Periodic testing


Bilang isang guro, tinuturing namin ang periodical exam bilang mahalagang kasangkapan sa pagtuturo sa mga bata. Salungat sa iniisip ng mga estudyante, ang tests ay hindi dinisenyo upang pahirapan sila for the sake na pahirapan, hindi ito ganti sa kanilang kakulitan o pagpapatuloy ng cycle of vengeance (pinahirapan kami ng aming mga teachers, ngayon kami naman ang magpapahirap sa kanilang mga anak, lol), kundi paraan upang tulungan ang mga batang hugutin mula sa kanilang kaibuturan ang mga aral na natutunan at i-apply sa buhay (via mock tests). Swerte ng mga bata, dahil pwede nilang burahin ang maling sagot sa mock tests, dahil sa buhay madalas ang mga konsekwensiya ng maling desisyon ay hindi na maibabalik. 

Ganuon din spiritually. Nag-aaral tayo ng Salita ng Diyos, at bilang isang Master Teacher, nagbibigay Siya ng periodic testing. Ilan sa mga doktrinang napakinggan ang talagang magagamit sa tunay na buhay at ilan ang hanggang teorya lamang. 

Madaling sabihing manampalataya sa Panginoon pero ang sukatan ay kapag naharap sa mga pagsubok ng buhay. 

Sometimes maraming Cristianong may unhealthy na pananaw sa mga problema sa buhay. On one hand lahat ay sinisisi sa Diyos, "Bakit ako Lord?" On the other hand lahat sinisisi kay Satanas, "The devil made me do it." Ironically the first time na may nagsabi nito (sila Adan at Eva), ang accountability ay nasa tao mismo. 

The truth is sometimes the pain we have is due to our own decisions. Sometimes it is Satan's temptations. Sometimes it is God's direct testing. Whichever the source, if we trust God, God can use them to edify us. 

Our job is to prepare for the tests that will inevitably come. Study doctrines and apply them. When the testing comes, you know what to do. 

Alangan namang nagbabarilan na saka ka pa lang magbabasa ng manual kung paano bumaril. 

We have to prepare before the actual tests come. Learn doctrine and apply them. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

https://faithalone.org/ebooks/santiago/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION