Give us this day our daily spiritual bread

 


Hindi mo mapabibilis ang paglaki. Walang pinanganak ngayon at bukas ay fully mature na. 

Ganuon din spiritually. Spiritual growth takes time. It takes daily nourishment. And it takes a lot of positive volition. 

Kung didisiplinahin natin ang ating mga sariling mag-aral ng Salita ng Diyos, every day at gamitin ito sa sariling buhay, we'll definitely grow. 

Bible doctrine is the spiritual nourishment that feeds the soul and application is the exercise that enlarges the soul muscles. 

Kung puro aral lang na walang aplikasyon, we'll just deceive ourselves ayon kay Santiago. On the other hand if walang doctrine at puro lang aplikasyon, I wonder if you're even practicing Christianity or just moralism

We need learning and applying doctrine. 

And both needs your volition. 

Kung hindi mo ipaprioridad ang Salita ng Diyos, kung mas malaki ang iyong excuses kaysa sa iyong determination to learn, you won't grow. You might be involved in religious exercises but they will be external with no lasting value. 

Every day, gaano man tayo kaabala, we have to find time to learn God's Word. Because without knowing God's Word, we'll not know God's plan and we'll be wandering all over the place. 

Paikot-ikot na walang patutunguhan. Laging abala pero walang eternal value. 

If we don't know the Plan of God, whose plan are we even executing?

Dailyz we have to choose to study the Word of God, to consider it even more necessary than our daily food. 

Marami sa atin ang makikinabang nang husto if we skip a meal, that is fast. We consume too much calories than we can use. But none of us can afford to skip Bible doctrine. 

Either we're going forward or going backward. 

Choose today what you will focus your time on. Your choice will echo for eternity. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION