Hindi ba kilala ni Juan Bautista si Jesus?



Mateo 11:2 Nang marinig nga ni Juan sa bilangguan ang mga gawa ni Cristo, ay nagpasugo siya sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad,3 At sinabi sa kaniya, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba?

Marahil nagtatanong kayo, "What's going on with John? Doesn't he know who Jesus is? Doesn't he know Jesus is God? That He is the Messiah?"

Inherent sa tanong na ito ay ang assumption: John is doubting because he didn't know Jesus. 

But is this true?

Malinaw sa Kasulatan na kilala ni Juan si Jesus, including the fact that He is deity:

Juan 1:29 Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!33 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo.34 At aking nakita, at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Dios.

In fact he quoted Isaiah:

Isaias 40:3 Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios.4 Bawa't libis ay mataas, at bawa't bundok at burol ay mabababa; at ang mga bakobako ay matutuwid, at ang mga hindi pantay na dako ay mapapatag.

In-apply niya sa kaniyang sarili ang papel ng tinig na sumisigaw at nang makita niya si Jesus, ito ang Panginoong ni hindi siya karapatdapat na mag-alis ng tali ng sandalyas. 

Malinaw kay Juan na siya ay hindi ang Cristo o propeta kundi isa lamang sugong magtuturo sa pinatotohanan ng mga propeta. Sinumang nagbabasa ng Kasulatan ay malinaw ito. In fact ang kaniyang kasiyahan ay ang bumaba upang si Cristo ang tumaas. 

So what is going on in Matthew 11. Why is he asking "Are you the one or do we look for another?" Hindi ba sure na si Jesus ang Cristo? 

Nakita niya ang Espiritu na bumaba kay Jesus sa porma ng kalapati. Narinig niya ang patotoo ng ama both publicly nang magsalita ang Ama during Jesus' baptism and privately nang ituro ng Ama kung paano makilala ang Cristo. So there is no doubt na kilala niya si Jesus. 

Ngunit maraming nangyari kay Juan. Shortly after ipakilala si Jesus sa publiko bilang ang Panginoong hinihintay ng lahat, ang Diyos sa anyong tao, ang Cristo, si Juan ay pinakulong ni Herodes for boldly preaching the truth. Just like any self-righteous person, nag-alburuto si Herodes at pinakulong si Juan. I don't thin na nakakulong si Juan sa isang 5-star hotel, given that Herodias is pictured in the Bible as vindictive. I mean how would you describe someone who preferred her enemy's head over half the kingdom (whatever it means- literal or figurative)? 

So by the time of Matthew 11, which is some time before the dispensational rejection of Jesus by the Jewish leaders (see the unpardonable sin of Matthew 12), ilang buwan and probably taon nang nakakulong si Juan. During that time, he is in distress. During that time umaasa siyang darating na ang Kaharian, after all kinilala at pinakilala na niya ang Hari. During that time, he is probably wondering, "Nagkamali ba ako kay Jesus? O baka kinalimutan Niya na ako? Do I look for another? IS MY FAITH IN HIM MISPLACED?"

Kahit kayo ay daraan sa periodic bouts of doubt kung kayo ay nakakulong at nagdurusa. And I think hindi mo maa-appreciate sabihang, "You doubt, therefore you don't know who Jesus is. Jesus hasn't been revealed to you." You are hypocrite to think that about others. 

Yes, John knew who Jesus is. He knew Jesus is God. He knew Jesus is the Christ. But after years of languishing in prison and kingdom not arriving despite the arrival of its King, we sympathize with John. He is showing his humanity. 

Can a Christian doubt God? He can and will. It does not mean you're not a true believer. It means you're human and looking for answers. 

At saan tayo hahanap ng sagot? When John is asking, he went for the Source. He sent to Jesus. He did not ask the opinions of others. He did not rely on his own memory. He asked Jesus. 

When we doubt, we're do we go? To other people? We should go straight to Jesus. Go read your Bible. Think divine viewpoint. 

How did Jesus address John's concern? He show the messengers evidence which John can interpret in light of the doctrine he knew. Alam ni Juan na ang Mesiyas ay makapagpapalakad ng pilay, makakabukas ng mata ng bulag, at nagbubukas ng tainga. Higit sa lahat, ang mga dukha na in general ay walang access sa Word of God ay naririnig ito straight form God in flesh. Tell these to John and John can decide for himself if there is reason to doubt Jesus. Magagamit ni Juan ang kaniyang nalalamang doktrina para palakasin ang kaniyang pananampalataya. 

There is nothing wrong in having doubts. If these doubts didn't bring you away from Christ. If the doubts caused you to delve deeper to the Word, looking for answers, it is good. At some point in our lives we'll have doubts. Do not let the doubts take you away from Christ. Use them to get closer to Him. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?