Posts

Ang mga Cristiano ay Mga Anak ng Diyos Sa Pamamagitan ng Pananampalataya

Image
  Galatia 3:26 Sapagka't kayong lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus.27 Sapagka't ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.28 Walang magiging Judio o Griego man, walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man; sapagka't kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus.29 At kung kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako. Isa sa pagtutol ng kausap kong Reformed Adventists ay sa sandaling manampalataya ang isang Gentil, siya ay kaisa ng mga mananampalatayang Judio kay Cristo. Samakatuwid, sila rin ay sakop na rin ng Kautusan. Ang ginamit niyang teksto ay Galatia 3:26-29. This is weird dahil ang kaniyang sinasabi ay kabaligtaran ng sinasabi ng teksto.  Sa v22-25 tinuro ni Pablong ang Kautusan ay tagapagturo at tagahatid ng mga Judio kay Cristo. Ginamit niya ang panghalip na TAYO upang ipakita ang katotohanang ito. Nang dumating si Cristo (...

Kanino binigay ang Sampung Utos

Image
  Isa sa hindi namin pinagkakasunduan ng aking kausap na Reformed Adventists ay kung kanino binigay ang Sampung Utos. Pinipilit niyang ito ay nakasasakop sa mga Cristiano ngayon. Naninindigan akong ito ay nakasasakop lamang sa mga Israelita at hindi mga Gentil, at kahit sa mga Israelita si Cristo ang katapusan ng katuwiran ng Kautusan para sa mga nanampalataya. Tingnan natin ang ebidensiya.  "At tinawag ni Moises ang buong Israel, at sinabi sa kanila, Dinggin mo, Oh Israel, ang mga palatuntunan at mga kahatulan na aking sinalita sa inyong mga pakinig sa araw na ito, upang matutunan ninyo sila, at ingatan at isagawa sila." Direktang binanggit dito na ang mga PALATUNTUNAN at KAHATULAN ay para sa buong Israel. Hindi ito ibinigay sa mga Filipino. Hindi ito ibinigay sa mga Cristiano. Hindi ito ibinigay sa mga Adventists o sa mga Bible Christians.  "Ang Panginoong ating Dios ay nakipagtipan sa atin sa Horeb." Ang tanging bansang nakipagtipan ang Diyos ay sa bansang Israel...

Preaching to the choir

Image
  Masayang maglaro ng ML pero ang isang nakakadismaya rito ay ang level ng trash talking sa parte ng ibang manlalaro. Palibhasa protektado ng katotohanang hindi nila kaharap ang inaalimura, lipana sa laro ang mga salitang hindi mo mababanggit kung kaharap mo ang kausap. Sabi nga ng isang boksingero, "Social media made y'all way too comfortable with disrespecting people and not getting punched in the face for it." I am sure mas magiging mabait ang mga tao kung ang kaharap nila ay malakas manuntok.  Unfortunately ganito rin ang nangyayari sa mga simbahan natin. Ang ating mga ministro ay guilty ng trash talking behind the pulpit. Malakas ang loob na mamuna ng ibang relihiyon palibhasa hindi nila kaharap. Malakas ang loob na mangaral laban sa ibang relihiyon dahil ang kaniyang kaharap ay mga miyembrong dati nang naniniwala sa kaniyang sinasabi. Hindi niya kayang humarap sa mga taong hindi kapanalig, sa isang uncontrolled environment, kung saan maaari kang masuntok sa maling p...

Ginayuma

Image
Galatia 3:1 Oh mga mangmang na taga Galacia, sino ang mga nagsigayuma sa inyo, na sa harapan ng inyong mga mata'y si Jesucristo, na napako sa krus, ay maliwanag na inihayag?2 Ito lamang ang ibig kong maalaman sa inyo, Tinanggap baga ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa pamamagitan ng pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?3 Napakamangmang na baga kayo? kayong nagpasimula sa Espiritu, ngayo'y nangagpapakasakdal kayo sa laman?4 Tiniis baga ninyong walang kabuluhan ang lubhang maraming mga bagay? kung tunay na walang kabuluhan.5 Siya na nagbibigay nga sa inyo ng Espiritu, at gumagawa ng mga himala sa gitna ninyo, ginagawa baga sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?6 Gaya nga ni Abraham na sumampalataya sa Dios, at ito'y ibinilang sa kaniya na katuwiran.7 Talastasin nga ninyo na ang mga sa pananampalataya, ang mga yaon ay mga anak ni Abraham. Sa Galatia, pinangaral ni Pablo ang evangelio ng...

Ang Kautusan ay Para sa Masasama at Makasalanan

Image
1 Timoteo 1:9 Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao,10 Dahil sa mga nakikiapid, dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake, dahil sa mga nagnanakaw ng tao, dahil sa mga bulaan, dahil sa mga mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban sa mabuting aral;11 Ayon sa evangelio ng kaluwalhatian ng mapagpalang Dios, na ipinagkatiwala sa akin. May mga taong naniniwalang ang tao ay naligtas sa pananampalataya kay Cristo ngunit mananatiling ligtas kung susunod sa Kautusan. Ayon kay Pablo ang mga taong ito ay nagayuma, Gal 3:1ss.  Ang parehong turo ay binigay ni Pablo kay Timoteo (v3-8) na inaralan siyang sabihan ang ilang kalalakihang nagtuturo ng Kautusan kahit hindi nila alam kung para saan ito. Tinuturo ng mga huwad na gurong i...

Ang Kahalagahan ng Resureksiyon ni Cristo para sa Mananampalataya

Image
  Mark 16:6[6]And he said to them, "Do not be amazed; you are looking for Jesus the Nazarene, who has been crucified. HE HAS RISEN; HE IS NOT HERE; behold, here is the place where they laid Him. Kahapon, pinagdiwang ng mga Cristiano ang muling pagkabuhay ni Cristo. Bagama't personally hindi kami sumusunod sa liturgical calendars ng mga relihiyon (preferred naming ipagdiwang araw-araw ang resureksiyon), kaisa ako ng sinumang gustong alalahanin ang muling pagkabuhay ni Cristo. Ano nga ba ang halaga ng pagkabuhay ni Cristo para sa mga mananampalataya. Una ang resureksiyon ay patunay na tinanggap ng Diyos ang paghahandog ni Cristo ng Kaniyang sariling buhay bilang kabayaran o katubusan ng ating mga kasalanan. Roma 4:25 Na ibinigay dahil sa ating mga kasuwayan, at binuhay na maguli sa ikaaaring-ganap natin. 1 Corinto 15:3 Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan,4 At siya...

Ang Diyos lang ang nakakaalam

Image
  1 Juan 5:13 Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios. Sa aming pakikipag-usap sa ating mga katotong Reformed Adventists, sang-ayon sila na si Cristo ay namatay sa krus sa pagbayad ng ating mga kasalanan. Sang-ayon din silang ang pananampalataya kay Cristo ang ground of justification. Samakatuwid ang nanampalataya kay Cristo ay ligtas. Siya ay matuwid.  Ngunit malinaw sa kanilang paniniwalang ang kaligtasang ito, ang katuwirang ito, ay pansamantala at hindi eternal. Ito ay probation na buhay at probation na katuwiran. Ito ay maaaring maiwala kung mabigo kang mamuhay nang may pag-ibig at malabag ang kahit isa sa Sampung Utos.  Bilang halimbawa, kung nanampalataya ka ngayon, at bukas ikaw ay nagnakaw at namatay, ayon sa kanila, ang kasalanang iyon ay magdidiskwalipika sa iyo sa langit sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan....

Ipinako sa Krus

Image
  Colosas 2:14 Na pinawi ang usapang nasusulat sa mga PALATUNTUNAN laban sa atin, na hindi naayon sa atin: at ito'y kaniyang inalis, na ipinako sa krus. Ang kamatayan ni Cristo sa krus ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan. Sa krus, namatay si Cristo para sa ating mga kasalanan (1 Corinto 15:1-4), sa krus Siya ang naging pampalubag-loob sa ating mga kasalanan (1 Juan 2:2), sa krus winasak Niya ang kapangyarihan ng diablo (Hebreo 2:14), sa krus pinako Niya ang ating lumang pagkatao (Roma 6:6) at sa krus din pinako ang mga PALATUNTUNAN laban sa atin (Col 2:14).  Sa krus ang mga PALATUNTUNAN laban sa atin ay ipinako sa krus. Ano ba ang mga palatuntunan? Sa konteksto ng Colosas 2, ito ay tumutukoy sa 16 Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath: 17 Na isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't ang katawan ay kay Cristo. 20 Kung kayo'y nangamatay na kalakip ni Cristo mula sa mg...

Christian Freedom , Part 2

Image
  Roma 14:5 May nagmamahal sa isang araw ng higit kay sa iba: may ibang nagmamahal sa bawa't araw. Bawa't isa'y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip.6 Ang nagmamahal sa araw, ay minamahal ito sa Panginoon; at ang kumakain, ay kumakain sa Panginoon, sapagka't siya'y nagpapasalamat sa Dios; at ang hindi kumakain, ay hindi kumakain sa Panginoon, at nagpapasalamat sa Dios.7 Sapagka't ang sinoman sa atin ay hindi nabubuhay sa kaniyang sarili, at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili.8 Sapagka't kung nangabubuhay tayo, sa Panginoon tayo'y nangabubuhay; o kung nangamamatay tayo, sa Panginoon tayo'y nangamamatay: kaya't sa mabuhay tayo, o sa mamatay man, tayo'y sa Panginoon.9 Sapagka't dahil dito ay namatay si Cristo at nabuhay na maguli, upang siya'y maging Panginoon ng mga patay at gayon din ng mga buhay.10 Datapuwa't ikaw, bakit humahatol ka sa iyong kapatid? at ikaw naman, bakit pinawalaang halaga mo ang iyong kapatid? sapag...

Christian Freedom , Part 1

Image
Roma 14:1 Datapuwa't ang mahina sa pananampalataya ay tanggapin ninyo, hindi upang pagtalunan ang kaniyang pagaalinlangan.2 May tao na may pananampalataya na makakain ang lahat ng mga bagay: nguni't ang mahina'y kumakain ng mga gulay.3 Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain; at ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain: sapagka't siya'y tinanggap ng Dios.4 Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya; sapagka't makapangyarihan ang Panginoon na siya'y maitayo. Ayon kay Pablo sa Galatia 5:1, tayo ay pinalaya tayo ni Cristo upang maging tunay na malaya. Dahil dito huwag tayong magpasakop muli sa kaalipinan.  Isa sa nakalulungkot na realidad ng buhay espirituwal ay may mga Cristianong very controlling sa kanilang mga preferences. Ang mga preferences ay mga bagay na hindi direktang poo pinagbabawal or even addressed by the Bible. Sila ay nonessential sa kaligtasan o s...