Ang Kautusan ay Para sa Masasama at Makasalanan
1 Timoteo 1:9 Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao,10 Dahil sa mga nakikiapid, dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake, dahil sa mga nagnanakaw ng tao, dahil sa mga bulaan, dahil sa mga mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban sa mabuting aral;11 Ayon sa evangelio ng kaluwalhatian ng mapagpalang Dios, na ipinagkatiwala sa akin.
May mga taong naniniwalang ang tao ay naligtas sa pananampalataya kay Cristo ngunit mananatiling ligtas kung susunod sa Kautusan. Ayon kay Pablo ang mga taong ito ay nagayuma, Gal 3:1ss.
Ang parehong turo ay binigay ni Pablo kay Timoteo (v3-8) na inaralan siyang sabihan ang ilang kalalakihang nagtuturo ng Kautusan kahit hindi nila alam kung para saan ito. Tinuturo ng mga huwad na gurong ito ang mga espekulasyong walang mabuting maidudulot kasama na ang walang hanggang kasaysayan ng mga lahi. Sa v9ss sinabi ni Pablo ang tunay na gamit ng Kautusan.
Ang Kautusan ay hindi para sa mga taong matuwid kundi:
1. Sa mga walang kautusan
2. Manggugulo,
3. Dahil sa masasama
4. Mga makasalanan
5. Dahil sa mga di banal
6. Mapaglapastangan
7. Dahil sa nagsisipatay sa ama
8. Nagsisipatay sa ina
9. Dahil sa mga mamamatay-tao
10 Dahil sa mga nakikiapid,
11. Dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake
12. Dahil sa mga nagnanakaw ng tao
13. Dahil sa mga bulaan
14. Dahil sa mga mapagsumpa ng kabulaanan
15. Kung mayroon pang ibang bagay laban sa mabuting aral ayon sa evangelio ng kaluwalhatian ng mapagpalang Dios, na ipinagkatiwala sa akin.
Kung ikaw ay banal at matuwid dahil sa pananampalataya kay Cristo, ang Kautusan ay hindi para sa iyo. Ang pag-aming ikaw ay nasasakop ng Kautusan ay pag-aming hindi ka banal o matuwid sa harap ng Diyos dahil sa pananampalataya kay Cristo. Alalahaning ang sinumang nanampalataya kay Cristo, ang kaniyang pananampalataya ay inaring katuwiran.
Pansinin ang ika-15 sa listahan. Ang pagpasakop sa Kautusan ay tiyak na palatandaang ikaw ay salungat sa mabuting aral ayon sa evangelio ng kaluwalhatiang ipinagkatiwala kay Pablo. Ang pagpasakop sa Kautusan ay patunay na hindi naunawaan ang evangelio at biyaya ng Diyos. Dahil kung ito ay naunawaan, hindi ka nagpapasakop sa Kautusan.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
.jpeg)

Comments
Post a Comment