Your move
"Your next move matters more than your last mistake. Read that again." Makikita sa larawan ang apat na game pieces. Tatlo ang nakatayo: pula, dilaw, at asul. Isa ang nakatumba: berde. Parang buhay lang. Minsan nakatayo tayo. Minsan nakadapa. Minsan nagkakamali. Pero ang mensahe ay malinaw: Huwag kang tumitig sa nakatumba. Tumayo ka. Ang susunod mong hakbang ang magdidikta kung saan ka pupunta. At ang Ang Biblia ay punong-puno ng katotohanang ito. BAHAGI 1: LAHAT TAYO AY NAKAKARANAS NG PAGKADAPA Wala ni isa sa atin ang perpekto. Lahat tayo may "berdeng piyesa" sa buhay - yung bahaging bumagsak. Kawikaan 24:16: “Sapagka't makapito ang mabubuwal ang matuwid, at babangon uli: nguni't ang masama ay mabubuwal sa kabagabagan.” Napansin mo? Ang matuwid ay nabubuwal din. Makapito. Ang pinagkaiba: babangon uli. Ang masama, kapag bumagsak, nananatili sa pagkabagsak. Kaya kung nakadapa ka ngayon, hindi...