Naaawa ako kay Satanas
Hindi kayo nagkakamali ng binabasa. Naaawa ako kay Satanas, hindi dahil sa ako ay secret Satanist kundi dahil naiirita ako sa mga Cristianong upang matakasan ang kanilang personal responsibility ay laging sinisisi si Satanas.
Mula nang tuksuhin ni Satanas ang ating mga magulang, sina Adan at Eva na magkasala, lahat na lang ng kasalanan ay personal na sinisisi kay Satanas. Pansining nang akitin ni Satanas si Adan at si Eva, hindi niya layong magpasimula ng isang magulong mundo, kundi ng isang mundong hiwalay sa impluwensiya ng Diyos. Ang kasamaang nakikita sa sanlibutan ay sa malaking banda resulta ng kabiguan ni Satanas na pamahalaan ang kaniyang “kaharian” sa halip na resulta ng kaniyang polisiya. Gaya ng ibang despot, gusto ni Satanas nang maayos na kaharian sa kaniyang ilalim.
Sa Santiago 1:14-15 makikita natin ang diagnosis ni Santiago sa human sin. Hindi ito mula sa Diyos, o kay Satanas kundi sa masamang pita ng kaniyang laman. Yes tama ang inyong nabasa. Hindi na kailangang tuksuhin ni Satanas ang tao na magkasala dahil ang tao mismo ay tinutukso ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng kaniyang masasamang pita.
Bakit masama ang mga pita na ito? Masama ang mga ito dahil ang mga ito ay hindi ayon sa layon ng Diyos. Maraming pagnanasa ang katawan na masasabing hindi masama by itself. Pero kung ang mga pagnanasang ito ay nakahahadlang sa pagkakaroon ng mahusay na relasyon sa Diyos, o kung ang mga ito ay nagtuturo sa tao ng independensiya mula sa Diyos, ang mga pagnanasa o pita na ito ay masama.
Hindi ko sinasabing walang bahagi si Satanas sa panunukso ng mga pita na ito. Kung ang mga pita na ito ay makatutulong upang hiwalay ang tao sa Diyos at mapasailalim ng kaniyang impluwensiya, wala akong dudang si Satanas ay aktibo sa pagkultiba ng mga pitang ito. Pero doubtful sa akin na tutuksuhin tayo ni Satanas just for the sake of sinning. Remember, that during the Incarnation, the ace trump of Satan are not the criminals or gangsters but self-righteous religious leaders.
Anong nangyayari sa mga masamang pita na ito? Kapag ang masamang pita ay kumatok sa ating mga puso, iyan ay porma ng tukso. By itself ang temptation is not a sin, otherwise Jesus sunned when tempted. Temptation is a sin if you give in to it. A good rule of thumb is one attention is enough, two is too much and three is a poison that kills the person. As long as you say no to temptation, you’re not sinning. But if your thoughts dwell on the temptation, you will act on it, first mentally, then overtly.
How do we fight temptations? Gayahin natin ang sagot ng isang batang babae sa kaniyang prep class. “Kapag kumatok ang kasalanan sa pintuan ng aking puso, sinasabihan ko si Jesus na pabuksan ang pintuan. Ang kasalanan ay kumakaripas ng takbo palayo.” In other words be occupied with Christ so sin will have no space left to occupy. Do not let the hen roost or it will lay eggs. Do not let evil thoughts roost or it will result to sin. Think godly thoughts. Think of Jesus. Think of Bible doctrine. Then temptations will have no space to hold on to.
When we give in to sin, the result is sin. So desire gives birth to sin. Now sin can be mental, can be overt or can be verbal. It can be a sin of omission (we know what is right but did not do it) or a sin of commission (we know it is wrong but we do it any way). It could be mortal (in a sense all sins lead to death but some sins directly lead to death; try shooting a cop and see if that didn’t kill you in a shoot out), or it could be non-mortal (some lies will not kill you, but they can sully your reputation). Sorry to say there is no such thing as venial sins for all sins equally separate a Christian from fellowshipping with God.
What happened to sin? Kapag siya ay malaki na (matured, nasa fruit-bearing stage), namumunga ng kamatayan. Sa Biblia ang kamatayan ay maaaring pisikal (ang pagkagumon sa droga ay nakamamatay) or it could be non-physical. Non-physical death due to sin includes separation from fellowshipping with God (basahin ninyo ang Psalms 32,38 at 51 na naglalarawan ng karanasan ni David when he sinned with Bathsheba), loss of happiness and loss of purpose or meaning (or death-like experience). Maraming Cristianong pisikal na buhay ngunit mas masahol pa sa patay dahil wala silang kasiyahan. Ask Solomon.
Paano nakapasok si Satanas sa usapan? Simple. Dahil ayaw nating mag-assume ng responsibility sa ating spiritual na buhay, like Adam and Eve, we play the blame game. Kasalanan ng iba, sa halip na sisihin ang ating mga pita. Eventually, si Satanas ang tagasalo ng lahat. I mean tayo ang nakalimot na magpaayos ng motor pero nang may aksidente, kasalanan ni Satanas. Tayo ang nakatulog sa trabaho pero nang maalis sa trabaho, kasalanan ni Satanas. Tayo ang nagsinungaling, nag-akusa at kumilos pero you get it kasalanan pa rin ni Satanas. Si Satanas ang naging ultimate escape goat which is weird dahil sa OT may ceremony na ang kasalanan ay symbolically pinatong sa mga goats bago ang isa ay pinakawalan at ang isa ay inihandog and it js doubtful na si Satanas ang antitipo ng mga ito.
It is time na kilalanin nating majority ng ating kasalanan at kasamaan ay hindi “spiritual warfare” but old fashioned self-centeredness. We sinned because we covet. We sinner because we hurt. We sinned because we wanted to get even. We sinned because we love ourselves too much. We sinned because we have an infinite lust patterns that demand satisfaction and most of what satisfies us comes from being independent of God.
Siguro nanggigil si Satanas kapag nababanggit ang kaniyang pangalan dahil sa katangahan ng tao. After all he sinner because he wanted to become like the Most High, not to become a criminal. Ang failure nating kilalanin ang ating responsibility ang dahilan why we keep on doing our sins. Until we realize our culpability, we’ll keep blaming others, including Satan. And well be kept blinded from our shortcomings. In other words, we won’t improve.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment