Ang Kahalagahan ng Resureksiyon ni Cristo para sa Mananampalataya

 


Mark 16:6[6]And he said to them, "Do not be amazed; you are looking for Jesus the Nazarene, who has been crucified. HE HAS RISEN; HE IS NOT HERE; behold, here is the place where they laid Him.

Kahapon, pinagdiwang ng mga Cristiano ang muling pagkabuhay ni Cristo. Bagama't personally hindi kami sumusunod sa liturgical calendars ng mga relihiyon (preferred naming ipagdiwang araw-araw ang resureksiyon), kaisa ako ng sinumang gustong alalahanin ang muling pagkabuhay ni Cristo. Ano nga ba ang halaga ng pagkabuhay ni Cristo para sa mga mananampalataya.

Una ang resureksiyon ay patunay na tinanggap ng Diyos ang paghahandog ni Cristo ng Kaniyang sariling buhay bilang kabayaran o katubusan ng ating mga kasalanan.

Roma 4:25 Na ibinigay dahil sa ating mga kasuwayan, at binuhay na maguli sa ikaaaring-ganap natin.

1 Corinto 15:3 Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan,4 At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan.

Kung hindi Siya bumangon mula sa mga patay, nangangahulugan itong hindi tinanggap ng Diyos ang Kaniyang gawaing pagliligtas. Ang isang patay na Tagapagligtas ay hindi makapagliligtas ng sinuman. Bumangon Siya na nagpapakitang nang mamatay Siya para sa ating mga kasalanan, ang kamatayang ito ay tinanggap ng Diyos bilang sapat at tanging kabayaran ng ating mga kasalanan. Walang gawa ng kabutihan o gawa ng Kautusang makapagbabayad ng ating mga kasalanan. 

Ikalawa, ang Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na maguli ang basehan ng ating kabaguhan ng buhay. 

Roma 6:4 Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.5 Sapagka't kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli.

Walang kapangyarihan ang kasalanan sa mga Cristiano (malibang boluntaryong muling magpasakop siya sa kasalanan) dahil sa kamatayan at pagkabuhay ni Cristo sa krus, kasama tayong namatay at nabuhay na maguli. Ito ang dahilan at makalalakad tayo sa panibagong buhay. 

Ikatlo, ang kapangyarihang bumuhay kay Cristo mula sa mga patay ay available sa mga mananampalataya:

Efeso 1:19 At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas,20 Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan...

Ang kapangyarihan upang mamuhay sa kabanalan ay available sa lahat ng mananampalataya. Kung tayo ay nakararanas ng kabiguan sa espirituwal na buhay, ito ay dahil hindi natin ginagamit ang kapangyarihan ng Diyos. Mas pinipili nating mamuhay sa sarili nating kapangyarihan. Ang resulta nito ay frustration at kabiguan. 

Kahit si apostol Pablo ay nais maranasan ang kapangyarihan ng resureksiyon:

Filipos 3:9 At ako'y masumpungan sa kaniya, na walang katuwirang aking sarili, sa makatuwid baga'y sa kautusan, kundi ang katuwirang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwiran ngang buhat sa Dios sa pamamagitan ng pananampalataya:10 Upang makilala ko siya, at ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay na maguli, at ang pakikisama ng kaniyang mga kahirapan, na ako'y natutulad sa kaniyang pagkamatay...

Sa huli, ang ating resureksiyon ay posible dahil sa resureksiyon ni Cristo.

1 Tesalonica 4:14 Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya.15 Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.16 Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli.

1 Corinto 15:22 Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.23 Datapuwa't ang bawa't isa'y sa kaniyang sariling katayuan; si Cristo ang pangunahing bunga; pagkatapos ay ang mga kay Cristo, sa kaniyang pagparito.

Ang resureksiyon ni Cristo ang ating pag-asa. Ito ang nagbibigay sa atin ng paalalang ang kamatayan ay hindi katapusan. Kahit ang kamatayan ay hindi kayang pigilan si Cristo at sa parehong paraan ang kamatayan ay hindi katapusan para sa atin. Kaya hindi tayo dapat matakot o magimbal ng kamatayan.

1 Corinto 15:17 At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa.18 Kung gayon nga, ang mga nangatutulog din naman kay Cristo ay pawang nangapahamak.19 Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)












Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Isang Pag-aaral sa 2 Corinto 5:17

Panalangin sa Kapatiran