Periodic testing
Bilang isang guro, tinuturing namin ang periodical exam bilang mahalagang kasangkapan sa pagtuturo sa mga bata. Salungat sa iniisip ng mga estudyante, ang tests ay hindi dinisenyo upang pahirapan sila for the sake na pahirapan, hindi ito ganti sa kanilang kakulitan o pagpapatuloy ng cycle of vengeance (pinahirapan kami ng aming mga teachers, ngayon kami naman ang magpapahirap sa kanilang mga anak, lol), kundi paraan upang tulungan ang mga batang hugutin mula sa kanilang kaibuturan ang mga aral na natutunan at i-apply sa buhay (via mock tests). Swerte ng mga bata, dahil pwede nilang burahin ang maling sagot sa mock tests, dahil sa buhay madalas ang mga konsekwensiya ng maling desisyon ay hindi na maibabalik. Ganuon din spiritually. Nag-aaral tayo ng Salita ng Diyos , at bilang isang Master Teacher , nagbibigay Siya ng periodic testing. Ilan sa mga doktrinang napakinggan ang talagang magagamit sa tunay na buhay at ilan ang hanggang teorya lamang. Madaling sabihing manampalat...