Christian Freedom , Part 1
Roma 14:1 Datapuwa't ang mahina sa pananampalataya ay tanggapin ninyo, hindi upang pagtalunan ang kaniyang pagaalinlangan.2 May tao na may pananampalataya na makakain ang lahat ng mga bagay: nguni't ang mahina'y kumakain ng mga gulay.3 Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain; at ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain: sapagka't siya'y tinanggap ng Dios.4 Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya; sapagka't makapangyarihan ang Panginoon na siya'y maitayo.
Ayon kay Pablo sa Galatia 5:1, tayo ay pinalaya tayo ni Cristo upang maging tunay na malaya. Dahil dito huwag tayong magpasakop muli sa kaalipinan.
Isa sa nakalulungkot na realidad ng buhay espirituwal ay may mga Cristianong very controlling sa kanilang mga preferences. Ang mga preferences ay mga bagay na hindi direktang poo pinagbabawal or even addressed by the Bible. Sila ay nonessential sa kaligtasan o sa paglago sa maturidad. Dahil dito mayroong degree of freedom ang mga Cristiano sa mga isyung ito. Ang degree of freedom ay nagpapakita ng kaniyang maturity at wisdom. Dahil hindi lahat ay may parehong degree ng maturity o wisdom, magkakaroon ng iba't ibang opinion ang mga Cristiano.
Ang malungkot ay hindi ito nangyayari. May mga Cristianong hindi ma-dististinguish ang essentials from nonessentials. May hindi ma-dististinguish ang preference from precept. Dahil dito gusto niya itong i-impose sa iba. Nag-aakala siyang siya ay malakas, ngunit sabi ni Pablo, ito ay kahinaan.
May mga essentials na hindi tayo dapat magkompromiso. Ang katotohanan ng evangelio is one of them. Anumang mangyari hindi dapat mahaluan o madagdagan ang malaya at libreng biyaya ng Diyos sa kaligtasan o kabanalan. Ang biyaya ay isang kumpletong sistema na sapat sa kaligtasan at sa kabanalan at hindi nangangailangan ng dagdag mula sa Kautusan o laman.
May mga nonessentials o mga bagay na hindi mahalaga. Kasama rito ang isyu ng pagkain o araw ng pagsamba o pangilin.
"Datapuwa't ang mahina sa pananampalataya ay tanggapin ninyo, hindi upang pagtalunan ang kaniyang pagaalinlangan." Gaya nang nasabi may iba't ibang antas ng pananampalataya. May mga malalakas at may mga mahihina. Ang mga mahihina ay hindi pa sapat ang kaalaman at madalas maipagkamali ang kaniyang preference sa precept. Dahil dito may mga bagay na hindi niya magawa nang may malinis na konsensiya. May mga bagay na lehitimo para sa Cristiano na hindi niya magawa nang walang guilt. Ayon kay Pablo unawain siya at huwag pagtalunan ang kaniyang pag-aalinlangan.
"May tao na may pananampalataya na makakain ang lahat ng mga bagay: nguni't ang mahina'y kumakain ng mga gulay." Isang area ay pagkain. Namatay si Jesus upang palayain ang mga Judio sa pamatok ng Kautusan, kasama na ang isyu ng pagkain. To my knowledge, tanging dugo, hayop na binigti at pagkaing inalay sa mga diyus-diyusan ang pinagbabawal sa mga Gentil upang hindi matisod ang mga Judiong kalalaya pa lang sa Kautusan. Dahil bago pa lang sila sa kalayaan, hindi nila maalis sa isipan ang mga pagbabawal to the point na upang masigurong hindi nila malabag ang Kautusan, gulay na lamang ang kanilang kinakain. Sabi ni Pablo ang mga Cristianong ito ay mahina ang pananampalataya. Obligasyon nating malakas sa pananampalataya o nakakaunawa ng ating kalayaan kay Cristo na huwag kuwestiyonin ang kaniyang pag-aalinlangan at huwag ipangalandakan sa kaniyang harapan ang ating kalayaan.
"Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain; at ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain: sapagka't siya'y tinanggap ng Dios." Kailangang mag-ibigan ang mga kapatid sa pamamagitan ng pag-unawa sa bawat isa. Huwag hatulan ng mga vegetarian ang mga kumakain ng karne, and vice versa. Ito ay nonessential. Ang essential ay pareho silang tinanggap ng Diyos nang sila ay manampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan.
"Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya; sapagka't makapangyarihan ang Panginoon na siya'y maitayo." Ang dahilan kung bakit hindi dapat maghatulan ay ang kapatid ay hindi mo alipin kundi alipin ng Diyos. Ang Diyos ang tanging may karapatang humatol sa kaniya. Tatayo o bubuwal (papasa o babagsak sa pamantayan ng Diyos) sa harap ng kaniyang Panginoon, hindi sa ating personal na preperensiya o personal na pamantayan. At dahil ito ay nonessential, siya ay tatayo dahil sa kapangyarihan ng Diyos. Sinong nakakaalam kung sa kaniyang paglago sa biyaya at pananampalataya, makilala niya ang kalayaan na nandiyan kay Cristo?
Itutuloy ko sa Part 2.
.jpeg)

Comments
Post a Comment