LAC and small discipleship group
Nag-conduct kami ngayon ng LAC tungkol sa Re-Entry Action Plan. Nag-imbita kami ng resource person upang magbahagi ng kaniyang kaalaman. Nasa 20 kaming dumalo. Sa LAC session malaya kaming magtanong para malinawan sa mga issues na kinahaharap naming mga teachers.
Kaya napaisip ako. What if my LAC session rin ang simbahan?
Ang naiisip ko ay once in a quarter, magtitipon ang mga workers ng simbahan para mag-share ng kanilang karanasan at magtanong tungkol sa mga isyung kanilang hinaharap. Panahon din ito upang ang mga workers ay mag-set ng next steps at plans.
Isa sa mga dahilan ng hindi pagkakasundo sa simbahan ay kawalan ng pag-uusap. Tanging ang leader lang ang may monopolya sa pagpaplano at pagdedesisyun. Naiiwan ang ibang manggagawa sa quandary kung ano ang dapat gawin at kapag aktuwal na may ginawa ang worker, minamasama ng leader na nag-aakalang dapat siyang konsultahin sa kahit anong hakbang.
Sa ganitong paraan, may collaboration ang mga workers. At may direksiyon ang simbahan. Hindi yung ang mga hakbang ay bara-bara lang.
Maaaring talakayin ang mga isyu patungkol sa pagtuturo ng mga bata sa prep, pagsasaayos ng choir, mga metodo ng pagtuturo at maraming pang iba. Panahon din ito for skills development. Matuto ang mga workers ng panibagong skills sa paglilingkod.
Walang masamang mag-adopt ng teknik mula sa secular sources so long as i-adapt ito sa church needs.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment