sa liwanag nito. Labas sa Salita ng Diyos, walang awtoridad ang ministro sa kaniyang miyembro.
"At sa pagdidilidili ng wakas ng kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya." Ang mga ministro ang buhay na aplikasyon ng kaniyang ministri. Sa kaniya una dapat makita ang aplikasyon ng kaniyang doktrina. Ang pananampalataya ay dapat makitang buhay sa kaniyang halimbawa. Paano makapamumuhay sa katotohanan ang kaniyang miyembro kung siya ay sinungaling? Paano makapamumuhay ang kaniyang miyembro sa pag-ibig at pagkakaisa kung ang buhay niya ay puno ng paninibugho at galit? Paano niya masasabi sa mga miyembro na magtiwala sa Diyos kung siya ay namumuhay sa takot? Paano makapamumuhay na nakalulugod sa Diyos ang kaniyang mga miyembro kung siya mismo ay namumuhay para sa aprobasyon ng mga tao? Sabi nga nila walk the talk, practice what you preach. Deed, not just creed.
Ang ministrong hindi isinasapamuhay ang kaniyang doktrina ay nagbibigay ng mixed signals. Sinasabi niyang ang Salita is just a Sunday morning (or afternoon) thing at may disconnect sa Sunday studies and the rest of the week. At best, nagbibigay siya ng inconsistent na halimbawa; at worst, tinuturuan niya ang mga miyembrong maging ipokrito. As long as nakikita kang nagsisimba, okay na, kahit hindi mo ito isapamuhay. Ang ganitong ministro ay katitisuran hindi lamang ng mga miyembro kundi ng mga unbelievers who rightly expect to see holiness sa ministro. May malaking batong naghihintay sa magtitisod ng mha bata sa pananampalataya. Ang dagat ay kumakaway.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment